Prologue

535 15 11
                                    


Nanlalabo ang paningin ni Susan dahil sa mga luha sa mata niya, pero kahit anong pag-punas, kahit anong gawin niya ay hindi niya mapigilan ang mga iyon sa pagdaloy. Tila isang dam na nabuksan ang tearducts niya.

Nag-iisa nalang siya ngayon. Si Gardo ayon, iniwan rin siya, sumama 'yung hayop sa mama niya. Mas pinili niya ang mama niya kesa sa kanila ng anak nila...nang sana'y anak nila. Pero wala na siyang anak, dahil nakunan siya pagkatapos na pagkatapos siyang layasan ni Gardo sa munisipyo sa araw sana ng kasal nila. Mabuti nalang at may mababait na taong tumulong sa kanya dahil kung hindi ay hindi niya alam kung saan siya pupulutin nito.

"Susan, 'wag kana umiyak," sabi ng kaibigan niyang si Karen, isa sa mga tumulong sa kanya nung nalaglagan siya. "Magiging maayos din ang lahat."

"Hindi ko alam kung magiging maayos pa talaga," patuloy sa pag-luhang sagot niya. "Nalaglag yung baby sana namin tapos si Gardo naman, ayun sumama sa nanay niya."

"I'm sorry Susan," malungkot na sabi nito. "I tried calling Gardo pero hindi siya sumasagot. Baka kinuha ng mama niya yung cellphone niya."

Hindi naka-sagot si Susan sa mga sinabi ng kaibigan niya. Ang alam lang niya ay sobrang sakit ng nararamdaman niya, hindi lang pisikal kundi emotional. Parang may isang malaking kamay na pumipiga sa puso niya ngayon. Pero siguro tama lang na namatay yung baby nila, kasi alam naman niya sa sarili niya na hindi niya ito mabibigyan ng maayos na buhay. Kaya siguro binawi na ni Lord yung baby niya, hindi naman niya maalagan ng maayos eh. Isa lang siyang high school student, mahirap pa sa manok na isang kahig isang tuka ang buhay nila.

Mabuti nalang at mabait si Karen at tinulungan siya nito sa mga bayarin sa hospital dahil kung hindi ay hindi na niya alam ang gagawin niya, baka mag-laslas nalang siya. Pagdating niya sa bahay nila ay isang galit na galit na ina ang bumungad sa kanya.

"Saan ka nanggaling na bata ka? Dalawang araw ka hindi umuwi, 'ni ha't 'ni ho wala kaming narinig sa'yo. Hindi namin alam kung buhay ka pa ba o hindi na." Nakasigaw na sabi ni Myrna sa anak, hawak niya ito sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng bahay. "Ano, hindi ka ba sasagot diyan?"

Galing ako sa hospital dahil nalaglag 'yung baby ko pagkatapos akong layasan ng magaling niyang ama! Gusto niyang isigaw rin sa ina pero hindi niya magawa.

"M-May ginawa lang po kaming overnight project." Matipid at pigil ang luhang sagot niya sa walang kaalam-alam niyang ina.

"Siguruhin mo lang Susan dahil kapag nalaman kong kalokohan lang ang ginagawa mo ay malilintikan ka talaga sa akin."

Tumango lang siya bilang sagot, nararamdaman na niya ang pag-iinit nang mga sulok ng mata niya kaya agad siyang nagpaalam at sinabing magpapahinga na siya. Pagpasok niya sa kuwarto nila ay ni-lock niya kaagad ang pinto at tahimik na umiyak.

Hindi na niya alam kung paano pa siya mabubuhay ngayon.

• • •

"Huwag po, maawa na po ka'yo." Pilit niyang itinutulak palayo ang ama-amahan niya sa kanya. Nakainom ito at pinupuwersa siyang hipuan at halikan. Tinulak niya ito ng malakas sa balikat kaya napa-atras ito. "Tito Lito..."

"At talagang lumalaban ka pa," galit na galit na sabi nito sa kanya. Kahit lasing ito ay sadyang mas malakas pa rin ito kesa sa kanya. Lumapit ito sa kanya at isang malakas na sampal ang binigay nito sa kanya. Napasandal siya sa pader at napahawak sa pisngi niya, nalalasahan niya ang dugo sa bibig niya. Hinawakan siya nito sa magkabilang braso. "Kung ako sa'yo mananahimik nalang ako, katulad ka rin naman ng nanay mo 'di ba?"

"Hayop ka," sagot niya.

"At talagang—" Bago pa ito makasagot ay dumating na ang nanay niya.

"Halimaw ka, anong ginagawa mo sa anak ko?" Galit na galit na sabi ng nanay niya at pinaghahampas ito sa braso. Alam ng nanay niya na dati na siyang binabastos ng asawa nito pero ngayon lang nahuli nito sa akto ang asawa.

"Ano ba, tigilan mo nga 'yan." Sigaw din ng asawa nito habang pilit na umiiwas sa mga hampas nito. Hindi ito nakapag-pigil at itinulak niya ng malakas ang galit na ina. Sa lakas ng impact ay tumama ang ulo nito sa pader. "Sabi nang tigilan mo, eh."

"Nay?" Nag-dilim ang paningin ni Susan ng makita niya ang ginawa nito. Hinablot niya ang nagkalat na bote ng alak sa sahig ng bahay nila at ipinukpok sa ulo nito. "Hayop ka!"

Hindi na naka-sagot ang tiyuhin niya dahil walang malay na bumagsak na ito sa sahig. Lumapit kaagad ang dalaga sa ina. "Okay ka lang, nay?"

"Anong ginawa mo, Susan?" Nanlalaki ang mga matang tanong nito nang mapansin ang naka-handusay na kina-kasama.

"Sinasaktan ka niya, eh, kaya nataranta ako."

"Susan, magpaka-layo-layo kana sa maliit na bayan na ito."

"Huh?"

"Kapag nagising si Lito ay siguradong mapapatay ka niya sa galit dahil sa ginawa mo sa kanya, iligtas mo na ang sarili mo." Kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata nito.

"Eh 'di, ipakulong natin siya."

"Sino naman ang magkukulong sa kanya dito? Kaibigan niya ang mga tanod sa bayan natin, walang maniniwala sa atin." Hinawakan nito ang mga kamay niya at tumitig sa mata niya. "Lumayo kana at iligtas mo ang sarili mo."

"Sumama ka sa'kin, nay."

Umiling ito. "Dito lang ako, kapag parehas tayong nawala ay siguradong hahanapin niya tayo pero kapag naiwan ako baka kumalma siya."

"Pero ikaw ang sasaktan niya."

"Kaya ko ang sarili ko, Susan. Ikaw ang inaalala ko, hindi ka ligtas dito." Niyakap siya nito nang mahigpit. "Iligtas mo ang sarili mo, umalis ka at mag bagong buhay."

Dahil sa takot na nararamdaman niya ay wala na siyang ibang nagawa kundi sundin ang ina niya. Alam niyang kapag nagising ang tiyuhin niya ay siya ang pagbubuntunan nito ng galit. Baka mas makabubuti talaga na lumayo na siya at magbagong buhay sa malayo.

Pagkatapos mag paalam sa ina at mag-impake ng konting gamit ay nilisan niya ang maliit na bayan nila, dala lamang ang maliit na ipon niya. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kapalaran.

Ang hindi inaasahan ni Susan ay isang mas malupit na mundo ang naghihintay sa kanya kung saan susubukin kung gaano siya katatag.




AN: no proof read 😅

please tell me what you think 😊😊

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Mar 06, 2019 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Ikaw Lang Sapat NaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum