Chapter 12: ❤

243 13 1
                                    

3rd Person's POV


Kanina pa nakikita ni Louise ang kakambal nitong si Luiji na parang wala sa sarili at an'lalim ng iniisip. Hindi alam ni Louise kung anu ang pwede niyang gawin. Alam niya kasing mahihirapan siyang kausapin ng matino ang kakambal kapag ganyang may problema. Pumapasok din sa isip ni Louise na baka si Cassey ang dahilan ng nangyayari sa kakambal niya.


Maya-maya pa ay nakita niya si Luiji na tumayo at pumunta sa kitchen ng bahay nilang magkapatid. Saka ito dumiretso sa ref at may kinuhang kung anu. Simula kasi nung nag-18 silang magkapatid ay naisipan nilang bumukod na sa parents nila. They both want to be independent na kasi. At dahil ayaw naman siyang hayaan ng kapatid na mamuhay mag-isa sa bahay ay naisipan nitong maghati sila sa bahay na bibilhin. Pero kahit ganun ay may kanya-kanya pa rin silang condo maliban sa bahay na tinitirahan nila ngayon.


Sa muling paglabas ng kakambal ay nakita niyang may dala-dala itong bote ng alak. Saka muli itong umupo sa garden at nagsimulang uminom. Nakaramdam ng kaunting awa si Louise para sa kakambal. Minsan lang kasi niya itong nakikitang ganyan. Yun bang problemadong-problemado. At sa minsang yun, ay parang iisa lang ang alam niyang dahilan ng kinakaganyan ng kakambal.


Napag-desisyunan niyang lapitan ang kakambal at subukan itong kausapin ng masinsinan.


Nang makalapit na siya dito ay umupo siya sa bakanteng upuan sa katapat nito. 2 setters lang kasi ang upuan dito sa garden nila. Parang coffee table for two. But it's a garden set.


"What do you want Elle?" Agad na tanong ng kakambal niya sa kanya ng hindi man lang siya tinitignan.


Napabuntong-hininga si Louise sa pa-supladong tanong nito sa kanya.


"Can we talk?" Tanong niya kay Luiji.


"About what?"


"About your problem?" Medyo patanong din na sagot niya dito.


"Wala akong problema," diretsang sagot naman nito sa kanya.


"So sa akin ka pa talaga magsisinungaling, ha," mataray na sabi niya sa kakambal.


"Hayaan mo nalang ako dito Elle," utos nito sa kanya.


"You know that I can't do that," sagot niya kay Luiji. "...Kung may problema ka, alam mong apektado din ako. Baka nakakalimutan mong magka-kambal tayo?" tanong niya sa kambal. "...Kung anung nararamdaman mo, nararamdaman ko din. Kung nasasaktan ka, nasasaktan din ako. Kung nalulungkot ka, nalulungkot din ako," mahinahong pakikipag-usap niya dito. "...Now tell me, dapat ba talagang hayaan nalang kitang sarilinin yang problema mo?"


Hindi kaagad nakapag-salita si Luiji. Alam naman kasi nitong nasasaktan din ang kapatid niya sa nangyayari sa kanya.


At sa hindi inaasahan ay nakita ni Louise na may mga luhang tumulo sa mata ni Luiji.


Yuan Forbes' RevengeWhere stories live. Discover now