019

414 22 3
                                    

019

Tweet

Nakahiga lamang ako sa sofa namin dito sa sala habang hawak-hawak ang aming remote at palit-lipat ng channel para panuorin. Pero ilang minuto na akong palipat-lipat rito ay ni isa ay wala pa akong nagugustuhang panuorin.

Habang palipat-lipat ako ng channel ay may nadaanan akong channel na may pinakitang ice cream kaya naman naalala ko bigla 'yung ice cream.

Nakakainis naman kasi si Hyunsuk Oppa at bakit inubos 'yung stock namin ng ice cream dito sa bahay? Nagke-crave pa naman ako sa ice cream ngayon-actually, lagi naman.

Gusto ko kumain kaso ubos na 'yung stock dito. Tinatamad naman akong lumabas at pumuntang 7/11 para bumili ng ice cream kaya heto ako ngayon. Nakahiga lamang sa sofa at palipat-lipat lang ng channel.

Ba't kasi sinabi kung 6 ng gabi pumunta si Hiyori dito sa bahay? Ba't kasi hindi ko na lang siya pinapunta kaagad dito? Or si Bub man lang. Sana pinapunta ko na lang rin siya dito. Para naman may magawa ako dahil sobrang bored na bored na ako dito.

Napatigil ako sa paglilipat ng channel nang marinig ko na tumunog 'yung doorbell namin. Napakunot naman ako ng noo. Sino naman kaya 'yun? Hindi kaya si Hyunsuk Oppa na 'yun?

Mabilis kung sinuot ang aking slippers at kaagad na lumabas ng bahay. Wala na akong pakielam sa suot ko at sa itsura ko since nasa bahay lang rin naman ako.

Nang makarating na ako sa gate ay kaagad ko itong binuksan. Halos mapasigaw ako dahil sa taong tumambad sa akin.

What the hell is he doing here?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

What the hell is he doing here?

"What are you doing here?" I asked him.

Hindi ko in-expect na pupunta siya dito. Hindi ko rin naman siya pinapapunta kaya hindi ko alam kung bakit nandidito siya. Inangat niya ang isa niyang kamay at tumambad sa akin ang isang plastik na may lamang ice cream. Naramdaman ko naman kaagad ang sarili ko na nag-crave sa ice cream.

"I saw your tweet, so here. Bumili ako ng ice cream for you." He said.


When we were youngWhere stories live. Discover now