Chapter {9} Smart Cat

5.8K 144 6
                                    



Kinuha ko yung note na nasa leeg ni Dezuo.

'You can have him if you want to'

Yun ang nasa note. Hmmm...okay gets. Ano namang klaseng amo ang ibibigay nalang ng basta basta ang alaga niya sakin?

If you want to..

Hmm pwede naman kaso, hindi ako pet lover. Wala akong alam sa pag aalaga sa mga hayop. Baka tiger kaya ko pang alagaan.

Nag sulat din ako ng note at sinabit yun sa leeg niya.

'No thanks, i don't know how to take care of him'

After nun pinalabas ko na si Dezuo. Sinalpak ko naman yung sarili ko sa kama at hinayaang lamunin ng antok.

Bago pa ako mapapikit ay dumating na si Dezuo sa tabi ko. Ang bilis naman ng messenger na to!

Kinuha ko yung note sa leeg niya.

'He can take care of you'

After kong basahin yun hindi ko na nalabanan ang mata ko..humiga din malapit sa batok ko si Dezuo at hindi ko na siya pinakealaman.


*****

Nagising ako ng may tumatapik tapik sa muka ko. "Get off!" Sabi ko at hinawi pa ang hangin.

"Meow"

Napamulat agad ako at nakita si Dezuo na nakatingin sakin habang yng kamay niya eh tumatapik tapik sa muka ko. Umupo ako sa kama sabay napatingin sa wall clock.

6:00 o'clock na ng umaga?

"Ano bayan ang aga mo naman akong ginising–teka ikaw ba talaga ng gumising sakin?"

"Meow"

Sabi niya sabay tumakbo papunta sa closet at pag labas niya may dala na siyang papel. Dun nakalagay ang oras ng klase ko Monday to Saturday. Right. 7:30AM ang unang Klase ko.

"May sarili ka bang utak?" Tanong ko sa kanya kahit na alam kong hindi siya sasagot. Pumunta naman siya sa CR kaya sinundan ko sia. Nakita ko nalang na nasa ibabaw siya ng maliit na kabinet malapit sa lababo at dahan dahang binuksan yun then kinuha niya yung tooth brush ko gamit ang bibig niya sabay talon pababa sa balikat ko.

Kinuha ko sa kanya yung tooth brush tapos bumaba naman siya at hinihila yung twalya.

Mukang alam na ng isang to lahat ng kailangan kong gawin ah?
After kong mag tooth brush ginawa ko kaagad ang morning routine ko then naligo tsaka nag bihis ng Uniform.

After nun nakita ko si Dezuo na kagat kagat yung ID ko tapos katabi niya yung First aid kit..  Aba naman! Napaka talino mo. Or na train kalang ng ayos nung amo mo.

"Your a Smart cat" sabi ko.

Pagkatapos ng lahat lahat ramdam ko na may tao sa labas ng pinto ng kwarto ko kaya agad akong tumayo at pinag buksan sila. Kakatok sana si Gab ng bigla siyang natigilan.

"Wow, gising kana?" Sabi ni Akhiela

"Oh siya tara na't mag breakfast dahil mag k-kwento kapa kung saan ka galing kagabi" sabi ni Gab.

Napatingin ako agad sa balikat ko ng bigla nalang umakyat si Dezuo doon.

"Oh shit, bakit nasayo yang pusa na yan?"

"Nababaliw kana ba?"

"Alam ko na kung saan, at sino ang kasama mo kagabi" sabi ni Mia.

Demion Academy (School of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon