BENTE-SINCO ✞

505K 17.7K 30.5K
                                    

BENTE-SINCO

ANG ISANG TAONG NAMATAY na... ay bihira na lamang makakaalala... Ang namatay sa panahong hindi niya pa oras at may naiwan pang mithiin sa lupa ay pamamahayan ng kalikasan.

[PGAN101]

Ang isang demonyo na ko-kontrol sa masamang enerhiya ng taong yumao ay ang diablong maghahari. Hindi siya mawawala dahil ang demonyo ang malabong susuko. Hindi siya susuko sa Diyos at lalaban ang kanilang lipi at gagawa ng kadayaan sa mundo gamit ang isip ng mga taong mahal ng Diyos at aagawin sila dito.

May gusto itong makuha mula sa'yo... Pero hindi niya ito makukuha ng 'wala' mong pahintulot. Gagawa siya ng daan para ikaw mismo ang sumuko sa kanila. Ang isang matibay na tao ay hindi susuko... pero madaya ang demonyo...

Your soul kapalit ng bagay na ibibigay niya sa'yo...

Hindi naman sila lumapit sa'yo para ibigay ang totoong gusto mo. They are very tricky and they have absolutely no sympathy for humans. Demons, devil, fallen angels, unclean souls... they feed off of negative energy.

What demons want from us is our total destruction. NO MORE NO LESS.

— INSANUS

ILYARA- Ang ilang parte ng 'ILY ARA' mula sa dalawang huling kabanata ay likhang-isip na lamang ng may akda (ilang haka-haka at kwento ng mga matatanda)

[ START ]

ROGER's POV

Si Ara nasa harapan ko. Si Ara kakambal ni Nana.

Nakatingin siya sa mga mata ko. Hindi ako kukurap dahil baka mawala siya sa paningin ko.

Sa kasamaang palad ay namatay ang lighter na hawak-hawak ko.

CLICK! CLICK!

Sumindi.

Shit! Si Ara –

Nawala na!

Nasaan na siya?!

Gising! Gising! Tinapik-tapik ko ang mukha ko. Sana panaginip lang ito. Ngayon lang kasi ako nakakita ng pinilipit na katawan sa tanang ng buhay ko. Para kasing hindi ito totoo. Sa palabas ko lang kasi napapanood ang ganito.

Inilawan ko ang paligid. Nangangatog ako. Halos mabitawan ko na nga itong lighter na hawak ko. Biglang may narinig akong umungol. Ano yun? Iyon na naman iyong ungol na narinig namin ni Rico.

Inilawan ko iyon. Doon! Banda ron!

Naluluha ako sa takot. Paano kung si Ara pala yun?

Tapos –

Hayun na naman iyong umuungol.

Inilawan ko.

Shit!

May –

Babae ron.

Nakahiga ito! Namamaluktot, nanginginig ay umuungol!

"S-sino yan?" Bulong ko.

Tapos –

Namatay na naman itong lighter ko! Damn! Ayaw ng sumindi!

Sinindihan ko ulit! Ayaw na talaga!

Napahinto ako.

Paano –

Sa likod ko –

May humihinga!

Puta may naririnig ako!

I Love You, ARA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon