Chapter Three: New Friend?

37 13 106
                                    

Amira's POV

Nagulat ako nang may fog na kulay itim ang unti-unting lumalapit sa akin balak ko na sanang tirahin ito ng water whip pero natigilan ako nang may yumakap sa akin at nabalutan ako ng force field. May lalaking yumakap sa akin. At kung akala niyo si Tristan toh pwes nagkakamali kayo.

Nang mawala ang fog ay tinanggal na rin niya ang force field at humarap sa akin. Magsasalita na sana siya nang bigla ko siyang itinulak. Nawala na ang mga estudyante, sa halip na sila ang makita ko ay mga taong nakasuot ng black cloak ang nakita namin. Naging blur ang mga susunod na pangyayari basta ang alam ko lang ay maraming pana ang babagsak sa pwesto namin at kinontrol ko yon at ibinalik sa pinanggalingan nila.

Itinago ko sa likuran ko ang lalaking itinulak ko. Nakita niya ang mga fireballs na papunta sa direksiyon namin at akmang gagawa siya ng shield pero inunahan ko na siya at gumawa ako ng force field gawa sa yelo at nang masalag ko na ang mga fireballs ay ginawa ko nang ice fractals ang mga ito at binato papunta sa kanila. Napatay ko ang ilan ngunit may dalawa pang natitira.

Yung lalaking kasama ko ay gumawa ng pana at ako naman pinayanig ko ang lupa kung nasaan sila as a distraction. Nakailag sila sa iba pero ang dami ng pinaulan na palaso nung lalaki ni mystery guy pero isa lang ang natamaan niya.

Tumawa naman ang natira at naglabas ng lightning. Gumawa naman ako ng lightning fire and ice ball. Pinaulanan ko siya nito ngunit walang talab kaya gumawa ako ng espada habang tinitira niya ako ng lightning blades. Nang nakagawa na ako ng espada ay pinagtititira ko siya ng ice fractals at fire blast, ginamitan ko na rin siya ng water whip habang sumusugod. Papalapit na ako sa kanya ng tirahin niya ako ng lightning uli pero nasalag ko ito gamit ang espada at tinira ko na rin siya ng death spikes at lightning fireball. Nasalag niya ang death spikes pero hindi ang lightning fireball. Nang tamaan at matumba siya ay saktong malapit na ako sa kanya kaya itinarak ko na ang espada sa dibdib niya at napatay ko siya. Manghang lumapit at nagsilabasan ang mga students. Hinanap ko ang lalaki at palapit na siya sa akin ng mahilo ako. Then everything went black.

Someone's Pov

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na hari?" magalang kong tanong at bahagyang yumuko

"alam mo naman sigurong may utang na loob ang tiyo mo sa akin hindi ba bata?" seryosong tanong niya sa akin

Tumango na lamang ako. Parang alam ko na kung saan ito patungo.

"Ngayon dahil yumao na ang lahat ng iyong mga kaanak at di na natupad ang kasunduan namin ay ikaw na ang susunod sa napagkasunduan namin....."putol niya sa kanyang sinasabi

Tss. I knew it! Tungkol nga ito doon! Dati kasi nung bata pa ako ay nakainom ako ng lason. Eh dahil nga hindi pa namin alam na may ganung kapangyarihan ako noon ay nagpumta kami sa palasyo ng hari. Sinubukan nila akong gamutin pero walang talab kaya naisipan nilang gumawa na lang ako ng barrier sa loob ng katawan ko at harangin ang lason sa pagdaloy sa dugo ko. Noong una sila muna ang gumawa ng barrierr na araw araw nilang pinapatibay iyon pero hindi nila pwedeng gawin yun habambuhay kaya sinabak nila ako sa training at ayun ako na mismo ang gumawa ng pananggalang sa sarili ko. Kaya bawal ako maextractan, manakawan at magbigay ng powers ko sa iba kasi kasabay ng pagkawala ng charm/ability ko ang unti unting paglaho ng buhay ko. Doon muna ako nanirahan sa palasyo for years.

"May ipag uutos ako sayo, at yun ay patayin ang mage sa eskwelahan niyo. Hindi niya ako pwedeng mapaalis sa trono bago ko pa mahanap ang nawawalang pinakamamahal kong anak na si Artemis Athena Anderson." malungkot niyang sambit.

May nawawalang prinsesa na nagngangalang Artemis Athena Anderson. Nakatakda siyang maging pinakamakapangyarihan sa lahat. Kailangan namin siyang makuha bago magamit ang kakayahan niya sa kasamaan. Pero mukhang malabo na mangyari yun eh. Masakit mang sabihin pero I think di na namin siya makikita kasi nawala siya nung naganap ang battle for territories. She was my first love. I always dream na siya ang prinsesa at ako ang prince charming na knight niya.

Mythic Plains:The powerful Cold Mage and The Secret Assassin Where stories live. Discover now