A CLOCKS BLOOD 11: DIFFERENT

1.9K 83 1
                                    

Umuulan? Teka, bakit umuulan at nasaan ako? Sa pagkakatanda ko ay wala ako sa lugar na ito na puro puno.

"Rico!" huh? Agad akong napalingon kahit hindi naman iyon ang pangalan ko. Actually, lumingon ako kasi pamilyar yung boses na tumawag sa pangalan na iyon.

"Ano bang ginagawa mo dito sa labas?" isang babaeng nakasuot ng makalumang damit ang lumapit sa akin at mukhang galing siya sa mayamang pamilya dahil sa tela at tingkad ng suot subalit hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Weird.

"A-ah. ." hindi ko rin magawang makapag salita dahil nasaan ba kasi ako? Anong ginagawa ko dito?

Napabuntung-hininga siya at hinaplos ang pisngi ko. "Hindi na siya babalik."

Sa sinabi niyang iyon hindi ko alam kung bakit pero sumikip ang dibdib ko na parang hindi ako makahinga.

"A-anong sinasabi mo? Sinong hindi na babalik?" takang tanong ko.

"Rico! Ano ba?! Kalimutan mo na siya! Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo at ako!" namalayan ko nalang na umiiyak na yung babaeng kaharap ko at mahigpit na nakahawak sa suot kong damit. Kapwa na kami basa ng ulan.

Wala talaga akong maintindihan sa mga nangyayari sa totoo lang. Sino ba kasi yung sinasabi niyang hindi na babalik?

"Arys." dinig kong tawag sa akin ng isa pang pamilyar na boses. Teka, nasaan naman iyon?

Luminga ako sa paligid pero wala akong makita na ibang tao maliban sa amin ng babaeng kaharap ko.

"Rico, pakiusap. Ako nalang ang piliin mo." patuloy na pagsusumamo ng babae sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Aryscos." muling tawag sa akin ng kung sino sa kung saan.

Napapitlag ako ng may maramdaman akong matalas na bumaon sa leeg ko. Napasigaw ako sa sakit at sinubukang itulak ang babaeng nakayakap sa akin ngunit humigpit lang ito.

Para na akong maiiyak sa sakit at nauubusan ng lakas sa katawan ng saglit itong mawala at humarap ang babaeng nakayakap sa akin na nakangiting demonyo at may dugo sa labi. Isang pares ng pangil ang nakita ko at parang may nag flashback sa akin ng makita iyon.

P-pangil? Teka, isa ba siyang bampira?

Saan ko ba. .?!

Tama! Hinahabol ako ng isang lalaking bampira sa kalsada at-!

Ramdam ko ang bigla kong pagbangon at pagdilat ng mata ko ay nakita ko ang kambal na Valiente na nakaharap sa akin sa dulo ng kama at nakatingin.

"Buti naman at nagising ka na." bungad ni Zyga.

"Heto, tubig. Mukhang hindi maganda ang panaginip mo." inabutan ako ni Zygo ng isang baso ng malamig na tubig na agad kong ininom.

Ng mahimasmasan ako. .

"Paano ako napunta dito?"

Nagkatinginan ang kambal at sabay na napa kibit-balikat.

"Wala ka bang naaalala sa mga nangyari sa iyo?" usisa ni Zyga.

Actually, hindi ako sigurado kung totoo ba yung mga nangyari kasi baka panaginip ko lang at sadyang nawalan ako ng malay sa kalsada at sakto namang nanduon si Kin para saluhin ako sa pagii-sleeping beauty ko na naman kaso, yung tunog ng umalingawngaw na baril bago ako mawalan ng malay! Totoo ba iyon? Kung totoo man, para ba iyon sa bampirang humahabol sa akin?

A CLOCKS BLOOD            (BL•LUNA SERIES)Where stories live. Discover now