Chapter 37

2.9K 89 4
                                    


Avril chlea's pov

Tahimik lang kami sa biyahe. Nasa unahan ako at pinaggi-gitnaan nila Brandon at cloud. Si Louie naman ang nagmamaneho. Habang yong mga prinsepe naman ay nasa likod na bahagi ng sasakyan.

Hindi sila nagsasalita at nakikiramdam sa paligid. Bakas din ang pagkamangha kanilang mukha. Wala naman kasing sasakyan sa mundo namin. May kakayahan kasi kaming lumipad. Ako kaya? Kailan ako makakalipad?

"Ano bang nangyari eya? Sinong kumuha sayo?" Basag ni Louie sa usapan. Napatigil din naman ang iba. "Hindi naman namin nakita ang master mind sa pagkaka-kidnap sayo."

Napatingin ako sa iba. Nasa akin na ang atensyon nila lahat.

Binuka ko ang bibig ko at nagsimula ng magkwento.

*FLASHBACK*

Bumaba na ako matapos kong mabigyan ng hiking tingin ang kwarto ko. Magpapaalam pa ako kina manang Lisa.

Nang makababa ay nakita kong naka-abang na si Lolo George at manang Lisa sa pintuan. Pati na rin ang ibang katulong na naging malapit na rin sakin ay naka-abang. Nginitian ko naman sila na sinuklian naman nila ng ngiti din.

Nang makaharap ko sila Lolo George ay niyakap ko sila. "Mami-miss ko po kayo." Nakangiting sabi ko.

Sumimangot naman si Lolo. "Bakit ka ba aalis eya? May nangyari ba? Kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong pa nya.

Ngumiti naman ako. "Kailangan ko po talagang umalis Lolo eh." Sagot ko sa kanya.

Napahinga naman sya ng malalim. "Hindi na ba magbabago ang isip mo eya?" Tanong na naman nya.

Umiling naman ako. Kung pwede nga lang eh. Extend-extend din sana.

"Eya kung saan ka man pupunta ay mag-iingat ka. Alam kong matalino ko kaya kakayanin mo ang sarili mo." Nakangiting singit naman ni manang.

Napa-iyak tuloy ako. "Manang naman eh. Naiyak tuloy ako." Humihikbing Sabi ko. Natawa naman sila Lolo George. Ay bad!

"O sya humayo ka na bago pa tayo mag-iyakan dito." Sabi ni manang at giniya ako sa pinto.

"Eya take care!" Sigaw ni Lolo George at sinagot ko naman ng isang tango.

Nasa may pinto na ako nang hinarap ko si manang. "Manang kayo na pong bahala sa mga alaga ko ah? Mabait na naman ang mga yon. Hindi na sasakit ang ulo nyo sa kanila." Natatawang sabi ko.

Natawa naman si manang. "Ikaw talaga bata ka."

Kumaway ako sa kanila at tumalikod.

Palabas na ako ng gate nang may humintong van sa tapat ng bahay at bumaba ang mga kalalakihan don.

"Manang isara mo ang pinto!" Sigaw ko kina manang.

Nagdadalawang isip pa sya at nag-aalalang nakatingin sakin pero sinunod din naman ako.

Hinarap ko yong mga kalalakihan. "Anong kailangan nyo? Sino kayo?" Tanong ko sa kanila.

Ngumisi lang sila at lumapit sakin. Binaba ko muna ang mga gamit ko at nilabanan ang mga kalalakihan.

Sinuntok ko yong Isa na malapit na sakin. Napaubo naman sya ng dugo.

Sinipa ko naman ang lalaking magtatangkang kunin ang kamay ko.

May papalapit pa na dalawa. Sinugod ko sila at pinagsisipa. Nakailag naman yong Isa at Hindi ko nakita ang dala nya. May itinurok sya sa leeg ko at dahan-dahan akong nakaramdam ng pagkahilo.

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon