022

408 22 4
                                    

022

Damit

Sinamaan ko ng tingin si Jeongwoo na ngayon ay pinipigilan ang sarili niya sa pagtawa. Inilapag ko ang mangkok sa lamesa at inirapan siya.

"Pang-6th cups mo na 'yan," natatawa niyang sabi sa akin. Inirapan ko lamang siya at kumuha ng tissue at pinunasan ang aking labi.

"Ano naman? May problema ka?" Mataray kung sabi sa kanya kaya lalo naman siyang napatawa dahil sa naging reaksyon ko. Inirapan ko lamang siya at ipinagkrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib.

Nakakainis itong si Jeongwoo! Binigyan niya ako ng ice cream tapos ngayon naman natatawa siya dahil nakailang cups ako. Hindi niya ako masisisi. Nagke-crave ako sa ice cream at kapag nagke-crave ako ay halos kaya ko ng ubusin lahat ng ice cream na makita ko.

Tinignan ko si Jeongwoo na hanggang ngayon ay natatawa pa rin. Hindi naman gano'n kalakas ang tawa niya pero naiirita pa rin ako sa kanya.

Pero sa kabila non, nagpapasalamat ako dahil narinig ko ulit 'yung tawa niya. I admit, I miss his laughs, I miss his smiles, I miss him.

Ilang taon rin akong nawala dito sa Korea. Simula nang pumunta ako sa Australia ay hindi ko na siya nakausap. Ni hindi nga kami dati mag-friend sa facebook dahil nagbago ako ng facebook account. Pero masaya ako dahil ngayon nakakasama ko na ulit siya.

Matapos naming kumain sa kusina ay iniligpit na namin ang mga pinagkainan at inilagay iyon sa lababo. Handa ko na sana iyong hugasan ng biglang pinigilan ako ni Jeongwoo.

Kaagad namang kumunot ang noo ko. Bubwisitin niya na naman ba ako?

"What?" Nakakunot na noong tanong ko sa kanya.

"Chillax, ang sungit mo." Aniya at saka hinawakan ang noo ko at dahan-dahan niya iplinantsa. Inalis ko naman ang kamay niya doon. Ano bang gusto nito?

"Ba't ba?" Tanong ko.

"Sungit mo. Mero'n ka ba ngayon?" Tanong niya kaagad ko naman siyang hinampas sa braso. Ano bang klaseng tanong 'yun?

"Relax lang kasi, Si." Aniya at bahagyang tumawa. Inirapan ko lamang siya.

"Bakit ba kasi?" Tanong ko ulit.

"Ako na maghuhugas niyan. Umakyat ka na lang sa kwarto mo tapos magpalit ka ng damit." Aniya at bahagya akong iniusog paalis sa lababo. Hindi na ako nakapalag dahil siya na 'yung nasa harapan ng lababo at tinignan niya lang ako ng parang nagtatakha.

"Oh?" He asked.

"Naka-pajama na ako, ano pa ba gusto mong suotin ko?" Naiirita kung tanong sa kanya.

Ano bang problema ng lalaking 'to sa mga damit ko at pinagpapalit niya pa ako ng damit? Nakasuot na ako ng pajama ano pa ba 'yung gusto niyang suotin ko? Gusto niya bang maglong-sleeve pa ako? Gusto niya ba 'yung balot na balot ako?

Tumawa naman si Jeongwoo. "Silly. Sabi ko magpalit ka ng damit kasi aalis tayo."



When we were youngWhere stories live. Discover now