Chapter 13

3.1K 105 0
                                    


Avril chlea's pov

Umabot ng dalawang araw ang mga pasa at benda ko sa katawan dahil sa kagagawan ng mga hudlom kong amo. Hindi ko nga sila pinapansin eh dahil naiinis pa rin ako sa ginawa nila. Aba! Ang sakit kaya ng ginawa nila, parang hihiwalay na yong balat ko sa mga buto ko. Mukha pa along binugbog sa itsura ko.

Ngayon ay nandito ako sa garden kasama si Lucy. Lagi na kaming magkasama at mabait nanan talaga sya, ang ayaw ko Lang sa kanya ay ang pagpapantasya nya kina Drake eh Wala namang dapat kahangaan sa mga yon eh. Mukha Lang yong anghel pero gawa sa demonyo ang mga yon noh.

Tulad nalang ngayon, masaya kaming kumakain ni Lucy nang dumating bigla si rhen.

"Hoy eya!" Tawag pa ni rhen sakin. Umirap ako sa hangin bago lumingon sa kanya. Nakita ko pa pano natigilan at nanginig si Lucy. Takot talaga sya sa mag-pinsang to.

"Kailangan mo?" Parang Wala Lang na tanong ko. Bahala sya sa buhay nya.

"Mamaya may pupuntahan ako, samahan mo ko!" Napataas ang kilay ko sa sinabi ni rhen. Aba! Sa pagkaka-alam ko pag ganitong parte ay nagmamakaawa ang gustong magpasama pero sa kaso night rhen, parang sya pa and galit pag hindi ko sya sinamahan.

"Nakakahiya naman sayo, kontrolado mo talaga eh noh? Ewan ko sayo rhen, maghanap ka ng kausap mo." Sa sinabi ko ay napasimangot naman sya kaya mas lalo kong pinakita any mataray kong mukha. "Ano namang mukha yan? Sa tingin mo talaga ay makukuha mo ko sa pagganyan-ganyan mo? Bahala ka sa buhay mo. Alis!"

Sinamaan naman nya ako ng tingin sa sinabi ko. "Pinapa-alis mo ko?"

Mas lalong tumaas ang kilay ko. "Bakit? Mali ba pandinig mo?"

Inungosan nya ako. "Hoy eya! Ipapa-alala ko lang sayo na ako ang may-ari ng eskwelahang kinatatayuan mo---"

Bago pa sya makapagsalita ay nagsalita na ako. "Pinapa-alala ko lang din sayo, si Lolo George and may-ari ng eskwelahang to! Apo ka lang nya."

Mas lalong nagdilim ang mukha nya. "Sasama ka sakin sa ayaw at sa gusto mo! Bahala ka sa buhay mo!" Pagkatapos nyang sabihin you ay umalis na sya.

Napailing-iling nalang ako at humarap kay Lucy na nakangiti na sakin ngayon. "Bakit?" Tanong ko.

Tumayo sya at nabigla ako nang bigla nya akong niyakap. "Ang galing mo talaga eya! Hindi ka man lang natakot sa mga amo mo. Instead, nagagawa mo pang sagutin sila. Ang galing! Hahaha."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Lucy. Para namang ang laki ng ginawa ko eh Wala naman. Tinoturuan ko lang ng leksyon ang isang yon na hindi lahat ng gusto nya at makukuha nya.

"Sus, kung matatakot ako sa kanila ay wala naman ding mangyayari. Bitaw na, tapusin na natin ang pagkain natin. Malapit na ang klase." Tumango naman si Lucy at bumalik sa pagkakaupo sa harap ko.

Napailing-iling nalang ako.

.................

Uwian na at nagpaalam si Lucy sakin na mauuna na daw sya dahil may tumawag ang mommy nya at pinapauwi sya ng maaga. Ang planong kakain kami ng street foods ay hindi natuloy. Sa susunod na araw nalang daw.

Nagliligpit ako ng gamit nang maramdaman kong may pumasok sa loob ng room. Hindi ko nalang tinignan dahil baka kaklase ko lang at naisipang magtambay dito sa loob ng room.

Nang makuha ang huling libro na dadalhin ko ay humarap na ako sa pinto at nagulat nalang nang makita don si rhen na may ngisi sa labi. Agad namang nawala ang ngiti ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Kaagad kong tanong.

Tinignan naman nya ako na parang nagtataka. "Nakalimutan mo agad? Eya naman eh!" Parang batang sigaw nya pa dahilan para mapataas ang kilay ko.

Magic Princess Living With The Five BadboysWhere stories live. Discover now