Chapter 16

604 31 48
                                    

*Elsa

Una, si Aqueo noong may maganap na atake rito, matapos iyon ay naging sunod-sunod na ang pagkamatay ng mga seniors dito sa Orthil. Kahapon ko lang din nalaman na wala na si Reigh at Yusha, hanggang sa makatanggap na nga ako ng balitang natagpuan daw nila ang bangkay ni MJ. Sunod-sunod na ang pagkamatay ng mga tinuring ng bayani ng Orthil. Coincidence lang ba ang lahat? O sinasadya ng gumawa nito ang kitilan ng buhay ang bawat isa sa amin?

Hindi ko maiwasang mabahala sa lahat ng mga nangyayari. Malakas ang kutob ko na may atake na namang magaganap. Kung dati'y hindi kami naging handa, siguro dapat ngayon ay mapaghandaan na namin ito. Sa nakikita ko at nalalaman kong mga reports ngayon, kakaiba ang mga lakas ng mga dark magic user na sa tingin ko'y sa iisang grupo lang galing. Wala na akong mapaghihinalaan pang grupo ang makakagawa nito kung hindi ang binuong samahan lang ni Adrian.

Oo, nalaman ko rin ito kina Yrah at Arbhie. Nalaman nila iyon sa mga nakasugapa nilang nagngangalang Kraven at Iris. 'Master Phantomhive' ang tawag nila kay Adrian, doon pa lang ay nakuha ko na ang ideyang siya ang sumasalakay at nag-uutos na pumatay ng mga seniors dito. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, marahil ay masado na siyang naging uhaw sa kapangyarihang dala ng dark magic.

Kung atake man ang gusto niyang gawin ay siguro'y mapaghahandaan pa namin iyon, ngunit ang ikinakabahala ko ay ang pagdakip niya kay Rinoa. Ano'ng kakailanganin niya sa kapangyarihan ni Rinoa? Ano'ng gagawin niya sa kanya?

Inangat ko ang aking mukha upang sulyapan mula sa bintanang katabi ko ang ilang mga estudyante ng Valin na masayang naglalaro sa labas. Gawain ko na ang panoorin silang masaya mula noong maging principal ako upang mapagaan ang loob ko, ngunit sa sitwasyong mayroon kami ay wala itong nagawa. Buo pa rin sa dibdib ko ang takot at pag-aalala para sa kanila at para na rin sa mamamayan ng Orthil. Bilang principal ng Valin na may responsibilidad na pangunahan ang mga seniors na protektahan ito ay gagawin ko lahat ng makakaya ko mapanatili lang ang seguridad dito.

Tatlong magkakasunod na katok ang aking narinig dahilan para ibaling ko ang aking tingin sa pinto. Agad naman may nagbukas nito at bumungad sa akin ang pamilyar na lalake. "Ms. Elsa, handa na po sila."

Tipid na ngiti ang binato ko sa kanya saka ako nagsalita. "Salamat, Bash. Susunod na ako."

"Sige po, ma'am. Hihintayin na lang po namin kayo," wika niya na tinanguan ko lang. Sinara na niya ang pinto at doo'y napabuntong hininga ako upang mapalakas ang loob ko. Hindi ako pwedeng magpakita ng panghihina sa mga kakausapin ko ngayon, lalo na't ang bawat isa sa kanila ay nagluluksa pa rin sa mga pagkawala ng mga kaibigan nila.

Lumabas na rin ako ng aking opisina at dumeretso na sa silid kung saan ko sila ipinatawag. Kakapasok ko pa lang sa silid ay nakita ko na ang mga mukhang suot ng bawat isa sa kanila. Halos lahat sila'y nakayuko at may malalim na iniisip. Kapansin-pansin din sa iba ang pamumugto ng mga mata nila, lalong-lalo na si Aya. Hindi ko naman siya masisisi dahil sa loob lamang ng dalawang taon niya nakapiling ang nakakatanda niyang kapatid na si Yusha.

Nakapuwesto na ako sa mesang kaharap nila ay hindi pa rin sila nag-aangat ng tingin. Ramdam ko ang lungkot at sakit na mayroon sila. Kahit nga si Ean at Shion na kilala ko bilang masiyahin at makulit ay nakitaan ko rin ng pagkabahala. Si CJ naman ay suot pa rin ang malungkot na mga mata dahil sa pagkawala ng kanyang nobyo, si Aqueo.

Pinatawag ko kasi muli ang mga natitirang mga bayani ng Orthil. Nakakalungkot isipin na noong nakikita ko sila ay napakasaya nila, ngunit ngayo'y ang bigat na ng nararamdaman ng bawat isa sa kanila. Unti-unti na kaming nalalagasan, unti-unti na kaming napanghihinaan ng loob. Kaya ngayon nga'y gusto ko silang kausapin.

Lakserf 2: Lurking DarknessWhere stories live. Discover now