PROLOGUE

2.1K 79 4
                                    

Prologue

Hearing that my beloved parents was on their way, I hurried down from here to my room. I'm sure na kasama na nila ang pinakahihintay kong kapatid. Sobrang lakas nang kalabog ng aking dibdib habang hinihintay silang makababa ng sasakyan.

Noon ko pa man sinasabi na sa aking mga magulang na gustong-gusto ko nang magkaroon ng kapatid. Naiinggit kasi ako sa mga classmates ko na may mga nafe-flex sa kani-kanilang mga social media accounts.

"Señorita Rafa! Magdahan-dahan ka naman, jusmiyo marimar, aatakihin ako sa puso sa 'yong bata ka!" hawak ang dibdib na sabi ni Nanny Layne.

"I'm not bata na po, Nanny." I tsked as I fixed my light ash brown, wavy, long hair. "My gosh! I'm almost eight na kaya." Sabi ko na ako lang ang nakakarinig.

"You're not bata na nga at talaga namang..."

Sinalpakan ko na lang ng earphones ang aking tainga, high volume para wala akong marinig. I'm super excited na talaga na makita ang little sister ko!

Nang makaramdam ng boredom ay ilang sandali pa akong naupo rito sa may hagdan sa labas bago nakipaghabulan sa mga naggagandahang butterflies sa harden, malapit sa gate. I cannot help but watch those colourful butterflies.

"Ang cute mo! I want you to be my pet; would you let me?" Pagkakausap ko sa isang paru-parong dumapo sa bulaklak na rosas.

Akmang hahawakan ko ito nang tawagin ako ng isang maid, dumating na raw kasi ang mga magulang ko at ang kapatid ko. Nagmamadali akong sumunod sa kaniya.

Mabilis akong lumapit sa baby girl na karga ni Mommy. Nagpapawis ang kamay kong humawak sa pisngi nito. She's sleeping peacefully with a little cute snoring.

"Mom! Dad! She's like a squishy cutie!" I softly pinched her cheeks because I felt like I wanted to. "I wonder... ganito rin po ba ako noong baby ako?" I'm sure na mas cute ako sa isang 'to.

Pumantay sa akin ng tingin si Daddy. "You're cute, Rafaella, but your little adorable sister here is much more."

Hindi na ako nakapag-react dahil sa dinagdagan ito ni Mommy. "You're an ate na, dapat tulungan mo akong alagaan ang kapatid mo, a? Dapat marunong kang maging big sister sa kapatid mo-"

"But I'm still a child too!" Hindi ko maintindihan kung bakit pinagagawa nila iyon sa akin kung gayong alam ko naman na.

"Even so, hindi ka na namin maasikaso dahil sa magiging busy kami rito sa bunso natin. Be responsible, Rafa." Mommy said.

My little baby sister giggles.

Hindi ko alam pero unti-unti akong nakaramdam ng lungkot. Kinain ako ng takot at awa para sa sarili. Parang bigla akong nawalan ng gana.

"Pero..." bata rin naman po ako. "Okay." Pilit kong pinasigla ang matamlay kong boses.

"Don't cut your mother's words when she's talking, Rafa." Istriktong paalala na Daddy na ngayon ay kinakausap ang mga kasambahay. Muli siyang humarap sa akin. "You're being rude to your mother."

"I'm sorry po..." nakangusong pagpapakumbaba ko.

∆∆∆

The Villain You Never Wish To Mess With Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon