Chapter 28 ❤

105 6 0
                                    

SOMEONE's POV••

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong bumalik sa Pilipinas?"

Napatingin ako sa kanya ng magsalita siyang muli.

Nginitian ko siya bago sumagot.

"Matagal kong hinintay ang araw ng pagbabalik ko."

"Pero..." saglit siyang natahimik. "Handa ka na bang makita sila? Siya?"

Ngumiti ako ng mapait. "I'm ready to see them. But I don't know if I'm ready to see him."

Narinig ko ang paghugot niya ng hininga.

"Pwede naman tayong mag-stay nalang muna dito eh... I mean, hindi mo kailangang madaliin ang sarili mo. May tamang panahon para magharap-harap kayo, tayo. Pero sa tingin ko, hindi pa ito yung right time."

Napatingin ako ng deritso sa mga mata niya. Alam kong nag-aalala lang siya para sa'kin. All this time, siya ang kasa-kasama ko. Siya ang umalalay sa'kin dito. Siya ang palaging nagpapatatag ng loob ko. Siya ang palaging nagsasabi na hindi ako dapat bumitaw. Dahil kapag bumitaw ako, lalo lang akong pagtatawanan ng mundo dahil naging mahina ako.

Palagi niyang pinapaalala sa akin na hindi ako nag-iisa. Na marami ang mga nagmamahal sa akin. Na marami ang hindi kayang makitang bumagsak ako.

Palagi niyang sinasabi na kailangan kong lumaban. Kailangan kong kumapit. Para sa mga taong patuloy ring lumalaban para sa akin.

"I have to. All this time kayo yung palaging lumalaban para sa'kin. All this time hindi ako lumaban para sa sarili ko. Inasa ko ang lahat sa inyo..." Pasimple kong pinunasan ang luhang nakatakas sa mga mata ko. "I think it's about time na lumaban naman ako." Nginitian ko si Misha.

"Pero, Ace... nag-aalala ako para sa'yo." Tumayo siya. "Kaya mo na ba? Ace, kahit itago mo sa akin. Kahit ipagpilitan mong malakas ka na, alam ko.. alam kong hindi. Ace, hindi mo pa kaya." Tumingin siya sa taas. Nakita ko ang mga luhang sumilip sa mga mata niya. "Ace, wag na muna ngayon. Siguraduhin muna natin na kaya mo na. Na kaya mo na talaga siyang harapin."

Napatingin ako ng mataman sa naluluhang bestfriend ko.

She's worried.

I know she is. And she'll always be.

From the very beggining, alam niyang hindi ako malakas. Kaya nga siya ang umalalay sa akin.

But I guess she's wrong this time.

Yeah, I may be emotionally weak. But I can do this. I'm goin' to fight for myself.

It's time for my revenge.

"No, Mish." Matigas kong sabi. "As I've said, panahon na para lumaban naman ako."

Pagbabayarin ko sila. In any way.

"I'm coming back soon. Wait for me, Ruiz.... :/




Wait for me."




•••••

Yuan Forbes' RevengeWhere stories live. Discover now