Chapter 27- Last Shot

9K 412 36
                                    

Dominique

Masakit na masakit ang buong katawan ko at napakahirap para sa akin ang dumilat pa.

"Dom... can you hear me?" Someone asked.
"Sino ka?" Bulong ko. Kahit pagsasalita, ang hirap gawin.
"Ang pinakamagandang nurse sa St. Mary's Hospital. Nurse Beth. Gising na ading." Sabi nito. Tinapik-tapik niya ang pisngi ko hanggang sa dumilat ako.

Sobrang liwanag sa paligid at ang sakit sa mata.

"Ayan, dilat lang Dominique." Sabi ng nurse. Unti-unting bumalik ang focus ng mata ko.
"Hi." Bati niya.

"Nasaan ako?" Tanong ko.
"Nasa hospital ka."
"Si Ken...shin?"
"Nasa labas ng E.R. Naghihintay sayo." She replied then wink at me.

"Hello, Dom. I'm Doc. Cailee." Bati ng isang babae na nakawhite coat.
"Groggy pa or kaya na? Sabihin mo kung nasusuka ka ha."
Tumango ako sa kanya. Nanghihina talaga ako.
"Masakit ba kung hinahawakan ka?" She asked. Baka siya ang doctor dito. Pinindot niya ang kamay ko.
"Aggghhh."
Nagsulat siya sa hawak niyang metal clipboard.
"Transfer ka na namin sa private room mo." She said in a mild voice.

Tinulak ni Nurse Beth ang stretcher palabas ng ER. Nakasunod sa kanya ang isa pang nurse na mestiza na may asul na mata at isang pagkagwapong doctor. Paglabas namin sa ER napansin ko agad si Ken na nakatayo sa hallway.

"Oy, Rose, umuwi ka na. Bawal sayo ang magpuyat." Sita ng doctor kay Rose.
Nandito pa pala sila.
"Doc. Trevor, okay naman ang flight namin. Salamat sa pagngangamusta." Biro ni Rose na ikinangiti ko.

"Hi." Bati ni Kenshin ng matapat ang stretcher sa kanya.
"Umuwi na kayo." I told him pero umiling siya.
"Sige Ken, ako ang magbabantay sa kanya. Magpahinga ka na."
Kilala pala ni Nurse Beth si Ken.
"Hindi na Ate Beth. Hindi ako aalis." Sagot niya.
"Halika ka na Rapunzel, bago pa kayo langgamin." Biro ni Nurse Beth na ikinatawa ko ng bahagya.

Speaking of Rapunzel...
"Nasaan ang wig ko?" Biglang tanong ko ng malakas ng maramdaman ko ang hangin sa ulo ko. Napahinto si Nurse Beth sa pagtulak ng stretcher.
"Yung wig ko..." Natataranta akong bumangon pero pilit akong kinalma sg nurse na mestiza.
"Maganda ka, kahit walang wig. Relax lang Dom. May IV ka sa kamay." Marahan akong inihiga muli sa stretcher.

Naiiyak akong nagpikit ng mata. Nagkunwari na lang akong tulog. Baka sakaling umalis na si Kenshin. Ayaw kong makita niya ako na ganito. Maputla, mapayat...walang buhok dahil sa chemo.

"Nakatulog ulit siya." Narinig kong sabi ni Nurse Beth ng huminto ang stretcher. Naramdaman kong binuhat nila ako at inilipat sa kama. Kahit masakit ang mga buto ko, nagkunwari pa rin akong tulog.
This is the lowest part of my life. The part where I can't even look at myself in the mirror.

"Ate Beth..." I heard Kenshin talked to the nurse. Nagpaalam si Nurse Kath at and gwapong doctor na lalabas. Sa palagay ko, naiwan lang sa kwarto si Ken at si Nurse Beth.
"Hintayin natin si Allie. Ipapaliwanag niya sa iyo." Nurse Beth replied.

Natahimik sila pero ramdam kong nasa loob lang sila ng kwarto. Maya-maya, bumukas ang pintuan at at narinig kong tinawag ni Kenshin ang isang Ate Allie at at Ate Cailee.

"Ate Allie, may nakita ka bang way?" I heard the desperation on Kenshin's voice and it broke my broken heart to hear it from him. I don't want him to see me dying.
"She's weak, Ken." Ate Allie said softly.
"Yung bone marrow transplant ba? Can we try it?" Tanong ni Kenshin sa kanila.
"We only have one shot because of her immune system. Mahina na si Dominique. As much as possible, we are looking for the closest to 100% match. As of now, humahanap ang Ate mo ng donor that match pero nasa less than 10% matching percentage ang nakukuha niya. Kahit ang test sa circle of family natin ay hindi match. Xykie, as I heard, is locating Dominique's relatives. Mas malaki ang chance na makakuha ng match sa mga relatives." Paliwanang ni Ate Cailee. Siya siguro ang doctor kanina sa ER.

"I can help her para madugtungan ang lakas niya hanggang sa makahanap tayo ng donor. But it's not permanent, Ken. Kapag naovercome ng cancer cell ang pagfreeze ko sa kanila, mas manghihina si Dominique." Ang sabi ni Nurse Beth.

"There is a way." I heard Ate Allie said.
"A small chance of survival. Her future is still variable. Paiba-iba kanina ang nakikita ko pero malabo."
Narinig kong suminghot si Kenshin. At nararamdaman ko ang pag-iyak niya.
"There is a donor that I saw in future. Pero hindi ko siya makita ng malinaw. Probably dahil hindi pa sila nagkikita ni Dominique. We need to find that donor." Paliwanag ni Ate Allie.
"The shadows are working overtime, Kenshin. We are 24/7 on monitor with Dom." Ate Cailee said.
"She needs to meet that one person para makita ko ang mukha niya." Dugtong ni Ate Allie.

What are they saying? Is this some kind of dream? Nag-iiba yata ang pagkakaintindi ko dahil sa gamot na nilalagay nila sa akin. Hinihila ako ng antok... No wait, gusto ko pang makinig.

"Ken." I heard a woman's voice but I can't open my eyes.
"Mommy." He called.
Ahhh...mommy niya. Nandito ang mommy niya?
"She's sleeping. Dahil daw sa pain killers sabi ni Ate Cailee." Paliwanang ni Ken.
"How are you?" I heard his mom asked.
"Scared." He whispered.
Ang lambing saka ang amo siguro ng mommy niya.
"It's natural. I'm proud of the man you've become. " Sabi ng mommy niya.
Awww ang sweet. Teka, inaantok na naman ako. Ano ba yan?

Nagising ako sa mga tawanan sa paligid. Pinilit ko ng iminulat ang mata ko. Napapagod na akong matulog.
"Hello, Ading." Bati ni Nurse Beth ng makadilat ako.
"Okay ba pakiramdam mo ngayon?" Tanong niya.
Tumango ako sa kanya. Medyo nabasan ang sakit ng katawas ko ngayon. Nginitian niya ako at binalik ang kumot ko.
"Si Kenshin?"
"Natutulog doon kahit medyo maingay." Sagot niya.
"May gustong magpakilala sayo." Bulong ni Nurse Beth na may kalakasan naman.
"Gwapo ba?" Biro ko.
"Ay, sinabi mo pa. Baka patatuan mo bigla si Kenshin kapag nakita mo ito." Sagot ni Nurse Beth.
"Ano yang tinuturo mo Betchay?" Someone said from Nurse Beth's back.
"Hi..." Bati ni Jaxx... si Jaxx Rivero sa akin.

"Oh my Godddd...." Napatili ako. Ane be, nesaen ang weg ke?

"What happened?" Napatakbo si Kenshin sa tabi ng kama ko. Naalimpungatan yata.
"Si Jaxx Rivero nandito..." I excitedly said na ikinatawa ni Nurse Beth at ni Jaxx.
"Tang-ina..." Napamura si Kenshin. "Akala ko kung napano ka. Kinikilig ka lang pala. Bakit hindi ka tumitili sa akin ng ganyan?"
"Ganyan talaga Ken. Medicine sa mga babae yan... Kita mo, masigla siya ngayon." Pagtatanggol sa akin ni Nurse Beth.

Nakangiti akong tumingin kay Kenshin na naniningkit ang singkit na mga mata.

Mamimiss kitang asarin kaya pagbigyan mo na ako. Kapag nawala na ako, makakangiti ka na ulit. Babaunin ko sa kabilang buhay ang mga ganitong memories natin.

Once upon a FallWhere stories live. Discover now