Chapter 2

78.6K 1.2K 20
                                    

CHAPTER 2

"Dre, halos apat lang ang dean's lister na lalaki?" sabi Diego na parang di makapaniwala. They are now checking the online bulletin ng school and looking for the top 10 Dean's lister ng SCU.

"Edi maganda, pwedeng pagsabayin ang pag-aaral at fling." suggestion ni Niel.

"Tingin mo makakapag-aral nang maayos si Dj nun?" sabi ni Diego. "Ikaw talaga puro ka kalokohan eh." sabi nito habang patuloy na naghahanap. "Dre, sino si Kathryn Fontanilla?" tanong ni Dj.

"Bakit? Type mo?" sab ni Niel.

"Hindi naman, pero parang di ko sya kilala."

"Bakit? Kilala mo ba lahat nang nasa Top 10? Yang mga tao na yan wala yan sa mundo mo, kaya di mo sila kilala." sumama ang tingin ni Dj kay Niel. "Kaya nga I'm asking diba?"

"Di ko sya kilala personally, pero naging classmate ko sya once noong third year tayo. Maganda sya." lumapit si Niel sa sinabi ni Diego.

"Maganda? Oh tara, sya nalang." mabilis na sabi ni Niel, "Hanapin na natin sya."

Maghapon silang umikot, hanapin lang si Kathryn Fontanilla, pero wala silang napala. Hanggang sa sumuko din sila. Maghapon na mainit ang ulo ni Dj, paano ba naman, wala parin syang solusyon sa problema nya.

Gabi na natapos ang last subject ni Dj, hindi na nya kasama si Diego and Niel dahil maaga ito umuwi. Habang mag-isang naglalakad papuntang parking lot, nakita nya yung dalawang lalaki sa malayo na parang ngayon nya lang nakita. Mukhang di mapagkakatiwalaan, pero hinayaan nya na.

Nang makarating sya sa sasakyan at akmang bubuksan na ang pinto ng bagong kotse nya; may narinig syang sigaw ng babae kasabay ng nagtatawanang mga lalaki.

"Tulong!!" Sigaw ng babae na halatang takot na tako.

Naisipan ni Dj na hanapin ang kinaroroonan ng ingay at ng makita nya ang isang babae na hawak ng isang lalaki at may nakapaligid pa ng tatlong lalaki. Ito ang mga lalaking nakita nya kanina, di nya akalain na tatlo pala ang mga ito. Bumalik sya sa kotse at kinaha ang baseball bat nya.

Nang sinilip nya ang kinaroroonan nila ay akmang hahalikan na ng lalaki ang babaeng iyak na ng iyak habang hawak nang dalawang lalaki. "Mga brad, mukhang nagienjoy kayo ah.." sabi nya habang lumalapit sa kanila at nilalaro ang baseball bat.

"Wag ka makialam kung ayaw mo masaktan." Sagot ng isa sa mga lalaki.

"Masaktan? Naku gusto ko pa naman ngayon ng sakit sa katawan" sabay smirk. Kasunod nun ay hinampas nya ang pinakamalapit sa kanya ng baseball bat.

Nagsimula na ang suntukan,. At makalipas ang ilang minuto napatumba ni Daniel lahat, agad naman tumakbo. "Ano? Mga duwag pala kayo eh." sigaw dito ni Dj. Outsiders ang mga ito, at mga amoy alak. Baka sa likod sila nakadaan kaya napasok ang school.

Agad nyang hinanap ang babae. Nakita nya itong nakaupo sa sahig at nanginginig parin sa takot. "Miss, may masakit ba sayo? May nagawa ba sila sayo?" Nagaalalang tanong nya, natakot sya dahil halatang takot na takot parin ito.

Inayos nya ang buhok nito para mas makita ang buong mukha nito, natigilan sya. Maganda ito, maamo ang mukha. Kahit pawis na pawis at magulo ang buhok, makikita mo kung gaano ito kaganda.

"Miss kaya mo ba tumayo? San ba kotse mo dito?" tanong ni Daniel habang inaalalayan ang babae. Nang di parin sumagot ang dalaga... "Dadalhin muna kita sa kotse ko,." He carried her in a bridal style.

Pinasok nya sa back seat, kinuha nya ang tubig sa may driver seat at pinainom sa kanya. Nilabas nya ang sasakyan sa parking lot para mabawasan ang anxiety nito. Di naman kalayuan sa University ang lugar na hinintuan nya.

Makalipas ang ilang minuto, mukhang kalmado na ang dalaga. Hindi na ito umiiyak. Hindi na ito nanginginig. Balak nya, sasamahan nya ito sa pulis para magsampa ng reklamo bago nya ihatid sa bahay. Pwede nya rin sunduin ito bukas, sa makalawa o di kaya habang buhay.

Ano ba yang nasa isip mo Dj.

"Miss, okay ka na ba?" tanong nya dito.

Napatingin ito sa kanya bakas sa mukha nito ang nagulat nang makita ako. "Ihahatid na kita sa inyo, pero sasa-"

"No thanks." agad na sagot nito. Binuksan ang pinto ng passenger side at umalis nang wala kahit anong salita. Sa pagka gulat, di rin nakapag salita si Dj. Pagkalipas nang ilang segundo, nilingon nya ito, pasakay na ito nang taxi.

"Seryoso ba yun?" di makapaniwalang sabi ni Dj sa sarili. "Di manlang nagpasalamat," naiinis na sabi ni Dj bago pinaandar ang sasakyan at umuwi.

Buong byahe, di makapaniwala si Dj na tinakbuhan sya nang babae. DI sya makapaniwala na hindi tumalab ang kanyang charm dito. "Babae ba talaga yun?" kausap na nya ang sarili nya. "Pasalamat sya ang ganda nya, kayalang walang utang na loob."

Nang makarating si Dj sa condo building na tinutuluyan nya, agad na nag park ito. Kinuha nya ang mga gamit nya sa sasakyan bago umakyat sa unit nya nang may napansin sya sa ilalalim nang upuan ng passenger side. Dinampot nya ito.

"Kathryn Chandria Fontanilla." ID ito nang babaeng hinahanap nya, at babaeng tinulungan nya kanina lang. Napangiti sya habang unti-unting binubuo ang plano sa isip nya. Mukhang may solusyon na sya sa problema nya.

------

Tahimik na nagsusuklay nang mahabang buhok si Kath sa harap ng salamin. Hindi sya makapaniwala sa nangyari sa kanya. She almost got rape, buti nalang dumating si Dj para iligtas sya. Natigilan sya nang maalala nya sino nangligtas sa kanya. She can clearly remember the security she felt when he held her like a fragile glass. The way he caressed her hair. Napailing sya, "No Kath, don't fall for a heartbreaker. It will do no good to you." bulong nya sa sarili.

Pinili nalang ni Kath ang matulog. She silently thank God for saving her today, he thank God because Dj came like a hero and saved her. Agad na napamulat sya nang mga mata. No Kath, stop thinking about him. 

Heartbreaker's Tears [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon