15

9.9K 435 18
                                    

Maia helped Attorney Ivy Noble cleaning. Nang matapos ay sabay na rin silang lumabas ng kusina at naabutan ang dalawang lalaki sa living room.

"You can call me Ate Ivy." anitong nakangiti. "Masyado yatang pormal ang Attorney." bahagya itong napatawa.

Napangiti ng malapad si Maia at tumango.

Umupo sa pang-isahang sofa si Ivy at sa tabi naman siya ni James sa mahabang sofa. Napapangiti si Maia sa pangungulit ni Leo kay Ivy. Tingin niya ay nililigawan ng lalaki ang Ate ni James na palagi lang namang sinusungitan nito. They're cute. She thought.

Bumaling siya kay James nang maramdaman ang titig nito sa kaniya. She gave him a smile. He didn't, though. Agad siyang nakaramdam ng pag-aalala. Nawala ang ngiti niya.

"Let's talk." tumayo ito at iniwan ang sala.

She followed him to the balcony. Sinundan lang naman sila ng tingin ni Ivy.

"James..." tawag niya nang naroon na sila.

She was facing his back. Mula sa magandang tanawin ay hinarap siya nito. He's calm but she can feel the wall that starting to part them. Nag-iinit na ang sulok ng mga mata niya sa nagbabadyang luha wala pa man itong sinasabi.

"Maia..." tumitig ito sa kaniya at unti unting nawawalan ng emosyon ang mukha. "Let's stop this. What we have." diretso nitong sinabi.

"W-What?" agad binalot ng sakit ang puso niya. "Ano ba'ng s-sinasabi mo..." her voice was trembling. Humakbang siya palapit dito. "James, k-kanina akala ko okay na tayo-"

"We're okay." he sighed. "I just don't want to hurt you..." nanghina ang boses nito at napayuko.

Lalong nasaktan ang puso ni Maia para sa lalaki. Lumapit pa siya dito at hinawakan ang kamay nito. Nag-angat siya ng tingin at hinuli ang mga mata nito. "You don't want to hurt me but what you're asking is hurting me." may hinanakit na aniya.

Umiling si James at halos marahas na nagpakawala ng hininga. Binawi din nito ang kamay na hawak niya. "You don't understand, Maia. I'm also hurting right now... and angry. Ayokong masaktan kita dahil galit ako. Galit ako, Maia. Galit na galit ako sa mga nalaman ko." he was gritting his teeth.

Napaatras si Maia sa pinaghalong sakit at galit na nakikita niya sa mga mata nito. Hindi siya sanay na ganito ang lalaki. Ang James na kilala niya ay palangiti. Pero ngayon ay natatakot siyang hindi na muling makita ang ngiti nito...

"James..." umawang ang labi niya.

He shook his head and his bloodshot eyes looked away. "Nakausap ko na si Leo. Siya ang maghahatid sa 'yo." anito at muli siyang tinalikuran.

Tuluyang bumuhos ang mga luha ni Maia. Lumapit siya kay James at mahigpit itong niyakap mula sa likuran. "Huwang namang ganito, James." she sobbed. "Mahal na mahal kita..."

James heaved a harsh sigh. Pagkatapos ay maagap din siya nitong hinarap at niyakap pabalik. She felt him kissing her forehead. "I'm sorry, baby... Naguguluhan lang talaga ako... I-I don't know what to feel anymore. Naghalo halo na. Hindi ako makapaniwalang nagawa 'yon ni Dad. He's my Dad and I love him. Mahal ko sila ni Mom. And after hearing everything, I was furious... I don't know..." nanghihinang bulong nito.

Maia cried more feeling his pain. Humigpit pa ang yakap niya dito.

"Mahal na mahal din kita, Maia. At natatakot akong masaktan kita dahil naguguluhan pa ako ngayon. I might lose focus at mapabayaan kita. So, please... Stay away from me for now." he sounds begging.

Maia was crying hard. Sobra siyang nasasaktan para sa kanila ni James. Bakit sa amin pa nangyayari 'to... Magsasalita na sana siya nang tawagin sila ni Ivy. Kumalas sa kaniya si James at maagap naman siyang nagpunas ng luha niya.

Bumalik sila sa sala at agad nanlaki ang mga mata niya nang mabasa at marinig ang headline ng news. Lahat sila ay nakatutok sa ngayon ay bukas na na TV sa sala.

"They're accusing you of kidnapping," ani Leo na bumaling kay James bago sa kaniya.

She looked at James and saw his jaw clenching.

"I-I'm sorry..." aniya.

James' sister sighed at napailing iling naman si Leo. "They're planning something." anang lalaki.

Naguguluhang tiningnan ito ni Maia.

"Leo." tawag ni James sa lalaki na mabilis niyang kinabaling dito.

Lumapit siya kay James at mahigpit itong niyakap. Tumango siya rito matapos kumalas. Alam niyang kailangan na niyang umuwi at 'yon din ang pakiusap sa kaniya ni James kanina. "I'm sorry. I will clear your name. Hindi ko maintindihan sila Dad," umiling siya.

Nagtanguan ang dalawang lalaki at lumabas na si Leo para siguro ihanda ang sasakyan.

"I'm sorry..." hingi din niya ng paumanhin kay Ivy.

Inilingan lang siya nito. "Maybe your parents are just worried. Ang kapatid ko ang kasama mo at alam nilang alam na nito ang totoo. Baka iniisip nilang sasaktan ka ni Anthony."

Umiling si Maia.

Kakapasok lang muli ni Leo sa bahay para siguro tawagin siya at aalis na sila nang makarinig sila ng papalakas na sirena ng pulis. Kumunot ang noo ni Maia at natigilan din si Leo.

"What's that?" anang nababahalang boses ni Ivy.

Biglang napamura si Leo at agad hinawakan si Ivy at hinila palabas ng bahay kasunod sila ni James. "Sabi ko na nga ba. May pinaplano sila."

"What are you talking about?" ani Ivy na hila ng lalaki sa kamay.

"Isipin mo, 'Vy. Hindi sila makakapayag na maiskandalo ang pamilya nila. Kaya naman," binuksan nito ang pinto ng sasakyan. "bago n'yo sila maatake ay uunahan nila kayo. They might be doing this to put you and your brother behind bars bago n'yo pa magawa sa kanila 'yon."

Umawang ang labi ni Maia. Hindi siya makapaniwalang posibleng magawa 'yon ng pamilya niya. That will also mean na gagamitin siya? "No..."

Nag-angat ng tingin sa kaniya si Leo. "I was once setup, kaya pasensya na kung nakakapag-isip ako ng ganitong posibilidad." anito at mabilis ng pinapasok sa sasakyan si Ivy. "Let's go."

Sumunod naman sila ni James. Hindi pa sila talagang nakakalayo ay naharang na sila ng mga pulis sa daan. Panay ang pagmumura ni Leo na siyang nagmamaneho ng sasakyan.

"Give me your gun, Leo." biglang sabat ni James sa tabi niya sa likod.

"A-Anthony, what are you doing-" halos namumutla na si Ivy sa shotgun seat.

Binigay naman ni Leo ang baril nito kay James. Sinaway pa ito ni Ivy. James looked at the gun he's now holding. Pagkatapos ay bigla siya nitong hinila palabas ng sasakyan.

Maia's eyes widened. Nakatalikod siya kay James at nakatutok sa kaniya ang hawak nitong baril nang humarap sila sa kapulisan.

"J-James..." her voice trembled and a tear fell from her eye.

Hearts Series 1: Crippled HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon