CHAPTER 1

46 0 0
                                    

Chapter 1

Isayleenie's P.O.V

Kasalukuyan akong nagsusurf sa aking facebook account. Kakapost ko lang 'nung bago kong selfie..

Ang dami kaagad ang nag comments at nag like.. Sanay naman ako. Kesyo;

"Ang ganda mo idol!"

"Ikaw na talaga!"

"Parang dyosa.."

"Hart hart ♥"

At iba iba pang mga possitive comments, syempre hindi rin mawawala yung mga negative comments. But still, I don't mind them.

Chineck ko pa yung mga iba pang tabs. Like twitter, wattpad, instagram, tumblr and youtube account. Nagfollowback ako sa mga iba kong followers..

Mas active ako sa aking facebook account. Di ko alam kung bakit, siguro dahil ewan. Hahaha!

Ako nga pala si Isayleenie Marquez. Binansagang "Social Queen Bee" dahil daw sa pagka active ko sa iba't ibang networking insites lalo nasa Facebook..

4th year highschool. Graduating. Studying at Louferral State University. Yung mga college and highschool students seperate buildings, syempre! Malaki 'tong school kasi nga University, diba?!

***

/Louferral State University

Nandito ako ngayon sa cafeteria. Break time namin ngayon. As usual, loner ako. Di ko pa ba nasabi sa inyo? Sikat ako sa social net, pero hindi sa personal. Laking pasasalamat ko nga kasi naimbento ang social net, 'yun nalang kasi ang itinuturing kong social life.

"Shemay! Sino naman yung nangahas para inisin si Prince!"

"Ang freak naman nung nerd na yun!"

"Gosh! Tignan nyo si Prince! Kahit na he's very naiinis ang hot parin!"

"Kyaaah!"

Rinig kong pagtititili nung mga babae banda dun sa may cashier.. Sa totoo lang, wala naman akong mapapala kung makiki tsismis ako sa kanila saka wala akong pake noh! Kaya nagpasya na akong umalis doon. Pero... Nakita ko yung lalaki na hawak nya yung tie nung nerd.. Wait? Si Peter yun ah?

Walang anu ano nasampal ko yung lalaking nakahawak ng mahigpit kay Peter.

*PAAAAK*

Isang malutong na sampal ang nabitawan ko dun sa lalaki. Di ko kasi napigilan, lalo na't si utol ang naag grabyado.

Ang daming nagtitinginan sa direksyon ko ngayon. Maraming nabigla.. Maraming nagulat.. Pero wala akong pake!

"HOY IMPAKTO! SINO KA PARA SAKTAN ANG UTOL KO? SINO KA BA SA TINGIN MO?!!" pasigaw kong sabi. Tiningnan nya lang ako.. Gulat pero naging cold expression.

"Isay...." yun lang ang nabanggit ni Peter. Saka dumukmo sa kanyang tuhod. Wari'y nahihiya sa nangyari..

"What the heck?! Impakto? Sino ka para sigawan ako? Sino ka din para makialam?" sabi nung impakto. Aba!

"Ako lang naman si Isayleenie Marquez! Pasensya kana, pero naitapon ko yata ang pake ko sa ibang planeta kaya wala akong pake kung sisigawan ba kita!" pasigaw na medyo mahinahon kong sabi.

"Woah? Oo nga pala, di mo pala ako kilala.. Ako lang naman si Ja--" pinutol ko na kung ano man ang sasabihin nya..

"Tinatanong ko ba pangalan mo?.." pambabara ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Social Queen BeeWhere stories live. Discover now