Chapter 1: Introduction

27 2 0
                                    

I've never dream to go to a world where there's a lot of strangers. The lights of the camera's, the infinite rumors in the newspapers. The crowd. I've never expect to have this experience bonding with the most famous guys. This would be the most happiest experience ever. My unforgettable, memorable days with them which all started in a quiet, hopeless, mysterious beginning...

Ellaine's POV:

Kumuha ako ng pagkain sa refrigerator kasi sobrang gutom na gutom na talaga ako. Nang biglang may tumapik sa kamay ko

Aray! Napatingin ako sa gumawa nun sakin, nakita ko naman ang pinsan kong si Gelay. Jillian ang tunay nyang pangalan

"Sino ka naman sa akala mo para kumuha ng pagkain sa fridge namin. Huh? Tapos na ba ang mga pinapagawa ko sa'yo?"

"Matatapos naman po ma'am Gelay kaso tumigil ako bahagya kasi nakaramdam po ako ng pagkagutom" wika ko

"Well, hintayin mo na ako mismo ang magbibigay sa'yo ng pagkain mo. Katulong kalang dito, kayo ng nanay at ate mo. Kaya pwedi ba, lumugar ka naman kung saan ka nababagay! Understood?!"

"Yes, po ma'am" mahinang wika ko

"Now, get out of my way" aniya

Hindi muna ako nakinig sa kanya, sa halip tinitigan ko sya na parang nagpapaawa ako. Ang sakit na kasi ng sikmura ko

"Get out... I said get out!"

Natakot ako at napaatras ng konti

"Gusto mo bang masapak? Sige kung yan ang gusto mo, pagbibigyan kita"

Sasapakin nya na sana ako, ng biglang sumigaw si Ylia

"Ate!! Come here!! Ang mga boyfie's natin oh!" tinawag nya ate nyang si Gelay. Ano kaya ang titingnan nila??

"Oh My God!! My CNCO!!! Ahh"

Napatakip nalang ako sa tenga sa sobrang lakas ng tili ng mga pinsan/boss ko. Ganyan talaga sila pag- wala ang parents nila dito. Nagwawala sila kapag nakikita nila ang.... Ano nga ba yun?? CN...

"Elay!!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko

"Elay!!

Lumapit ako sa mga boss ko

"Ano po yun mga ma'am?" Tanong ko

"Ipagluto mo nga kami ng popcorn and ihanda mo rin ang shake huh" ani Gelay na nanunuod ng TV kasama ang kapatid na si Ylia

"Ano po bang pinanunuod nyo ma'am?" pagtatanong ko

"Wala ka ng pakialam dun, asikasuhin mo yung trabaho mo. Bilis" aniya

Pumunta naman ako sa kusina at pinaghanda sila. Mag- momovie marathon yata ang mga pinsan ko

Pagkatapos kong magprepare ay sinerve ko iyon sa mesa nila

"Ma'am ito na po" ani ko

"Pweding tumabi ka please, hinaharangan mo ang kagwapuhan ng bebe Joel ko, ahiee" ani Gelay

Sinunod ko naman siya at tumabi ako. Bebe Joel? Tanong ko sa isip. Bahagya akong umayos at sumilip sa pinanunuod nila

"Aahhh" tili ng mga pinsan ko

Parang saglit ay huminto ang pagtakbo ng mundo ko ng makita ko ang mukha ng isang guy.. OMG para syang angel ang cute at ang gwapo nya

"Joooeeell" tili uli ni Gelay

"Errriiicckk" tili naman ni Ylia

"Hoy!! Anong tinitingin tingin mo dyan, alis.. I said get out" ani Gelay sakin

One Star Princess★Where stories live. Discover now