Chapter 9

3K 79 6
                                    

"Hiwalay na kami, Gabriel." Seryosong sambit ni Ayesha na ikinabigla niya. "At lalong-lalong hindi siya ang ama ni Louie. Hindi ka ba nagtataka kung bakit may pagkahawig ka sa bata?" Dagdag nito. Totoo ngang sa tuwing tinititigan niya ang bata ay may pagkahawig siya dito.

"Hindi kaya'y ikaw ang ama ni Louie, Gabriel?" Naalala niyang pabirong sambit ng mayordoma nang minsa'y karga-karga niya ang bata, ngunit tinawanan lang ito ni Ayesha. Sobrang gaan din ang loob niya sa bata dahilan para lagi siyang bumibili ng mga laruan at pinapadala lang sa bahay dahil talagang iniiwasan niya si Ayesha.

Gabi-gabi din ay sinisilip niya ang mag-ina bago magpunta sa sariling kwarto. Tuwing umaga na may ikinukwento si Manang Helga sa kanya na ginawa ng bata ay feeling niya ay siya ang ama nito. He is so proud sa mga little progress ng bata. He shook his head.

"Kung sinasabi mo lang 'yan para pagaanin ang loob ko, I'm warning you, Ayesha. Knock it off!" Seryosong sambit niya.

"But I'm telling the truth, Gabriel!" Giit ng dating kasintahan. Mangiyak-ngiyak na din ito. Nasapo niya ang sentido at napabuntong hininga. "Pagbalik ko dito sa bansa ay agad kitang hinanap. Nakita kitang papasok ng sasakyan mo, hinabol kita but it was too late, hindi kita naabutan. Sinundan ko ang sasakyan mo, hanggang magpunta ka sa isang bar. You were drinking like there's no tomorrow, then may lumapit sayong babae, she offered you a drink. Agad ko kayong nilapitan dahil nakita kong may inilagay 'yung babae sa inumin na binigay niya sayo." Pinunasan nito ang mga luha. He remembered that day, he wanted to hang out but none of his friends were available, busy ang mga ito sa kanya-kanyang nobya. Kaya naisipan niyang mag-isa na lang na uminom.

"Ayaw ka pang bitiwan ng babae kahit na sinabi kong kasama mo ako, kaya nagsinungaling ako at sinabi kong nasa labas lang ang kuya ko na police. You were wasted back there, Gabriel. Nang isinakay kita sa sasakyan mo ay ang dami mong nasabi sa akin. I know that you were hurting, Gabriel and that was because of me." she continued. "Nang gabing 'yun ay inilabas mo lahat ng sama ng loob mo sa akin na matagal-tagal mo na ding kinimkim. And it hurts me seeing you hurting because of me.."

"Enough of your lies, Ayesha!" Singhal niya dito. "I don't want to hear anymore of your lies!" Dagdag niya ngunit hindi ito nagpatinag. Itinuloy pa din nito ang pagkwento.

"That night, inilabas mo lahat ng hinanakit mo sa akin. Tinanggap ko lahat ang mga masasakit na salitang lumabas sa bibig mo, mahal kasi kita at alam kong nagkamali ako. That night, you told me that you love me so much." Tinitigan siya nito. "Sobrang saya ko, Gabriel, kasi nga mahal mo pa din ako sa kabila ng nagawa ko. Nagising akong nakangiti dahil katabi kita, ikaw ang una kong nakita nang umagang 'yun. I took a shower and pumunta ng cafe sa tapat ng hotel. I ordered you a coffee and an apology cake. Gusto ko sanang magpaliwanag sayo." Napabuntong hininga ito. "Pagbalik ko, wala ka na. Ang tagalinis na ang naabutan ko doon. Sobrang bigat sa loob ko ang ginawa mo."

"You know what? You can be a writer sa lawak ng imahinasyon mo." Seryosong sambit niya. He may still love the woman standing in front of him pero hindi iyon sapat para I-pursue niya ito. She's married and he doesn't want to be the other man. He must not lose his morals.

"We once made this promise na kung magkakaanak tayong dalawa ay papangalanan nating siyang Louie." She bitterly smiled, desperation was visible in her face. "But you were expressionless nang sinabi kong Louie ang ipapangalan ko sa kanya. Sinabi ko pang kamukha niya ang ama niya, but still, wala kang imik." Napabuntong hininga ito. "Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil lahat ng tao dito sa bahay ay nakikita nila ang pagkakahawig niyo. I'm giving you all the hints, Gabriel.."

"Kung totoong anak ko si Louie, bakit hindi mo ako nilapitan nang malaman mong buntis ka? Alam mo kung saan ako mahahagilap, but you never came!" May pagsusumbat na usal niya. "Bakit ngayon lang, Ayesha? Dahil ako ang nakakita sayo when you were in labor? Dahil iniwan ka ng asawa mo?"

THE BILLIONAIRE 6: GABRIEL ZAMORAWhere stories live. Discover now