Chap. 10 (Rebelasyon)

786 13 0
                                    

Sinagot naman ni KC si Maryan. "Kailangan ko lang ng pera dahil gipit ako. Para sa kapatid ko dahil hindi siya pwedeng i-discharge ng hospital hangga't walang pambayad."

Humakbang palapit kay KC si Maryan habang tinitingnan niya ito mula ulo hanggang paa sabay nagsalita. "Don't worry, I wont bother. Gusto ko nga yung ginagawa mo e. Pangit ka ngang mag-English, madiskarte ka naman. At saka, I'm busy handling Dad's campaign dahil tatakbo siya bilang governor. Hopefully, he wins. Basta lang, if may plan kang magpapayat, sa akin ka magsabi, huwag kay Kaye dahil tatanga-tanga 'yon."

Walang imik si KC at nagpatuloy na lang maglakad nang magsalita muli si Maryan.

"Kung gusto mo ng pera, I can lend you. Bibigyan din kita ng maraming panty at bra." Sabay hila niya sa strap ng bra ni KC sa likod at binitiwan. Ramdam ni KC na parang napitik ang likod niya.

"Aray! Okay! Okay na! Naalala ko ang friend kong si Paola. Nagpapa-arbor din iyon ng panty at bra, kaya kung sakaling magpapayat ako, ikaw ang una kong lalapitan. Deal na! Shit! Ang sakit n'on, Maryan," reklamo ni KC.

At nag-blow kiss naman si Maryan sa matabang dalaga bago umalis.

***

Nagkita na naman sina Romel at KC sa resto ni Ritchie pagkalipas ng isang araw.

"Ate, nagso-sorry na si Mama, at totoong hindi ka niya anak kay Tatay. Anak ka niya sa mayor dahil sa isang pagkakamali. Isa kasi siyang katulong sa poder ng totoo mong ama at napagsamantalahan siya nito kaya ikaw ang bunga. Please, umuwi ka na para maipaliwanag niya sa iyo lahat," pagmamakaawa ni Romel.

"Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa kanya. Bata pa lang ako ay bugbog na ako sa trabaho. Masyado akong naghirap, Romel, e! Dapat hindi niya tinago para makakuha man lang ako ng mana o nagampanan ako ng tunay kong ama."

"Bakit, ate? Nagsisisi ka bang nabuhay at naalagaan mo kaming magkakapatid?" sarkastikong tanong ni Romel.

Bigla na lang ito inakbayan ni KC at pinatahan.

"Siya nga pala, ate. Saan ka pala nakikituloy?"

"Sa boyfriend kong si Archer," ani KC.

"Shit, ate! Ang suwerte-suwerte mo naman! Ibig sabihin, may nangyari na sa inyo?"

Iniwasan na lang ito ni KC saka inabot ang pera. "Eto, Romel. Sobra-sobra pa iyang pera pambayad sa hospital ni bunso. Kung sakali na kailangan na kailangan n'yo pa rin ng pera, 'wag kayong mag-atubiling lumapit sa akin. 'Wag lang si Inay."

Umuwi na agad si KC sa bahay ni Archer.

Habang malungkot siyang nakaupo sa hagdanan ng bahay ni Archer ay biglang lumapit sa kanya ang puppy husky ni Archer—ang name nito ay Dondon. Binuhat ito ni KC. Kapag wala kasing magawa si KC ay nilalambing niya ito, kaya naman napaamo na sa kanya ito sa loob ng anim na buwan.

Masyadong marami tumatakbo sa isip niya. Una ay ang kanyang pamilya. Kung babalikan pa ba niya ito o hindi. At pangalawa naman ay si Archer. Kung bakit pakiramdam niya ay parang kaibigan pa rin ang turing sa kanya ng binata dahil walang nangyayari sa kanila sa kama.

Bigla niyang kinausap ang sarili niya. "Hindi naman siguro dahil nagto-torrid kiss naman kami."

Nang nabuksan ang pinto at pumasok sa bahay si Archer habang suot-suot ang salamin nitong may grado.

"Uy! Mayroon na rin siyang salamin na may grado! Bagay na tayo," asar ni KC.

"Hehehe, malabo rin kasi ang mata ko sa malapitan. Ano na? Jogging tayo para mabawasan ang fats mo, Daing ko?" nakangiting aya ni Archer.

Fatass Scumbag Where stories live. Discover now