Chapter 1

1.1K 58 3
                                    

Chapter 1

Rafaella's POINT OF VIEW

Walang buhay ang mga mata kong nakatingin sa may hardin kung saan naroon ang aking pamilya na masayang ipinagdiriwang ang 18th birthday ng kapatid ko.

Maraming bisita sa labas, mga mayayaman at mga may kayang kilala rito sa Manila. Halos lahat ay may kaniya-kaniyang dalang mga mamahaling regalo. Napabuntong hininga na lang ako na bumulong sa sarili. "How I wish na ganiyan din sila pagdating sa akin."

Nalingunan ko ang pintuan nitong aking silid nang marinig ang pamilyar na boses. Kaagad na sumalubong ako sa kay Nanny na may dalang isang tray ng pagkain. Kahit kailan talaga itong si Nanny, o.

"Señorita Rafa, dinalhan na kita ng pagkain at alam ko namang hindi ka na naman kakain— hindi ka talaga kakain." Inaayos niya ang paglalagay nito sa mini table ko. Nang matapos ay nakapamay-awang siyang humarap sa akin. "Tsaka nga pala..." pinaningkitan niya ako ng mga mata. "May binatilyong naghahanap sa 'yo sa labas, jusmiyo marimar, ang laki ng manikang dala! Mas malaki pa yata iyon sa akin! 'Yong mga bulaklak din ang dami— ay parang magpapagawa ng flower shop dito! Diyos ko!" Walang prenong ani Nanny.

Hindi ko mapigilan ang mapangiti. "Kaibigan ko nga lang po iyon—"

Nanny tilted her head to side as if may tinatago akong alam niya. "Naku! Huwag ako. Itong batang ito, sa akin pa magtatago... alam ko na 'yang mga ganiyan. Hindi magbibigay ng mga ganiyan ang lalaki kahit pa kaibigan lang! Alam na alam ko na iyan. Papunta ka pa lang, pabalik na ako."

Naiiling at pigil ngiti na lang akong lumapit sa mini table. Sobrang dami naman nito! Balat ng lechon, fried chicken, 2 cups of rice and water, may mga dessert pa!

"Dinamihan ko na para kung sakaling magutom ka ay hindi ka na bababa pa at mapilitang makihalubilo roon." Nabasa yata ni Nanny ang tanong sa mukha ko.

Parang tinutusok ang puso kong tumango sa kaniya. "Thank you, Nanny." I keep my voice calm.

Isang malungkot na ngiti ang ipinakita niya sa akin bago tuluyang umalis. Naiwan akong mag-isa rito sa aking silid. Imbis na mag-isip pa ng kung ano-ano ay nilantakan ko na lang ang pagkaing nasa harapan ko.

Pero kahit anong gawin ko ay napapaisip pa rin ako. Lampas isang dekada na rin pala simula noong hindi ko na maramdaman ang pagmamahal ng mga magulang. Napagtanto ko rin na may favouritism na nagaganap between me and my little sister. Tinanggap ko pero ang sakit.

Puro na lang ang kapatid ko. Normal lang naman na makaramdam ng selos ngunit ang hindi ko matanggap ay sa kapatid ko pa. Kung nagtatanim siguro ako ng sama ng loob ay sobrang sagana na nito, pero hindi e.

One day, they'll see me growth without them guiding me.

Halos mabilaukan pa ako nang maalalang nasa labas pala si Kael. A college friend of mine. Na minsan ay mukhang manliligaw, minsan naman ay kaibigan. Ewan ko ba sa lalaking iyon kung paano natatagalan ang ugaling kong ito.

Habang pababa ay naririnig ko na ang malakas na tunog ng musika sa labas. Namataan ko rin ang kapatid nitong si Bella na kaibigan naman ng kapatid ko. Nandito rin pala ang pamilya niya.

"Ate Rafa, rito ka!" Rinig kong sigaw ng kapatid sa kung saan.

Luminga-linga pa ako at sa hindi inaasahan ay natabig ko ang isang babaeng guess na ngayon ay basa na ng wine ang suot. Naghaharumentado siyang tumingin sa akin. Para bang inaakusahan akong kasalanan ko ito.

The Villain You Never Wish To Mess With Where stories live. Discover now