WOLFierce 2

8.2K 345 32
                                    

Autumn

Pumasok kami bilang waitress at cashier sa isang restaurant. Nagta-trabaho kami bilang mga full time. Mabait ang may ari at napakiusapan namin itong kung maaari ay regular time kami ngayon hanggang sa pasukan.

Gustong gusto kami ng may-ari dahil mabilis kaming magtrabaho. Mabait din kasi ang may ari at laging nakatambay doon. Personal nitong pinapatakbo ang sariling negosyo. He's fifty six at talagang natutuwa ito sa amin dahil nakikita daw nito sa amin ang dalawang anak nitong nasa ibang bansa.

Napag-usapan na namin na kung pwede ay magta-trabaho pa rin kami kahit may pasok na sa eskwela at pumayag naman ito. At dahil nalaman nitong ulila na kaming lubos at may mga paupahan pa itong mga apartment. Doon na kami naglalagi at kalahati lang ang babayaran namin sa upa kada buwan. Gusto daw nitong makatulong at nagpapasalamat kami dahil doon.

May mga tao pa palang mabait at handang tumulong ng walang kapalit. Sa panahon kasi ngayon, alam kong imposible na sa mga ito ang katulad ni Mr. Abelardo. But the old man have a good heart and is eager to help the poor ones at isa kami sa mga mapalad na tinulungan nito.

Kaya naman mas pinagbubuti pa namin ang aming trabaho at nago-overtime pa kung sakali dahil hindi naman kami nakakaramdam ng pagod sa simpleng trabaho lang ng isang tao. Gaya ng sinabi ko ay mas malakas kami kaysa sa mga tao.

Tuwing Miyerkules at Linggo. Iyon ang oras namin para lumabas sa gabi at maglaro sa kagubatan. We will hunt animals dahil mas masarap ang sariwang pagkain kaysa iyong mga nabibili. Naiipon pa namin ang mga pera pang tuition at pambili para sa ibang importanteng mga bagay.

Saka iyon na rin ang panahon naming magkakapatid para magkatuwaan sa dilim. We love to bond with each other. Dati pa man, malalapit kaming magkakapatid pero si Alusia ang lagi naming tinutukso dahil lagi itong nahuhuli dahilan para mapikon si Alusia at para habulin kami nito ni Accalia. And that's when the fun begins for us. Gustong gusto namin ni Accalia kapag hinahabol kami ni Alusia dahil hindi pa kami nito kailanman nahuli.

Kagaya ng sinabi ni Accalia ay mabagal itong kumilos pero hindi iyon dahilan para tignan namin ito ni Accalia na parang naiiba sa amin. Kahit ano pa ito ay mahal namin si Alusia at kapatid namin ito.

Imbes kasi na magsanay si Alusia noon sa pakikipaglaban ay nandoon sa Mama namin at naglalambing. Isa itong Mama's girl kaya alam namin ni Accalia na ito ang mas lalong naapektuhan ng mamatay ang mga magulang namin.

"Alusia, maliligo ako. Paliguan mo naman ako." Pakiusap ni Accalia rito.

Dati ay sabay sabay pa kaming naliligo ng hubo't hubad. We have nothing to be ashamed of. Pero ngayon, dalawang tao lang naman kasi ang pwedeng magsabay sa banyo naming hindi kalakihan. I might join them too dahil kailangan naming paliguan ang isa't isa lalo na kapag nasa anyong lobo kami.

"Sige, paliguan mo rin ako pagkatapos mo."

Tumango si Accalia at sabay na naghubad ang dalawa't pumasok sa banyo. Dahil hindi naman sinara ng dalawa ang pinto. Nakita ko kung paano nagpalit sa anyong lobo si Accalia.

Shinampoo ni Alusia ang balahibo nito at kinuskos iyon pero pagdating ni Alusia sa may leeg nito ay napaungol si Accalia. Alam ko ang pakiramdam non kaya natawa ako. Ng matapos si Alusia ay saka nito binanlawan si Accalia. Ang puting balahibo nito ay mas lalo pang pumuti at sigurado akong sobrang lambot niyon kapag natuyuan na.

Nagbalik sa anyong tao si Accalia at si Alusia naman ang pinaliguan nito. Ng matapos ay sabay din naligo ulit ang dalawa para naman paliguan ang katawang lupa ng mga ito saka ako sumunod. Si Accalia ang nagpaligo sa aking lobo.

Sabay kaming nagbihis bago kumain at sabay din na nahiga para matulog.

*****

Katatapos lang naming mag-enrol at nagpalitan pa kami ng print of schedules para tignan kung pare-pareho kami ng oras. Nakahinga ako ng makitang lahat ng klase ko ay kasama ko rin ang dalawa. Hindi kami magkakahiwalay at sabay sa pagpasok at pag-uwi kung ganun.

Medyo excited na akong pumasok sa eskwela. Hindi namin kailangan mag-aral dahil matatalino na kami pero dahil nakikisalamuha kami sa mga tao ay kailangang makatapos.

"Mabuti at magkakasama ulit tayo. Mas maganda na iyon para mabantayan natin ang isa't isa." Si Accalia at mabagal lang kami sa paglalakad. Pauwi na kami at malapit lang din doon ang apartment namin.

We can run and reach our apartment in no time but it's daylight at baka may makakita pa sa amin. We don't wanna risk it.

Tumango si Alusia. "Ayoko namang mawalay sa inyo at baka tuksohin ako. Alam niyo naman kung gaano kapasaway ang mga tao at baka hindi ako makapagpigil."

Natawa kami ni Accalia.

Sabagay, wala nga itong pasensya kaya nga ang sarap tuksohin. Baka mapaaway pa ito at mapasubo kung sakali. When Alusia's not in her usual self. Kapag galit ito minsan ay hindi nito napipigilang magpalit ng anyo bilang lobo at ayaw namin iyong mangyari dahil ayaw naming makaagaw ng atensyon lalo ang ibilad kung ano talaga kami.

"Then let the dog out." Tukso ni Accalia rito.

Alusia snorted. "Ibabalibag ko sila kapag nagkataon." Pagbabanta nito kaya napataas ang kilay ko at mahina lang na natawa ulit si Accalia. Nahuli na naman kasi sa paglalakad si Alusia e.

Nakarating kami sa aming apartment at agad dumiretso sa aming kwarto. Dalawa ang silid doon pero gusto naming magkakasama sa iisang kwarto at matulog sa iisang kama.

Humilata kaming tatlo. We just stared at the ceiling when Accalia cleared her throat.

"Kailan kaya natin mahahanap ang mga mate natin?"

Bigla tuloy akong napaisip. Naalala ko pa kung ano ang sinabi ng mga magulang namin. Malalaman namin agad na mate nga namin kung naging kaakit akit ito sa pang-amoy namin at hindi mapakali ang mga lobo namin. So far, wala pa naman kaya hindi ko pa nahahanap ang sa akin.

"Not sure. Basta ako, wala pa." Si Alusia.

Napabuntong hininga si Accalia. "Sabagay, we're just nineteen."

"Pero dapat sixteen pa sana noong nahanap natin sila!" Alusia whined.

"Wala naman sa akin iyon. Kung andyan na, saka lang ako kikilos." Simpleng wika ko.

"Well, I can't wait to have s*x! Lagi kaming nagtatalo ni Ardwolf sa tuwing mating season!"

Wala sa loob na sabay kaming napatingin ni Alusia kay Accalia. Ardwolf is the wolf form of Accalia.

Napanganga si Alusia habang ako ay napataas ang isang kilay rito. Seryoso?!

Nagrereklamo rin naman si Alarick sa akin kapag mating season pero wala naman kaming magagawa. But I'm not going to look for my woman. Hihintayin ko itong kusang dumating saka ako maniningil.

"Ang libog mo naman." Ang tanging nasabi ni Alusia dahilan para matawa kami ni Accalia.

___

Iyong nakiki.hotspot ka nalang muna sa mama mo at hinihintay na dumating ang bunso mong kapatid . taga.bili ng load 😁😂

She's Fierce . She's a WOLF 1 (Completed)Where stories live. Discover now