Chapter 1

13.3K 245 2
                                    

Nang papasukin si Ava sa mansyon ng mga Salvador ay agad na namangha ang mga mata nya sa kabuuan niyon. It looks like a palace but themed with gold and silver----para bang isang mumunting palasyo na nakatayo sa malawak na lupain. She immediately held the Camera inside her sling bag and captured the beautiful facade of the mansion. She's an amateur photographer and she really loves taking photos----lalo na kung stolen.

Mas maganda pa sa mansion ng Papá nya ang mansion na nasa harap nya ngayon. One word to describe the place------Marvellous!

Mahigit pitong taon na rin nang umalis sya ng pilipinas at ngayon lang sya muli nakauwi. Naging busy sya sa pag-aaral ng flower arrangement at flower shop sa France, at least iyon ang alam ng lahat, bu that was just her excuse. She loves being a photographer and she used most of her time in France capturing and stealing happy moments of people there. Masaya syang nagliwaliw sa loob ng pitong taon na walang iniintinding company or whatever. Simula nang ikasal ang Ate Ara nya kay Dominic Salvador ay tuluyan ng nag-merge ang Romero Empire at Salvador Group----at si Dominic Salvador na ang nagma-manage non-----kaya marami na syang naging time para sa sarili nya. She paid attention to the one and only thing that she loves the most----photography.

Iginiya sya ng mayordoma ng mga Salvador papunta sa sala at ibinilin sa kanya na maghintay lang sya roon. Agad nyang tinago ang camera nya sa bag at sinuri ng mabuti ang lugar. Kahit paano ay nawala ang pagod mya mula sa mahabang flight galing France nang makita ang mga design ng buong kabahayan. Sa unang tingin mo ay aakalain mong mga maharlika ang nakatira sa lugar na iyon dahil sa disenyo.

Hinanap ng mga paningin nya ang mga pamangkin. Siguro tulog na ang mga ito dahil gabi na rin syang nakarating sa mansyon. Nagbabakasakali lang naman syang maabutang gising ang Ate Ara nya dahil nabalitaan nyang buntis na naman ito sa ikatlong pagkakataon. Well, magiging apat na ang anak ng Ate Ara at Kuya Dom nya dahil kambal ang ipinagbuntis ng Ate Ara nya noong pangalawa at si Sebastian naman ang una.

So, all in all,  magiging apat na ang mga pamangkin nya. Hindi na nya natanggihan ang Ate nya nang magmakaawa itong umuwi sya para bisitahin ang mga pamangkin nya at ang Papá nya dahil sa loob ng mahigit pitong taon ay nagvi-videocall lang sila sa skype para maka-catch up sa updates ng buhay ng isa't-isa. Her Ate Ara is one of the best thing that ever came into her life dahil simula nang makilala nya ito 16 years ago ay pakiramdam nya ay nabuo muli ang pamilya nila. Her mother died when she was 5 years old dahil sa sakit na Cancer at simula noon ay hinubog na sya ng Papá nya para sa business ng family nila. Kung hindi pa dumating ang Ate Ara nya sa buhay nya at napakasalan si Dominic Salvador, siguro ay matagal na syang nakulong sa masaklap nyang kapalaran. No that she doesn't want to, gusto nya lang kasing maging malaya sya sa pagdedesisyon kung ano ang makabubuti sa kanya.

Natigilan sya sa pag-iisip nang may makita syang isang lalakeng naglalakad pababa ng malaking stairway. Naka-polo ito na nakatupi hanggang siko at nakasuot ito ng eyeglasses. Medyo may hawig ito sa Kuya Dom nya pero ang kaibahan lang ng lalakeng ito ay medyo manipis ang labi, kulay ng mata at buhok, at masyadong masculine ang dating. His chiseled body, well-toned skin, firmmess of his movements, and bossy aura makes her knees weak.

She shook her head. Kailan pa sya na-attract sa lalakeng naka-salamin?

His tantalizing eyes were glued at her. Ang titig nito sa kanya ay yung tipong gusto nitong hanapin ang kaluluwa nya sa loob ng katawang lupa nya. She gulped as his eyes suddenly flew on her lips.

Nang makalapit na ito sa kanya ay napagtanto nyang baka ito ang nakababatang kapatid ng Kuya Dom nya.

"Good evening po. I'm here for Ate Ara. Gising pa ba sya?" She asked politely. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya na para bang kilalang-kilala na sya nito.

Matchmaker's Series #3: The Devils Kisses (Raw Version-Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon