Chapter 13- Samurai X

6.7K 352 67
                                    

Dominique

"Ahhh grabe, ang dami nating ninja."
Nilagay sa paper bag ang mga napanalunan namin sa shuriken. Si Kuyang bantay, pinatigil na si Kenshin sa kakaitcha. Ayaw ng tanggapin ang bayad.
"Sa akin lang yan. Hindi ka naman nakatama." Sabi niya at inagaw ang ninja na stuff toy na hawak ko.
"Grabe ka." I sulked. "Kahit isa, pahinga mo ako."
He gave me a boyish smile. Nag-eenjoy na si Kenshin. Lalo na sa shuriken kanina. Ang dami kong pictures niya. At lahat iyon, itatago ko hanggang sa huling hininga.

"Dun tayo."
Hindi ako makakilos ng maayos. Mabuti at mahaba ang kimono kung hindi nakita na ang mga pasa ko. Ang mga pasa na unti-unting dumadami.

Nakisiksik ako sa mga nanonood ng mga samurai. Ay grabe, ang galing nilang humawak ng samurai. Naramdaman ko naman si Kenshin na nasa likod ko.

"Ang galing nila." Nakaka-amaze talaga. Para silang majorette kung magpaikot ng samurai. Hahaha, majorette. Baliw.
"Actors. They are actors." Comment ni Kenshin sa akin.
Nakipalakpak ako ng matapos ang exhibition nila.

"Who wants to try?" Tanong ng mga actors.
Kinurot ko ang braso ni Kenshin. Napataas ng kaunti ang kamay niya.
"Araayyy..." Angil niya sa akin.
"You." Turo ng actor kay Kenshin. Ginamitan pa ng samurai para medyo astig ang dating.
Natatawa akong nagtakip ng bibig sa kakapigil ng tawa. Nabadtrip na naman si Ken.

"Ahh...no. Thank you." Tanggi ni Kenshin. Nagsimula ng magpalakpakan ang mga nakapaligid. Nakipalakpak na din ako.
"Bantayan ko ang mga ninja mo." I volunteered. Kinuha ko sa kanya ang paper bag na hawak niya.
Pinaningkitan ako ng mata ni Kenshin at lumaki ang butas ng ilong niya.

"Galingan mo Battousai." I cheered for him.
Nakasimangot si Kenshin na lumapit sa mga actor. Matangkad pa naman siya kaya nakatingala sa kanya yung ibang audience.

"This is...samurai." Simula ng actor sa paglelecture sa kanya.
"I know how to use it." Sagot ni Kenshin.
"Owwwww..." Para kaming multo ng mga audience. Sabay-sabay pa kami.
Nakisiksik ako para mapunta ako sa unahan. Kailangan koi tong makuhanan.

Binigyan siya ng samurai ng isang actor at ininspect niya ito. Tinimbangtimbang at binalik sa scabbard. Itinali ni Ken ang samurai sa gilid ng bewang.

"Jusme kinakabahan ako." I told him. Loud enough so he can hear.
He smiled at me. A lopsided smile that made my world stops.

"Ready... Action." Sigaw ng isang actor kanina. Yung kalaban na natalo kunwari.
Hawak ko ang camera ko at nakaready ano mang oras.

Naglakad ng mabagal ang actor, nakatayo lang si Kenshin. He is trying to intimidate him, then he moves. Mabilis niyang binunot ang samurai at tumakbo papunta kay Ken. Then Kenshin draws his samurai. Nasangga niya ang attack sa kanya. He then attacked. Like a true samurai warrior that knows how to hold a sword.

He didn't stop on swing his sword. Ang bilis niyang gumalaw na kung hindi niya iniingatan ay baka nasugatan na ang actor na kalaban niya. He didn't stop hanggang sa mapaupo ang actor sa lupa. And what amazed me the most is when he reverted the samurai blade so the unsharp blade went to the actors shoulder when he did the final slash.

Wow.

Hindi ako agad nakapalakpak. I am completely and utterly shocked.

Tinulungan ni Kenshin na tumayo ang actor. They speak in Japanese that made me feel like watching the live action animé. Habang pumapalakpak ang mga tao sa kanya, nahihiya naman siyang napayuko at nangingiti.

"Did you capture that on film?" Tanong ni Kenshin paglapit sa akin.
"No..." I lied.
But I captured it in my memories and I will surely treasure it.
"Too bad. Hindi na mauulit yun." Sabi niya. Kinuha ulit sa kamay ko ang paper bag.

"Saan ka natutong mag-samurai at shuriken?" Curious na tanong ko habang naglalakad kami.
"Dati akong ninja." Biro niya. Napapadalas ang ngiti mo. Haayyy...
"Weehhh?"
"Oo nga. Kapatid ko si Sakura." Biro na naman niya.
"Yung asawa ni Sasuke?" Tumatawang tanong ko. Baliw.

"Ken, kapag pa tumira ng shuriken ng patalikod, tawag doon throwback?"
Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagtawa.
"Sa sobrang corny ng mga jokes mo, nakakatawa na. Halika na, gutom ka lang."

"Libre kita." I said to him.
"I can pay, Dominique."
"Pero kasi ikaw na ang nagdrive eh. Saka nagbayad ng entrance."
"Wala yun." He replied.

Binilisan ni Kenshin ang paglalakad at nahihirapan akong makasabay.
"Teka...wait lang." Pinigilan ko ang braso niya. Para kang pumigil sa kotseng umaandar, muntik na akong makaladkad.
"Pasok tayo doon." Tinuro ko ang Haunted House.
"Nagugutom na ako." Sabi niya.
"Kenshin... Saglit lang yan. Tara na."
"Ikaw na lang."

"Don't tell me, takot ka?" Tukso ko sa kanya.
"Gutom na ako." Sagot niya na naman.
"Sus, takot ka lang."
"Hindi ah." Tanggi niya.
"Yun naman pala. Let's go..." Hinila ko ang manggas ng kimono ni Kenshin.
"Grrr..."

Iniwan muna namin sa counter ang paper bag ng mga ninja niya. Madilim sa loob ng haunted house at mayroong hallway na kailangan mong daanan. Sa hallway, may mga pintuan at mga portrait na nakasabit. Hindi namin matanaw ang dulo ng pasilyo.

Kumapit si Kenshin sa likod ko at tinulak ako palakad. Nagpupumiglas ako.
"Ikaw sa harap." Sabi ko.
"Hindi kita makikita sa likod." Sagot niya.
"Natural, may mata ka ba sa batok?" Sarcastic na tanong ko.
Mali yata na napasok kami.
"Bilis na." Tinulak ako ulit ng bahagya ni Kenshin.

Mabagal kaming naglakad dahil sobrang dilim at natatakot naman akong madapa.

Nadaanan namin ang unang frame, wala namang lumabas.Nakahinga ako ng maluwag. Lakad ulit kami ng dahan-dahan. Nakakapit pa rin sa balikat ko si Kenshin ng biglang may nalaglag na mga gagamba mula sa ceiling.

"Waahhh..." Napatakbo ako.
Tumakbo na rin si Kenshin para maabutan ako. Nadaan kami sa isang frame tapos biglang lumabas ang bata sa the Grudge.
"Waahhhh..." Hindi ko alam kung sino sa amin ni Kenshin ang malakas na sumigaw.

Nagtatakbo kami ng nagtatakbo. Halos nakapikit na nga ako.
"Ken... Tulong." Sigaw ko ng may humila sa kamay ko.
Hinila naman ni Kenshin ang kabila kong kamay at saka ako binitawan ng kamay sa pader.

Hindi na binitawan ni Kenshin ang kamay ko. Nauuna na siyang tumakbo. Kung ano-ano ang bumabagsak mula sa ceiling. Para kaming epileptic na unggoy na nangingisay dahil sa gulat.

Sa dulo ng hallway ay may parang malaking TV na sakop ang buong hallway. Walang ibang daan kung hindi sa TV na iyon para makalabas. Mayroong kurtina na nbackdrop at mukhang lumang TV na may picture tube ang daanan.

"Putang-ina." Narinig kong bulong ni Kenshin ng may gumalaw sa kurtina.
"Tara, balik." Yaya ni Ken.
"Ayaw ko. Ang layo na ng tinakbo natin." Nagsumiksik ako sa likod ni Kenshin.

Tumutok ang mga ilaw sa kurtinang gumagalaw. May isang tao na lumitaw sa "TV"

"Si Sadako..." I pointed out.
"Putang-ina, bumalik na tayo." Sabi ulit ni Kenshin.
Dahan-dahan na lumabas si Sadako sa likod ng kurtina. Kinilabutan ako mula ulo hanggang sa dulo ng talampakan ko.
"Ken, ayan na siya."
Nakasandal kami ni Kenshin sa pader habang palapit si Sadako sa amin. Para siyang sinapian na gumagapang sa floor. Duguan ang puting damit na lalo pang dinagdagan ng effects ng lighting at sound.

"Kenshin..." Sigaw ko ng malapit ng maabot ang paa ko ni Sadako.

Hindi ko inakala ang sunod na ginawa ni Kenshin. Sinipa niya si Sadako sa ulo. At parang slow motion na napatihaya ito at umiiyak sa sakit.

Bumukas ang lahat ng ilaw kaya napasiksik ako sa tagiliran ni Kenshin. Isa-isang dumating ang mga crew ng Haunted House. Nilapitan nila ang nangingisay na si Sadako.

"Sorry." Hinging paumanhin ni Kenshin. Nagbow siya ng kaunti to give respect.
Tuluyan na akong nagtago sa likod niya para hindi nila makita ang pagtawa ko.

"Sir, you should not touch the ghost." Pangaral ng isang crew sa amin.
"Sorry... she...he," Pagtatama ni Kenshin ng tumayo si Sadako at malaglag ang wig. Lalaki pala siya.
"...he was really near to us. Sorry I kick him. My Apologize." Nagbow na naman si Kenshin.
Naiiling ang mga crew habang tinitingnan ang bukol sa ulo ni Sadako.

"That is your way out." Turo nila sa amin.
"Thank you." Sabay namin sagot ni Kenshin.

Tumatawa kaming lumabas sa Haunted House ni Kenshin. Kawawang Sadako. Sabukol ang inabot.

Once upon a FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora