I hope it's you

7 2 0
                                    

"Hi Mae" ubod ng sayang bati sa'kin ni Greg na manliligaw ko.

"Hi!" Walang ganang sabi ko.

"May gagawin ka ba ngayong araw? Tara ipapasyal kita" masigla pa ring sabi niya.

"Hmmm sige"

Nagpunta kami sa pinaka malapit na perya dito sa lugar namin.

"Saan mo ba gusto unang pumunta? "

"Kahit saan" balewalang sagot ko.

"Okay sige doon muna tayo" sabi niya sabay turo sa isang pwesto na puro teddy bear "ikukuha kita ng kahit anong gusto mo" sabi pa niya.

Pagkadating namin doon ay agad siyang bumili ng maraming bola na pambala.

"Ano ba dyan ang gusto mo? Yung malaku na ba agad o maliit muna?"

"Yung maliit muna" sabi ko.

Nag concentrate siya at inabot ng ilang minuto bago ibato ang bola at beym nakuha niya ang maliit na teddy bear ng walang kahirap-hirap.

"Wow! Ang galing haha" manghang sabi ko.

"Sabi ko naman sa'yo lahat gagawin ko mabalik lang yung saya sa mata mo" sinserong sabi niya.

"Hmmm sige kung talagang gagawin mo lahat para sa'kin kuhain mo nga yung pinaka malaking teddy bear" panghahamon ko sa kanya.

"Yan lang ba? Sus basta pagnakuha ko yan hindi na kita makikutang nakasimangot. Ano deal? "

"Okay sige deal" sabi ko kahit na 'di ako sigurado para naman makabawi ako sa lahat ng effort na nagawa niya para sa'kin.

Pagkatapos ay sineryoso niya na ang pag target inabot siya ng mga 5 minuto bago ibato ang bola ngunit 'di niya ito tinamaan.

"Isa pa haha kukunin ko talaga siya para sa'yo"

Sa pangalawang tira ay sablay pa rin hanggang sa inabot na ng panghuling bola.

"Last ball na pa'no ba yan? " prenteng sabi ko.

"Hahaha makukuha ko na yan" nagyayabang na sabi niya.

Kung kanina ay pinapaabot niya pa ng ilang minuto bago ibato ngayon ay bigla niya na lang hinagais ang bola at ayon sa isang iglap ay nakuhaa niya ang pinaka malaking teddy bear.

"Sabi ko naman sa'yo eh" sabi niya sabay kindat.

"Tsk" sabi ko na medyo natatawa dahil sa hitsura niya.

"O pa'no ba yan Mae a deal is a deal"

"And so? "

"Ngumiti ka na" nag-uutos na sabi niya

"Eh kung ayoko? " pang-iinis ko.

"Eh kung ganito na lang" sabi niya sabay kiliti sa'kin.

"Ano ba Greg hahaha tumigal ka nga hahahaha nakakahiya hahaha"

"Edi kung di ka ngingiti patatawanin na lang kita"

Matapos naming magsaya sa perya ay hinatid niya na ako pauwi.

"Bye Mae salamat sa oras" sabi niya sabay kaway sa'kin.

"Bye Greg maraming salamat kasi napasaya mo ako ng sobra" sinserong sabi ko.

"Naku wala yon sabi ko naman sayo eh a promise is a promise"

"Pero maraming salamat talaga"

"Sige mauna na ako sauulitin" sabi niya at tuluyan na siyang naglakad palayo sa akin.

"Ehem" nagulat ako ng makita ko si ate na nasa likuran ko na.

"Ano ba ate ginulat mo'ko" sabi ko sabay hampas ng mahina sa kanya.

"Ikaw nga Mae umamin ka"

"Ano? "

"May gusto ko na ba kay Greg? "

"Ate..."

"Umamin ka"

"Wala, wala akong gusto sa kanya"

"Mae naman ang tagal ng naghihintay sayo ni Greg"

"Ate kung natuturuan lang yung puso ko baka ginawa ko na eh kaso hindi"

"Mae naman"

"Kung kaya ko ko lang mahalin si Greg kagaya ng ginawa ko sa kuya niya edi sana matagal ko ng ginawa"

End

Short StoriesOnde histórias criam vida. Descubra agora