Walking Down The Aisle

4 1 0
                                    


"Love I'm really excited for our wedding day" sabi ko sa aking mapapang-asawa na si Liam.

"Pfft! Love I'm excited too pero next month pa 'yon ah" sabi niya sabay halik sa aking noo.

"Anyways Love diba my out reach program kayo week before our wedding? " naka ngusong tanong ko habang siya ay seryosong naka tingin sa mata ko.

"Yeah, hindi tayo magkikita ng isang linggo Love saktong kasal na natin tayo ulit magkikita n'on" malukot na sabi niya.

"It's okay love tuloy na tuloy na naman yung kasal natin kaya you don't have to worry" paninigurado sa kanya at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi.

"I love you, Love" sinserong sabi niya at pinag dikit ang noo naming dalawa "always remember that okay? I love you no matter what happen"

W E D D I N G D A Y

"Where is he? " kunot noong tanong ko dahil hindi niya pa rin ako tinitext or tinatawagan man lang.

"Sis, mag s-start na yung paglakad mo. Tayo na dyan" sabi ni Missy at inalalayan ako papunta sa sasakyan ko papunta ng simbahan.

Habang nasa biyahe ay 'di ako mapakali. Parang may mali. I feel something wrong happened.

"Sis, 'wag ka sumimangot, this is your day so smile"

"Sis, 'di pa ako tinatawagan ni Liam" malungkot na sabi ko.

"'Di ba may pamahiin ang matatanda tungkol dyan" sabi niya.

"Pero nag promise siya... "

"Zoey, wag ka na malungkot masisira make up mo n'yan" pagbibiro niya.

"Hays bahala na nga mamaya"

"Siguradong nandoon na 'yon ngayon at hinihintay ka sa dulo ng altar yieee" panunukso niya.

Pagdating namin sa simbahan ay madaming nagkalat na tao. Huh? 'Di ba dapat nasa loob na silang lahat?

"Sis, anong meron? " naguguluhang tanong ko kay Missy.

"Ewan ko Sis tara lumapit tayo" medyo malapit na kami sa bakuna ng pinto ng makarinig kami ng palahaw.

"Tita what's wrong? " kinakabahang tanong ko sa nanay ni Liam.

What the heck was happening!?

"Z-zoey" umiiling na sabi ni Tita habang umiiyak pa din.

"Tita what happen? "

"Zoey h-hindi na m-makakarating si L-liam ngayon" sabi niya at muli ay pumalahaw nanaman siya ng iyak.

"Tita.... "

"Zoey, wala na si Liam" pumantig ang tenga ko sa narinig ko at p parang 'di ko na proseso ito agad. "Patay na si Liam" pag ulit ni Tita at doon na nag simulang tumulo ang mga luha kong kanina pa naipon.

"Walking down the aisle with no one waiting at the end is the worst part of my life"

Short StoriesWhere stories live. Discover now