WOLFierce 3

7.3K 330 47
                                    

Autumn

Maaga pa lang ay nakabihis na kami dahil unang araw ng pasukan. We're never late sa kahit anong bagay. Parang bahagi na rin ito nong nagsasanay pa kami sa pakikipaglaban kaya nakasanayan na naming gumising ng maaga.

Si Alusia ang nagsara sa pintuan dahil ito ang laging nahuhuling kumilos sa amin. Naglakad lang kami dahil malapit lang naman ang eskwela namin sa aming apartment. We're thankful dahil hindi kailangang mag-uniform ang mga estudyante sa school na papasukan namin ngayon. I hated wearing skirt dahil naglilitawan ang mga lalaking pervert gaya sa dating school namin.

Ng makarating kami sa eskwela ay pinagtitinginan kaming tatlo. Siguro dahil sa magkakamukha kami. Mangilan ngilan lang kasi talaga ang identical idagdag pang tatlo kami.

We are tall, slender, at nakaka-intimidate talaga kaming tumingin lalo't kulay abo ang aming mga mata.

Ipinagsawalang bahala na lang namin ang ibang mga estudyanteng nagbubulungan ng tungkol sa amin at umaktong hindi namin naririnig ang mga ito. Dahil isa kaming mga lobo, matalas ang paningin lalo na ang pandinig namin. Normal lang din na pag-usapan kung may mga bagong estudyante at ito ang reaksyon ng karamihan ngayon.

Ng makarating kami sa aming homeroom ay naupo lang kami sa harapan. Alam kong sa unang araw ay introduksyon talaga ang unang mangyayari bago magsimula ng lesson.

Nagsimulang pumasok ang ilang mga kaklase namin hanggang sa mapuno lahat ng bakanteng upuan kanina. Makalat ang mga ito, magulo, at maingay. Nakakabingi lalo't malakas ang pandinig namin. Masyadong masakit sa tenga.

Mga chismosa't chismoso! Napairap ako. Humans!

Habang kaming tatlo ay tahimik lang na nakaupo, naghihintay ng Professor. Ilang saglit lang ay dumating ang isang babaeng may katandaan kaya natahimik ang lahat.

The woman cross her arms at iginala nito ang paningin sa amin. Mas lalo pang nakadagdag sa istriktong mukha nito ang suot na salamin. Who is she?

And as if on cue.

"Good morning students! I am the Dean of the school." She spoke with authority.

"Good morning Dean."

"I came here to tell you that your new Professor in this subject hasn't arrive yet. The Professor last time unexpectedly resigned so tomorrow you'll have your new Professor but for today just stay here in your room and behave."

Iyon lang at umalis na ito. As soon as the Dean left. Nag-ingay na naman ang mga kaklase namin. We have no choice but to leave our room dahil nakakasakal sa loob. Mamayang ten o'clock hanggang eleven o'clock pa lang ang susunod na klase namin.

Dumiretso kami sa may field at naupo sa may lilim ng puno. Sumandal kami rito at pinanood lang ang maaliwalas na kalangitan. I'm wondering kung ano pang mangyayari sa buhay naming magkakapatid ngayon.

It's just the three of us.

Hindi namin kailangan ng mga kaibigan dahil kakaiba kami at ayaw naming may makaalam sa sikreto namin. Kapag nangyari iyon siguradong kakalat ang balita at hahanapin kami ng mga taong p*matay sa pamilya namin. Sa mga kauri namin at mapipilitan akong makipagp*tayan kung sakali. Those cruel people took the lives of my parents. Hindi ako papayag na kunin din ng mga ito ang kapatid kong si Alusia at Accalia.

"Sa tingin niyo masaya na si Mama at Papa sa kinaroroonan nila?" Alusia asked to no particular person pero alam kong kaming dalawa ni Accalia ang kinakausap nito.

Tinignan ko ito at nakapikit ang mga mata nitong dinadama ang haplos ng sariwang hangin sa namumulang balat nito ganun din si Accalia. Gustong gusto namin sa sariwang hangin sa kadahilanang lagi kaming nakakaramdam ng init. Laging maalinsangan. Bilang lobo ay normal ang pagiging hot-blooded namin.

Sumandal ulit ako sa puno at ipinikit din ang aking mga mata. I felt desolate at the moment knowing our parents were totally gone. Hindi na namin makikita pa ang mga ito unless kami mismo ang susunod kung nasaan man ang mga ito ngayon.

"I think so." Accalia spoke softly. "Masaya na siguro sila kasama ang moon Goddess."

We're silent for a moment at si Alusia ulit ang bumasag non.

"I miss them." Paanas na wika nito pero dinig na dinig pa rin namin ito ni Accalia.

"Me too." Accalia agreed.

Napabuntong hininga na lang ako.

Kahit hindi ko na sabihin. Alam na ng dalawang miss ko din ang mga magulang namin. You spent time with them for so long at isang araw. Bigla na lang babawiin ang mga ito sa amin. Syempre masakit at sobrang pangungulila pero wala naman kaming magawa. Kailangan ituloy ang buhay.

Pero alam ko rin na may plano ang moon Goddess sa amin kaya siguro nangyari ang bagay na ito. If I want to avenge the death of my parents. I can do that easily pero alam kong hindi iyon magugustohan ng mga magulang namin.

Napakabuti nila noong nabubuhay pa sila kaya napalaki kami ng mga ito ng tama at may disiplina. But Alusia, Accalia, and I can really be so mean if we want to. It's just that we don't want to, for now. Tapos na iyon at nangako kaming hindi na namin babalikan ang nakaraan. Mahirap pero tanggap na namin.

Agad kaming napamulat ng biglang napatayo si Accalia mula sa pagkakaupo. Napakunot noo kami ni Alusia sa inasta nito.

Accalia sniff kaya pati kami ni Alusia ay nakiamoy rin but there's none. Anong inaamoy nito? Pinanood kong kuminang ang mga mata ni Accalia bago nito iyon ipikit at napahinga ng malalim.

"Mate." Anas nito. "My mate is here."

Iyon lang at bigla na lang itong umalis ng walang paalam. Pinanood namin ito ni Alusia na maglakad palayo habang patuloy ito sa pag-amoy. Sigurado akong sinundan nito kung nasaan ang nakalalangong amoy ng mate nito.

Nagkatinginan kami ni Alusia bago ito tumawa. May naglalarong kapilyahan sa itsura nito.

"Isn't it amazing?" Natatawa pa rin nitong tanong sa akin.

Napatango ako rito "It is. Masaya ako dahil natagpuan na niya ang mate niya."

Natawa ito ng mas malala. "Hanggang ngayon manhid ka pa rin Autumn. Masyado ka kasing seryoso." Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi nito.

"Nagda-drugs ka ba?" Wala sa loob na tanong ko rito dahilan para manlaki ang mga mata nito.

"Ano?! Hindi a! No way!"

"E anong nakakatawa?"

Ngumiti ito sa akin. Baliw talaga. "Matutupad na ang pangarap ni Accalia."

Kahit naman ako kapag nahanap ko na ang mate ko. Magiging masaya din ako. Hindi ko pa alam kung magugustuhan ako nito pero isa lang ang sigurado ako. Nakahanda akong nakawin ang puso nito.

"Alam ko, nahanap na niya ang mate niya."

Napatampal ito sa noo. What's wrong with Alusia?

"You're so hopeless Autumn! Hindi iyon ang ibig kong sabihin!"

Tinignan ko ito ng alanganin. Hindi iyon?

"E ano?!" Inis kong tanong rito.

Itinaas nito ang dalawang kamay sa ere at todo ngiti pa ito.

"S*x!" Malakas nitong sigaw at mabilis akong nagpalinga linga baka may nakarinig dito pero salamat at wala.

Malakas kong sinapok ang likuran ng ulo nito.


"Aray ko! P*tang ina!"

She's Fierce . She's a WOLF 1 (Completed)Where stories live. Discover now