KATORSE✞

592K 18.6K 35.4K
                                    

XIV

The Cowboy Hat

Killer's P.O.V.

Ugh!

Nakakatuwa! Ang saya!

Ugh!

Pinagmamasdan ko sya habang pinupukol ko ang kanyang mga paa.

Ugh! Ugh! Ang sarap sa pandinig ng ungol nya. Patatagalin ko pa ba? Kaso gusto ko pa. Gusto ko pa! Pero hindi ko na kaya. Baka hindi ko mapigilan at...

Mapatay ko sya...

Heto sya ngayon, nakadapa. 

Gumagapang, nagmamakaawa. Hindi ko naman maririnig ang mga sasabihin nya. Paano'y nababalutan ng packing tape ang buong mukha nya. Makahinga pa kaya sya? Tanging ungol lang nya ang naririnig ko. Ang saya!

Ugh!

Hayan na naman sya at umuungol. Parang musika, para syang ulol! Haha! Hindi naman sya makatayo kasi...durog na ang mga tuhod nya. 

Uhmmm... Sa sakong ko naman sya pupukpukin. Heto na! Lalapit pa ako sa kawawang batang ito. Pagkatapos ay iniangat ko ang aking kaliwang kamay, hawak ang martilyo. Hahampasin ko sya! Pupukulin ko sya! Mamartilyuhin kong muli ang kanyang mga paa! Heto na...

Isa.

Dalawa.

Ugh!

Napalakas yata. Namilipit sya. Hahaha! Magandang tanawin!

Narinig ko ang paghagulgol nya. Haha! Ang sarap sa tainga.

Ugh! Ugh! Nanggigil ako kaya pinukpok ko pa sya. Ugh! Ugh! Halos madurog ang mga paa nya! Sige ungol pa, sige iyak pa...

Janice, hiyaw pa! Sige pa!

Mahal ko sya. Pero mas mahal ko si Ara. Pero mahal ko rin sya, kaya lang...mas mahal ko si Ara. Pero di na bale, basta ako, masaya. Masaya akong nakikita syang nagdurusa. Noon ko pa sya gustong patayin kaya lang, inuna ko si Ara. Wala tuloy akong choice kundi ang isunod sya. 

Saka ko na papatayin yung dalawa, baka bukas o sa makalawa. Uunahin ko na lang muna sya. Problema ko pa nga yung mga lalaki. Pero papatayin ko rin sila. 

Papatayin ko sila katulad ng pagpatay ni Ara at pagpatay ko kay Ara!

Then pinagmasdan ko si Janice, gumagapang pa rin siya. Pilit pa ring tumatakas sa akin. Nanghihina na sya at alam kong hindi sya makahinga. Maya-maya lang, mamamatay na rin sya. Iyong mga paa nya, durog na. Dahil dito, pumunta ako sa kanyang uluhan. Itong ulo nya, ito naman. Ito naman ang aking...pag-iinitan.

Itinaas kong muli ang aking kaliwang kamay kung saan hawak ko ang martilyo. Dudurugin ko ang kanyang...

Ulo.

Goodbye Janice, pakisabi na lang kay Ara at Ara, 'mahal ko sila.'

Isa. Bumwelo ako.

Dalawa. Mas malakas ito.

Tatlo!

Ugh! Ugh! Ugh! Ugh! Ugh!



Isko's P.O.V.

Naabutan kong tulog si Roger sa bahay nila kaya agad ko syang ginising. Paano'y binabangungot na naman yata. Halos patiran sya nang paghinga nang makabangon sya, hinihingal. Inabutan ko sya ng isang basong tubig. "Okay ka lang?"

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon