chapter 31

1.7K 38 0
                                    

Bandang mag aalas syete na ako naka uwi ng bahay. Traffic kasi sa edsa, kaya natagalan ako ng uwi.

Pag uwi ko ng bahay ay agad akong kumain. Nanuod ng TV nang hanggang alas dyes ng gabi, antok na ako kakahintay sa kanya. Naisipan kong mag shower muna bago matulog.

Isang black big shirt ang pinili kong isuot at pink short. Pag labas ko nang banyo ay nagulat akong naka upo na sya sa kama at hinuhubad ang sapatos nya.

Mabilis akong lumapit sa kanya tinulungan syang hubarin iyon.
Nagulat naman sya sa pag sulpot ko, pero ngumiti rin agad.

Sunod ay tinanggal ko ang necktie nya at isa isang tinangal ang mga butones nya.

I love doing this to him. Ang bihisan sya at palitan ng damit. Ayaw man nya ng ganun ay naka sanayan na rin nya.

Nang aabutin ko na sana ang mga damit na hinanda ko pamalit sa kanya ay bigla nya akong siniil ng halik.

Napapikit ako dulot ng sensasyong dala ng halik nya. Hanggang ngayon parin ay Hindi nag babago ang epekto nito sa akin.

"I missed you."

Bulong nya sa tenga ko bago ako tuluyang inihiga sa kama.


Nagising ako sa tunog ng phone kinaumagahan.
Kinapa kapa ko ito sa aking  uluhan at sinagot ang istorbong caller.

"Hello?"

"Anong hello ka Jan? Akala ko ba? Maaga tayo ngayon? Kanina pa kita hinihintay dito sa mall! Asan ka na ba?!"

Shit! Napabalikwas ako ng bangon, oo nga pala! May lakad kami ngayong umaga!

Ganun nalang ang pag madali ko nang makitang alas dyes na ng umaga!

"Where are you going?"

Pupungas pungas na tanong ni Zach, siguro ay nagising gawa ng pag mamadali Kong pagkilos.

"May usapan pala kami ni kim ngayong umaga. Sasamahan ko sya sa mall, nakalimutan ko. Ikaw kasi! Pinuyat mo ako.!"

I heard him chuckled.

"Why? Pinuyat mo rin naman ako ah? Ako pa nga yung mas napagod kagabi dahil nag request ka pa ng ilang round."

Naka ngisi nyang sagot sa akin.

Bigla naman akong namula. Ibuking ba naman ako sa inyong mga readers?!
Mabilis Kong dinampot ang unan at binato sya sa muka. Sapul!

Dinig ko pa ang halakhak nya bago ako pumasok ng banyo.
Siguradong patay nanaman ako Kay buntis neto, umuusok nanaman panigurado ang muka nun pag nakita ako. Hindi na ako mag tataka kung mukang ewan ang baby nya pag lumabas. Ay grabe! Ang bad ko. Joke lang yun!

Mabilis Kong pinarada ang sasakyan sa parking lot ng mall.
Tulad ng inaasahan ay naka busangot nga ang buntis.

"Hindi mo ba alam kung gaano kahirap sa akin ang gumising ng sobrang aga? Tapos malilate ka pa?"

"Wag ka ngang high blood? Diba sabi mo? Tatawagan moko pag nakagising ka ng maaga? Kaya inantay ko pa yung tawag mo."

Palusot ko sa kanya. Buti nalang at walang napag usapan kung anong oras Ang lakad ngayong umaga, dahil paniguradong tatalakan nanaman nya ako. Dinaig pa nya si mommy sa pag talak sakin eh.

"Kahit na! E di sana maaga pa lang, nag ready ka na. Para nung pag text ko sayo eh aalis ka nalang."

Nag text ba sya? Pasimple Kong tiningnan ang cellphone ko at nakitang may text nga sya.

"Ah eh, wag ka nang magalit. Kain muna tayo,"

"Fine."

Napahinga ako ng malalim. Mabuti nalang at kumalma na rin sya. Sa totoo lang, ayaw Kong lagi syang galit. Paanong Hindi? Natatakot lang naman ako para sa baby! Baka mamaya nyan eh! Muka itong dragon pag labas! Umuusok lagi ang Ilong! Tulad ng kanyang ina....! Charot!

Pumasok kami sa isang sikat na restaurant. Tahimik kaming umupo sa isa sa mga bakanteng lamesa roon.
Dumating ang waiter at agad sinabi Ang aming order.

Hindi pa nakakalayo ang waiter nang may napansin ako sa kabilang table.

Isang naka talikod na lalaki. Matipuno at malapad ang likod nito, bagsak ang maiksing buhok.

Hindi ko naintidihan, pero nagroon ako ng kuryusidad na lapitan ito.

"Saan ka pupunta?"

Pigil ni kim sa akin.

"Titingnan ko lang yung lalaki sa-"

"Oh my god! Kyle?"

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin dahil nilingon din nito ang nasa kabilang table.

Marahil ay narinig ng lalaki ang boses ni kim at napalingon ito sa gawi namin.

Parang natulos ako sa kina uupuan ng makita ang kabuoan nito. It's really him! Singkit na mata, matangos na ilong at gwapong muka. He just look more mature now. Na lalong nagpa bagay sa personality nito.

Tila nagulat din ito nang makita kami. Biglang sumilay ang ngiti nito, kasabay ang pag labas ng dalawang dimple sa pisngi.
Lumapit ito sa amin.

"Hi ladies!"

Masayang bati nya, hindi pa sya tuluyang nakaka lapit ng tumayo ako at niyakap sya ng mahigpit.

"I missed you!!!!"
Emotional Kong sabi sa kanya.

Ramdam ko rin ang pag yakap nya sakin ng mahigpit, tulad nang huling yakap na binigay nya sakin bago sya umalis ng gabing yun.

"I missed you more."

"Ehem! Baka pwedeng ako naman ang payakap? Namiss ko din sya eh."

Sarkastikong singit ni Kim.

Kusang kumalas ang mga braso namin at nag bigay din ng mainit na yakapan ang dalawa.
Hindi ko alam bat ako naiiyak?
Maybe I'm happy? Hindi ko alam. Makita syang Muli talagang nakaka tuwa.

I LOVE YOU EVEN YOU KILLED ME (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon