Chapter 4

3.3K 82 8
                                    

NAALIMPUNGATAN si Ayesha nang maramdamang may humahaplos sa buhok niya, naramdaman niya ding nakadampa ito sa kama niya dahil ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. At first, she thought it was her mother, pero nang maamoy niya ang pamilyar na pabango nito ay agad siyang napabalikwas ng bangon, at nanlalaki ang mga matang tinitigan ito.

"G-Gabriel." Nauutal na usal niya sa binata. She slightly pinched her cheeks at napangiwi siya sa sakit. Mukha namang nawiwili ang binata sa ginawa niya dahil napatawa ito. "W-what are you doing here?" Lakas loob na tanong niya. "Paano ka nakapasok?" Dagdag niya at tiningnan ang pituan ng kwarto niya na nakabukas.

"Relax." Natatawang sambit ni Gabriel. "You're parents let me in, ayaw pa sana nila pero hindi ko na pweding patagalin pa na makausap ka. Salamat at pumayag naman sila. You're dad really is reluctant to let me into your room. Pumayag lang siya nang sinabi kong hindi isasara ang pinto."

"A-ano pa ba ang sasabihin mo? Are you going to tell me how disappointed you are? Sasabihin mo bang sobra ang pagka-assumera ko? Sasabihin mo bang wala akong pinagkaiba sa mga ibang babae na nagpupumilit na isiksik ang sarili nila sayo?" Tuloy-tuloy na tanong niya, hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha.

"Silly." Napailing si Gabriel at pinunasan ang mga luha niya. "Ni minsan ay hindi ko 'yun inisip. And I can't really blame you kung nag-assume ka. I never made it clear in the first place." Seryosong sambit nito habang nakatingin sa mata niya. "Besides, I already say through your tricks. May pakunwa-kunwari ka pang mahina ka sa subjects mo, pero halos perfect naman ang mga score mo." Dagdag nito na ikinagulat niya. Nanlaki ang mga mata niya at napakagat siya sa labi, kasabay nito ay ang pamumula ng mga pisngi.

Natawa naman si Gabriel sa inakto niya. "You left your things unattended noong nag-CR ka, sakto namang pagbuklat ko ng clear book mo ay nakita ko lahat doon ang mga quizzes and exams mo." She's speechless, hindi niya alam ang sasabihin. All along ay alam ng binata ang mga kalokohan niya makuha lang ang attention nito. Oh, lupa, kainin mo na ako ngayon din!

"Do you know why I never said a thing and went with the flow?" Seryosong tanong ni Gabriel. Umiling siya, hindi siya makapagsalita.She can't find the strength to talk. Nakangiting hinawakan ng binata ang mga kamay niya na nagbigay ng milyon-milyong boltahe sa katawan niya. "Hindi ko din alam." Sambit nito na ikinasimangot niya, akala niya ay sasabihin nitong dahil may namumuo na itong pagtangi sa kanya. There you go again, Ayesha! Stop assuming, mas masasaktan ka lang! May girlfriend na siya!

"That's what I thought at first, hindi ko talaga alam." Seryosong sambit nito, napatingin siya sa mga mala-dark chocolate na mata ng binata. "Naliwanagan ako nang nakausap ko si Dad. Nalinawagan ako kung bakit sobra akong nairita ng makita kitang may kasamang ibang lalaki. At ito ang nagiging dahilan ng bawat pagngiti mo. I'm so irritated because I am so damn jealous!" Sambit nito na ikinagulat niya.

Kumurap-kurap pa siya para masigurong totoo ang nakikita niya at kumakausap sa kanya. Inangat ni Gabriel ang kamay niya at dinampihan 'yon ng halik. Again, that sends million of electricity all throughout her body. "Mahal kita, Ayesha. I love you." Buong pagmamahal na sambit nito. She look through his eyes, at she can see his sincerity.

Nagbunyi ang kanyang puso dahil mahal siya ng binata ngunit unti-unting nagsilabasan na naman ang luha niya nang may naalala. Mahal ka nga niya, Ayesha, ngunit may girlfriend na siya. He's already taken.

"I love you, you love me... masaya ako doon..." Sa wakas ay nakapagsalita siya. Inagaw niya ang mga kamay at mahigpit na napahawak sa bed sheet. "But I don't want to be the reason kung bakit kayo maghihiwalay ng girlfriend mo." Dagdag niya na ikinakunot ng noo ng binata.

THE BILLIONAIRE 6: GABRIEL ZAMORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon