Chapter 11

19 1 29
                                    


Blythe felicity's POV

"O, pasok na kayo." Sabi ni Ms. Sage kaya pumasok na kami sa loob ng room namin.

"So.. hindi ba may pinapasagot ako sainyo?" Tanong niya sa amin.

"Huh? Ano yun?" Tanong sakin ng katabi ko. "Malay ko din.."

"May sagot na ba kayo sa, what is the difference between LOVE and OBSESSION?" Paalala niya samin.

Ah. Yun pala yun.

Biglang may pumasok na idea sa utak ko kaya itinaas ko ang kamay ko.

Napatingin si Ms. Sage sa akin. "Yes, Blythe?"

"LOVE is a big word. No word can explain it. It is an affection towards a person, and when your contented when it comes to that person, you will feel the love.

And as for obsession,

OBSESSION, its like your trapping yourself to someone. You changed because of him or her. You will completely forget the meaning of love and it turns out you are obsessed." O amswered.

"Hm. Can we give Blythe a big round of applause." Ms. Sage said then clapped her hands, and the students following.

Grabe, nakakakaba yun ha. Ang haba kasi. Pero alalahanin muna ang grades bago ang lahat. Dito kasi nakadepende ang future ko eh. Hahhaha.

"Blythe libre naman dyan o!" May narinig akong sumigaw. Hindi talaga sigaw yun. Hehe trip ko lang sabihin na sigaw yun eh. May tama kasi utak ko.

"Anong libre libre naman dyan! Wala na akong pera ha!" Sigaw ko pabalik kay Cy.

"Tse!" Nanahimik nalang ulet siya at nagbasa.

"Sige freetime niyo na nalang. Pasalamatin niyo si Blythe dahil sa sagot niya." Napatawa si Ms. Sage at lumabas ng room.

Nagsikumpulan na kaming magkakaibigan. Kasama si Ashton.

Oo kasama siya.

"Bakit ikaw lang magisa dito Ash?" Tanong ni Serene. Oo nga naman. Nakakapagtaka kasi kung bakit siya lang magisa dito.

"Ah, iniwan ko yung mga kaibigan ko. Ang iingay nila eh." Ngiting sagot niya.

"Grabe naman." Sabi ko. "Ganon talaga, nakakarindi kasi yung iba eh. Halos mabingi nako sa ingay nila." Sabi ni Ash. Halatang naiinis dahil maingay yung mga kaibigan niya.

Biglang may tumawag kay Ash kaya tumayo muna siya at sinagot iyon.

"Anong meron sainyong dalawa ni Ash? Parang may something eh." Napangisi si Cy.

"Wala naman. We're just friends Cy. Nothing more. Nothing less." Seryoso kong sagot. Tumango nalang siya at nagpatuloy nalang sa pagbabasa.

Bumalik si Ash sa puwesto niya. Nakasimangot ito. Ano naman ang problema niya?

"Napano ka?" Si Maxine na yung nagtanong. "May paparating kasing hayop dito." Nakasimangot niya paring sagot.

Ha? Hayop? Seryoso? Anong klasing hayop?

Biglang may pumasok na tao sa loob.

Hay nako.

To be exact kung sino,

Si Phoenix. Yes. Phoenix Everett.

"Yo Ash!" Linapitan niya si Ash at hinug. Oh god. Yaoi naba this? Hahaha joke lang ha.

" Ew get off me Phoenix!" Pinagtutulak ni Ash si Nix.

Haha binigyan ko na siya ng nickname. Nakakatamad sabihin yung buong Phoenix eh.

Untold SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon