A CLOCKS BLOOD 7: UNCLE

2.1K 102 0
                                    

Pagkauwi ko ng bahay ay imbis na matulog na ako agad ay nagluto pa muna ako ng agahan ko na scrambled egg with diced potatoes and carrots at nagsaing ng bigas.

Hindi ko alam pero sobrang bothered ako sa encounter ko du'n sa lalaking may hawak ng baston at sa kasamahan niya at alam kong connected sila duon sa kambal na pumunta ng library kaninang shift dahil if I'm not mistaken sila yung grupo ng nga nakatalikod na humans na tinuro sa akin ni Ate Sep before ng start nh shift namin.

Malinaw kong natatandan ang reaksyon ng mukha niya ng makita ako at ang pagtawag niya sa akin ng Rico. Sino yung Rico? Magkahawig siguro kami?

Panandalian kong kinalimutan ang pagiisip sa misteryosong lalaki na iyon at kumain ng almusal at nag desisyon na akong magpahinga dahil sobra akong drained ngayong araw for no reason.

"Arys!" tawag sa akin ni Ate Sep na kapapasok lang ng library. Wow. Buti pa siya may energy para sa ikalawang gabi namin sa night class.

Nauna akong dumating sa kanya dahil maaga akong nagising. Nagtataka nga ako dahil pagdating ko kaninang 5 pm ay wala dito si Emery. Absent kaya siya ngayon?

"Oh. Sa'yo iyan." inilapag niya sa harap ko ang isang pint ng rocky road ice cream at nagningning ang mata ko pagkalapag niya nu'n pero agad ding kumunot ang nuo ko.

"Bawal magpasok ng pagkain dito di ba?"

"Oo nga pero wala namang magsusumbong kung walang makakakita kaya if I were you, kainin mo na iyan bago pa malusaw." inabot niya sa akin ang plastic spoon at tumabi sa akin para kainin ang kanyang sariling ice cream pint na cookies and cream ang flavor.

Bawat subo ko ay ninanamnam ko ang pag melt ng chocolate sa dila ko at ine-enjoy ko ang pag nguya sa crunchy na peanuts at malambot na marshmallow. Ang sarap ng ice cream pero mas masarap kasi libre! Pero syempre, hindi ko pa rin pagpapalit ang pagmamahal ko para sa mga cakes!

"Ano palang meron at bumili ka nito?"

"No reason. Anyway! May naalala ako!" excited niyang sabi sabay sandok ng kutsara niya sa ice cream ko at kain nu'n. Luh! Ang daya!

"Shuta!" sabi ko ng ilayo niya ang ice cream niya sa akin ng subukan kong sandukin ang kanya.

"Sino yung mga kasama mo kagabi?"

"Ha? Kasama? Saan?" may kasama ba ako kagabi?

"Yung duon sa may fountain bago kita hilahin papunta sa meeting natin with Mr. Phil. Nakita kitang kasama ang isang grupo ng kung sino man iyon. In fairness, nasira ko ang moment. Nakita ko kasi kung paano mo sila lingunin na parang sa mga drama habang inilalayo ng side character ang bida."

"Ah! Iyon ba? Sila yata yung pamilya nung kambal. 'Di ba nakita natin sila kahapon na may mga kasama? Sila iyon."

"Ay really? Kaya pala familiar yung girl na nakasuot ng maid uniform na pang oldies era at siya din yata yung nakita mo before sa may gate na itinuro mo sa akin."

"Siya nga din yata iyon? Pero ang weird 'no? Di ba siya naiinitan sa damit niya?"

"Eh kung iyon ba ang uniform na gusto ng amo niya eh may magagawa ba siya?"

"Sabagay. Weird din ng mga lalaking kasama niya. Lahat sila naka kulay itim. Parang aattend ng lamay." sabay kaming natawa sa sinabi ko at sakto namang pagtapos naming kumain ng ice cream ay magsi-six o' clock na kaya nagsimula na kami mag prepare sa shift namin.

A CLOCKS BLOOD            (BL•LUNA SERIES)Where stories live. Discover now