WOLFierce 1

19.6K 425 52
                                    


Autumn

Patuloy lang kami sa pagtakbo sa may kagubatan. Kaming tatlo kasama ko ang kapatid kong si Accalia at Alusia, triplets kami.

P*natay ng mga hunters ang mga magulang namin. Sila ang Alpha sa Lacaforte pack at lahat ng nasasakupan namin ay namatay. Mukhang matagal ng plano ng mga taong mararahas iyon. Nilusob ng maraming hunters ang pinagtataguan namin at p*natay ang lahat. Hindi kami masasama para gawin ng mga ito ang bagay na iyon.

At dahil naglaro kaming magkakapatid sa may batis. Pagdating namin ay nandon pa rin ang mga ito. Nasaksihan namin and as soon as the hunters turned to us, we ran away as fast as we can in our wolf forms. Hindi kami pangkaraniwan dahil maliban sa katayuan namin bilang anak ng Alpha. Our wolf forms are males too.

Hindi ko alam kung bakit kailangang gawin ito ng mga hunters. Ni halos hindi na nga kami lumalabas. Bahay at eskwela lang kami palagi. Hindi kami masasama para paslangin ng mga ito ang uri namin.

Faster Alusia! I mind link my sister since ito ang bunso at pinakamabagal kumilos sa amin.

I am trying pero ang bilis niyo ni Accalia. Hingal na sagot nito.

Lumingon ako at nakitang wala ng humahabol pa sa amin pero kailangan naming makalayo. Kailangan na naming lisanin ang lugar na ito at kalimutan ang lahat. Talikuran ang buhay na dati'y meron kami. Isang simple at masaya.

Nanubig ang mga mata ko ng maalala ang mapagmahal naming mga magulang. Alam kong masaya na ang mga ito sa piling ni Selene, ang moon goddess.

You're so sluggish! Dinig kong wika ni Accalia rito.

We reach the end of the forest at sumulpot kami sa main road. Bumalik kami sa dating anyo bilang mga tao at suot pa rin namin ang mga damit namin. Nagpapasalamat ako dahil hindi na namin kailangan pang magdala ng mga damit kung sakali.

Tumawid kami sa kalsada bago ulit nagpalit sa anyong lobo at ipinagpatuloy namin ang pagtakbo. Kailangan naming makalayo para hindi na kami masundan pa ng mga hunters dahil sigurado akong kapag may naiwang bakas na buhay kami. Hindi titigil ang mga ito para lang gawin ang ginawa nilang pagpatay sa mga kauri namin.

Isa akong puting lobo at ganun din si Accalia pero si Alusia, ang lobo nito ay isang abo. Kaya lagi nitong sinasabi na inampon lang ito. We are identical triplets at talagang espesyal lang si Alusia dahil maliban sa pagiging bunso nito. Talagang may kabagalan ito kumpara sa amin ni Accalia. Kaya siguro ito rin ang huling lumabas noon.

Gutom na ako't nauuhaw ng husto. Reklamo ulit ni Alusia and I heard Accalia whined at her.

Wala tayong oras para diyan Alusia. Mamaya na kapag nakasisiguro na tayong sobrang layo na natin. Si Accalia ang sumagot rito.

Pero gutom na ako at sobrang inuuhaw saka ang layo layo na natin. We're like horses racing in a swift movements. Sagot rin nito.

Malayo na nga kami pero kailangan pang mas lumayo. Makakarating din kami sa aming pupuntuhan o mas tamang sabihin na pagtataguan.

We have to build our own house and hunt for animals for our food since wala kaming dalang kahit anong pera para pambili. Tulad ng sinabi ko. Namumuhay kami ng simple at sagana kami sa pagkain dahil may mga alaga kaming mga hayop.

At sabay kaming lahat kung kumain dahil ayaw ng mga magulang naming may nangunguna o nahuhuli. Gusto nilang malapit lang kaming lahat sa isa't-isa. Ganun kabuti ang mga magulang namin. They were a great leaders.

Sampung minuto pa bago kami tumigil sa pagtakbo ng marating namin ang isang ilog. Tumakbo si Alusia para sana uminom pero pinigilan ko ito. Sensitibo ang tiyan ni Alusia kaya maselan din ito sa mga animal na kinakain namin. Nasa anyong tao ulit kami.

Umiling ako rito. "Huwag Alusia kung ayaw mong sumakit ang tiyan mo. Madumi ang ilog kahit gaano pa iyan kalinaw."

Bumagsak ang mga balikat nito. Halatang uhaw talaga at nagugutom ang kapatid ko.

Ginala ko ang aking paningin at nakakita ako ng mga baging na alam kong may tubig sa loob nito. Inakay ko si Alusia papunta doon bago ko putulin ang baging. Umagos doon ang tubig at mabilis na uminom si Alusia rito. Ganun din ang ginawa ko pati si Accalia. Ng matapos kaming uminom ay kuminang ang mga mata ko ng makakita ako ng baboy damo at mas naging matalas pa ang pang-amoy ko.

Mabilis akong tumakbo at naabutan ko agad ito. Hinuli ko ang paa nito saka ito binalibag. Agad itong nangisay dahil sa lakas ng impact non. Alusia and Accalia came saka namin ito kinain. Nakarami si Alusia dahil talagang may katakawan ang isang ito.

Ng matapos kumain ay naglakad kami papunta sa ilog para maghugas ng kamay at mukha.

Hindi ko alam kung paano na kami ngayon. Gustong gusto kong mag-aral kaya hindi pwedeng hindi ako papasok sa susunod. Mabuti at summer pa rin ngayon. Magiging working student na lang ako, kami nina Alusia at Accalia. Malalakas naman kami at mabilis kumilos. We can do better than the humans.

Kailangan naming mag-ipon ngayon para makabili ng mga damit at pagkain. Pare-pareho na rin kaming graduating sa susunod na pasukan kaya kailangan naming makatapos. Iyon lang ang paraan para makapamuhay kami ng tahimik at normal na parang sa mga tao.

Pinagpatuloy namin ang pagtakbo ng makakuha ng sapat na pahinga. We reach a secluded forest na mukhang wala pang nakakapasok doon. We can build a simple house in here.

Naglakad kami sa loob ng kagubatan upang tignan kung anong meron pero natigilan ako ng makakita ako ng kweba. Palagay ko'y hindi iyon kalakihan. Mabilis kaming nakalapit dito at tama ako. It's a cave at hindi masyadong malawak sa loob non. It's just enough for us. Siguro nasa sixty square meters lang ito. Pwede muna kaming maglagi rito pansamantala.

Hapong hapo na naupo si Alusia saka ito sumandal ganun din si Accalia.

"Gusto kong umiyak pero malakas ako diba?" Wika ni Alusia.

Napabuntong hininga naman si Accalia. "Mga wala silang puso para p*tayin lahat ng mga kauri natin. What if we k*ll them too?"

Napatingin ako rito. "Hindi tayo mam*matay tao Accalia. Ang gusto ni Papa at Mama ay tahimik na buhay. We left that place para talikuran ang lahat. Now it's just me, you, and Alusia kaya kailangan nating magtrabaho. Kailangan rin nating mag-aral dahil hindi habang panahon sagana tayo ng hayop sa kagubatang ito. Hindi tayo magnanakaw o ano pa man. We have to do it all in the right way dahil iyon ang gusto ni Papa at Mama para sa atin."

"I can work. I am better than humans kahit ako ang pinakamahina sa inyo." Sagot ni Alusia sa akin.

"Hindi ka mahina Alusia. Hindi ka lang sanay." Ayaw kong nakikita o naririnig kahit sino sa mga kapatid ko na mahina sila dahil ayaw kong nawawalan ng mga ito ng lakas ng loob o bumababa ang tingin sa mga sarili.

"Magagawa ko rin iyon dahil isa akong Lacaforte. Gusto ko ring makatapos kaya magta-trabaho tayo para makaipon." Sang-ayon ni Accalia.

Napatango ako.

Hindi kami susuko kahit gaano pa kahirap dahil sanay na kami. Masaya pa rin ako at kasama ko ngayon ang dalawang kapatid ko.

We are sage, perilous, brilliant, compelling and forceful dahil isa kaming Lacaforte.

And Lacaforte's don't give up.

She's Fierce . She's a WOLF 1 (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon