Chapter {31}

4.4K 97 2
                                    



1 year later...

Roxell's Pov

"Roxell okay kana?" Tanong ni David nung sumilip siya dito sa Kwarto ko. May pupuntahan daw kasi kami sabi ni Gandpa. Ewan kung saan, pinag iimpake niya ako ng gamit.

Isanag taon narin ang nakalipas nung na Comatose ako. At kaka Graduate ko lang ng Mechanic Engineering nung isang buwan. Kaya sabi ni Grandpa sa ibang lugar naman kami mag ce-celebrate

Diko lang talaga alam kung saan! Halos kasi lahat ng tourist spot dito sa States napuntahan ko na.

"Hi Rox!" Natigilan ako sa boses na yun. Pamilyar pero hindi ko siya matandaan.

"Sino ka po?" Taning ko sa kanya.

"Ahh, Oo nga pala. Amnesia nga naman nakakasakit talag sa Damdamin. Auntie mo ako...Auntie Mizuka" sabi niya sabay yakap sakin.

"May Auntie pala tayo bat dimo sinabi?" Sabi ko kay David.

Mula nung gumising ako wala na akong matandaan ni isang memorya ko ng nakaraan. Ang alam ko lang ngayon, si David amg nagiisa kong Pinsan. Si Grandpa na sobrang napaka alalahanin at ngayon ay si Auntie Mizuka...baka mamaya mas malaki pa pala ang pamilya ko.

Sinabi din sakin ni Grandpa na Patay na daw ang mga magulang ko simula nong nagkaroon ng laban at may humampas sa ulo ko ng hollow blocks at ayun na Comatose na ako. Wala narin daw ang Grandma ko na simulat sapul ay naging dahilan para maging palaban ako at nagend up sa pagiging Gangster.

Nung una di ako makapaniwala...pero nung may pinakita silang picture ko nung Gangster daw ako nani wala na ako. But still wala parin akong maalala sa lahat ng yun.

Hindi rin ako makapaniwala sa sinabi ni David na...magaling ako sa sports lalo na sa Basket ball at Soccer, sobrang galing ko daw. Lalo na daw sa pakikipag laban.

"May dala ako para sayo!" Sabi ni Auntie at nag labas ng box of cookies...hindi ko alam pero natutuwa ako. Gusto ko siyang lanyakan kaso nagdadalawang isip naman ako...

"Sige na wag ka nang mahiya Auntie natin yan" sabi ni David sakin. Napangiti ako tsa kinuha yung Cookies. May mga pumasok na Body Guards at kinuha na ang mga gamit ko na nasa tabi lang ng pinto.

"Tara na?" Tanong ko kay David. Akala ko ba mamaya pa ang alis? Bakit kinukuha na yung Luggage ko?

"Uhh, nagpa re-sched si Grandpa ng plane ticket natin...naiinip na daw kasi siya kaka hintay" sabi ni David,

"Ohhh" tmayo na ako at tumingin kang sa salamin saglit tsaka ako sumunod sa kanya.

"Hey wait for me! Kasama rin ako!" Sabi ni Auntie. Natuwa naman ako sa kanya. Muka siyang nasa middle 60 na pero napaka Millennial ng Ugali.

"Let's Go!" Excited na sabi ni David.

Pagbaba namin ng condominium Building  agad kaming pumunta sa kotse na naka park sa parking lot. Isang Kulay Gray na Van lang.

"Bilis na Roxy!" Napatitig ako sa sinabi ni David.

That name Roxy is kinda familliar but i can't remember where did i Heard that name...oh well kailangan ko oang i relax ang uatk ko dahil ayokong sumakit ulit toh kakapilit alalahanin ng mga pamilyar na bagay sakin.

Sumakay na ako sa Van at agad naman yung pinaandar ng Driver namin. Kinuha ko lang ang Phone at Earphone ko tsaka nag patugtog. Kanta to ni Kiana Cattalia isang sikat na singer whole wide world. Hindi lang sa angelic look niya eh kaya niya pang kantahain anglahat ng uri ng kanta mapa biritan o rakrakan.

Demion Academy (School of Gangsters)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon