17. Pains

28.5K 627 19
                                    

NAPAKAGANDA ng ngiti ni Misha habang tinitignan ang natutulog na anyo ni Duke. Alas otso pa lamang ng gabi pero bagsak na kaagad ito sa kanyang tabi. Ang layunin ay ang mapatulog siya pero nauna na ito. Ganoon pa man, sa halip na mainis ay natuwa pa si Misha.

Kay sarap panoorin ni Duke. Napakaamo ng mukha nito habang natutulog. Walang-wala ang matapang at aroganteng Duke na kilala at kinatatakutan ng marami. He looked like a baby sleeping. Napakapayapa. Hindi rin napigilan ni Misha na paglandasin ang kamay sa makinis na pisngi ng asawa. Sa itsura pa lang, panalong-panalo na si Misha sa asawa.

Magaan ang pakiramdam ni Misha. Nagiging tuwid na ang daan sa pagitan nila ni Duke. Nararamdaman na kasi niya ang pagbabago sa asawa. Nagiging mainitin pa rin ang ulo nito pero nagagawa na nitong ikontrol. Ramdam rin niya ang pag-aalaga ni Duke. Sinusuportahan na siya nito. Maraming beses na gusto niyang maiyak sa tuwa roon.

Pero bukod kay Duke, masaya si Misha na maayos ang pampisikal niya ngayon. Parang may magic na dala ang pagsuporta ngayon ni Duke sa kalagayan niya. Hindi na siya kadalasan nahihilo o hindi kaya ay mabigat ang katawan. Masaya palagi ang kanyang aura. Kung may isa man siyang pinag-iinarte ay ang pagiging mapili niya sa pagkain. Parang naging mas demanding pa siya kaysa sa dati. Pero lahat ng mga iyon ay tinutupad pa rin ni Duke. Hindi siya nito pinapabayaan.

Everything seems so perfect right now. Natutupad na ang mga pangarap niya sa buhay. Sa wakas ay magkakaroon na siya ng pamilya na kanya. Hindi na lamang silang dalawa ni Duke sa buhay. Magkakaroon na rin sila ng anak. Nasasabik na natatakot siya. Pero gustong kumapit ni Misha sa posibilidad na magiging maayos ang lahat. Pagkatapos ng lahat, naikuwento ni Duke sa kanya ang kondisyon ng sekretarya nito.

May pag-asa na magiging maayos ang kondisyon ni Misha. She just have to hold on to that hope. Nangako rin naman sa kanya si Betty na gagawin ang lahat para maging maayos siya. Hindi na rin siya gaanong nanghihina ngayon. Misha feels that she could delivery this baby perfectly...

Mananatili si Misha sa mundo. Bubuo sila ni Duke ng masayang pamilya. Hindi mapuputol ang masarap na pakiramdam niya ngayon. Mas mananaig ang kanyang pananabik. Maririnig pa niya ang salitang "Mommy" sa bibig ng sarili niyang anak.

Nasa ganoong pag-iisip si Misha nang maramdaman na parang bumigat ang tiyan niya. Nakapatong roon ang kamay ni Duke. Nakatulog itong inaantay na sumipa ang anak nila. Iyon ang isa sa mga paborito nitong gawin. Hindi na naabutan ni Duke ngayong gabi pero naisip ni Misha na isa lamang iyon sa araw na nag-inarte ang anak. Tinanggal ni Misha ang kamay ni Duke. Pero sa halip ay parang mas lalo pa siyang nakaramdam ng kirot.

Naalarma si Misha. Madalas na pakiramdam niya ay palaging pagod ang katawan niya. Epekto raw ng hormones ayon kay Betty. Nasasaktan rin siya kapag sumisipa ang anak. May mga pagkakataon kasi na malakas iyon. Pero ngayon ay kakaiba ang klase ng kirot. Isang kirot lang iyon pero lubos na pinanghina noon ang kanyang katawan.

Huminga nang malalim si Misha. Iyon ang naisip niya para alisin ang sakit. Doctor siya. Marunong rin naman siya ng mga tamang gawin ng mga buntis. Pinag-aaralan rin niya iyon ngayong buntis siya. But the pain didn't subside.

And Misha realized what the real problem is. May dugo sa pagitan ng mga hita niya.

Kaagad na ginising ni Misha si Duke.

The Pregnant Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now