Unang Tikim 13

13.8K 55 8
                                    

.
"SIGURADO kaba sa sinasabi mo Insan?  Wag kang mag padalos dalos sa pag gawa ng desisyon alam kong galit lang sila tito kaya nangyari ito siguro naman matatanggap din nila. Kahit nga ako galit din eh sakit kayang masampal."

"Oo insan sigurado na ako insan ayokong mahiwalay sa kanya mahal na mahal ko siya insan kaya sasama ako sa kanyang mag tatanan kami!"

Hindi makapaniwalang nakatingin si Mira sa pinsan nya. Seryoso sya pa itong nag sabing mag tatanan. Nababaliw na talaga sya.

"Insan wag mo ng gawin yan dumito ka nalang muna at bukas na bukas kausapin mo ang daddy mo para makapag usap kayo ni ano.. ano bang pangalan nun? Ahh basta! itigil mo na yang pag eempaki mo insan"
Naawang nakatingin si mira sa pinsan nya halos mag iisang linggo na syang kinukulong ng kanyang mga magulang sa kanyang kwarto at halos araw araw ding bumibisita si Marco sa kanila upang kausapin si Olivia pero suntok sa mukha ang lagi nyang natatanggap sa ama ng Dalaga.

Sa loob ng mahigit isang linggo ay wala silang komunikasyon ng dalaga kaya ang tanging nagagawa lang ni Marco ay ang mag paulit ulit na pumunta sa bahay ng dalaga kahit na ang kapalit non ay ang pag suntok sa kanya ng ama nito. Gusto nyang patunayan sa ama nito na hindi ya titigil hanggat hindi niya nakaausap ang babaeng mahal nya kahit ikasira pa ng mukha nya.
Malungkot na nakadungaw sya sa kanyang binta na at tanaw na tanaw nya ang bahay Nila Olivia na naka sarado mula doon ay lumabas ang isang dalagitang nag mamadali papunta sa gate ng bahay nila. Si Mira ang pinsan ni Olivia.

Agad syang bumaba upang salubungin ito. Pag kakita nya dito sa dalaga ay agad nya itong tinanong.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Si...." huminga sya ng malalim at nag kunwaring umubo. "Ehem! Si insan gustong makipag tanan sayo mag kita daw kayo sa may kubo na sinasabi nya susubukan nyang tumakas mamayang gabi! Please pigilan mo sya masama ang kutob ko dito please para sa pinsan ko. Tumakas lang ako para sabihin ito sayo. Please pigilan mo sya" pag mamakaawa ni Mira sa kanya.

Gulat syang nakatingin sa dalaga. Seryoso ba sya? Sa hindi malamang dahil ay parang nakaramdam sya ng kakaiba. Kakaibang pakiramdam na hindi nya maintindihan.


"Hoy lalaki iutang mo nga ako ng Fortune Puti kay tanda sabihin mo sa susunod na linggo na ang bayad. Hindi pa nag papadala ang ama mo ngayon tsk ang malas kasi ngayon at natalo lahat ng pera na pinadala ng ama mo noong isang linggo sa sugal dalian mona!"

"Nay wala ng bigas. Bakit mo ba kasi ipinang susugal yung pera Nay?!"

"Abat sumasagot kapa" binatukan sya nito."sundin mo nalang yung inuutos ko kung ayaw mong hindi makakain ng isang linggo! Wala ka na ngang kwenta sumasagot kapa! Dalian mo!"

Kahit anong sama ng loob ni Patrick sa kanyang Ina ay ayaw nya parin itong suwayin kaya sinunod nalang nya. Dalawang araw na silang hindi nakakakain ng hapunan dahil sa kagagawan ng kanyang ina. Inuubos nya sa sugal lahat ng perang ipinapadala ng kanyang ama sa trabaho. Hindi narin ito umuuwi at nag papadala nalang dahil malaki na ang pamasahe ngayon. Baon na sila sa utang pero yon ang kailangan nila upang makakain ng sapat.

Masama ang loob na nag lalakad si patrick ng madaanan nya muli ang sirang bahay ay naroon ulit ang apat na lasingero. Walang pinagbago sa kanyang nakita kung ano ang ginagawa ng mga ito nung una ganon din ang ginagawa ngayon. At laking gulat nya ng makilala nya kung sino ang pinagtritripan ng mga ito. Si Olivia.

"Ano bayan asan naba si insan." Nag aalalang sabi ni Mira sa hangin.
Kanina pang alasotso ng gabi nawawala si Olivia at nang puntahan niya sa bahay ni Marco ay wala din iyon hindi naman nya alam kung nasaan ang kubong tinutukoy ng kanyang pinsan. Mahigit isang oras na syang nag hahanap sa kanyang pinsan alalang alala naman ang kanyang tiyo at tiya dahil sa pag kawala ng dalaga. Hindi niya din masabi sa mga ito ang tungkol sa pagtatanan ng dalawa. Kanina lang sila nag hiwalay hiwalay ng pupuntahan ang Tita nya ay dumertso sa Police station at silang dalawa ng tito nya ang naghahanap naiwang tulog naman sa bahay ang kapatid ni olivia.

"Arrrghh!" Napasabunot sya ng buhok.
"Masama talaga ang kutob ko eh asan naba kasi yung dalawang yon!"

Lakad lang ng lakad si Mira hanggang sa mapadpad sya sa sirang bahay. May naririnig syang ingay ditong puro tawanan ng mga kalalakihan hanggang sa maalala nya ang mga boses na iyon.

Dahan dahan syang lumapit doon upang tignan duon baka sakaling naroon ang kanyang pinsan hanggang sya may humila sa kanya patago sa likod ng puno.

"Hhhhhhmmmmmmp!" Ungol nya ng takpan nito ang kanyang bibig.
Akmang kakagatin nya ang kamay nito nang mag salita ito.

"Anong ginagawa mo dito?"





~

SHALALALA~ SHALALALA~SHALALALALALA DUBIDUDUDU AHHHHHHH HIT YOU WITH DDUUDDUUDDUU TUGUDOG TUGUDOG TIGIDIG.

YEY!

Unang Tikim Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon