TGMP(36)

879 30 19
                                    

Paul & Carl

3rd Person's POV

Kasalukuyang nagmamasid ang dalawang magigiting na tauhan ni trevor dito sa isang abandonadong bahay na kanjlang pinuntahan dahil sabi ni josh lee ay dulo ng syudad at sa gitnang parte ng gubat.

"Paul! mag ingat ka. Sabi ni boss may mga nakabantay na dito." pagbabanta ni carl sabay tingin sa paligid na napakatahimik, tunog ng malamig na hangin at mga dahon at mga sanggang nag-gagalawan na sanhi ng hangin. Ang dalawa ay nag-ingat hanggang sa makarating sila sa isang abandonadong bahay.

Madumi na ang paligid at madamo na rin ang lugar.

Dahan dahang naglakad paloob ang dalawa hanggang sa may nakita silang 3 lalake ang nagbabantay sa loob. May mga hawak na armas pamatay.

"Mukhang nagsasabe nga ng totoo ang josh lee na yon. Dito nga nakakubli ang ibat ibang miyembro ng Red Dragons??! Teka Red Dragons?!" tanong ni paul na napatakip sa bibig, na napalakas ang boses. "Paul!" inis na sambit ni carl.

"SINONG NANDIYAN!!!!"

Agad na lumapit ang tatlong lalake sa kinatataguan nila. Naghanda ang dalawa incase na atakihin sila ng tatlong lalake. Naghintay na lamang sina carl at paul na lumapit ang kalaban nila, Pero makalipas ang 10 segundo ay wala pang nangyayari sa kanila.

"Urgh..."

"Huwag maaawa ka....."

"AHHH!!---"

Nagulat ang dalawa dahil sa d kung ano na pagsigaw ng tatlong lalake na malapit na sa kanila. Dahang dahan na tinitigan ni carl ang tatlo, nakakita siya ng lalakeng nakatalikod na nakatayo habang may hawak na duguang dagger, tumutulo pa ang sariwang dugo nito. Tinutukan ito ni carl pero nang dahan dahang tumingin ang lalake ay agad itong nawala sa paningin ni carl.

Iniwan ang tatlong malalamig na bangkay.

"Huy carl anong nanggari at patay na ang mga yan?" tanong ni paul. "Pinatay na sila ni tres, tignan mo." salita ni carl at sabay nilang nilapitan ang mga bangkay na nakahilata sa sahig, duguan.

Ang unang lalake ay pinutulan sa paa at braso sabay saksak sa dibdin, ang pangalawa ay sinugatan ang leeg at dumaloy ang napakadaming dugo na sanhing ng pagkamaty nito, pang huli ay sinaksak sa likod at binali ang leeg base sa itsura ng bangkay ay naka pahilid ang ulo neto.

Itinago ng dalawa tatlong bangkay at nilinisan ang mga dugong nagkalat sa lugar. Nagpatuloy sila sa pag-mamasid hangang sa may nakita silang babae na lumabas galing sa sirang pintuan sa second floor. Mukhang nagmamadaling umalis at may dala dalang nagbibigatang mga maleta at suit cases.

Nag-isip ang dalawa at tinitigan ang babae, ng biglang tumunog ang cellphone nito.

"Yes? Babe?" sagot ng babae.

"Bilisan mo at umalis ka na dito. Promise ko babe babalikan kita."

pinkinggang nila ito at hanggang sa nakaalis na ang babae. Tumungin ang dalawa sa isat isa at tumango ng mabagal dahil sa totoo ang sinabi ni josh lee sa kanila hindi ito nagsisinungaling.

Umalis na ang dalawa para ipaalam na sa kanilang boss ang kanilang nalaman at natuklasan. Little did they know may nakakita sa dalawa ngunit hindi alam ng nakakita na nasa paligid lang ang kinakatakutang miyembro ng the numeros na si Tres ay naglilibot sa buong lugar.

Raine's POV

"Pakawalan niyo na ako!"

Hindi nila ako pinansin at nagusap lang ang mga lalakeng nagbabantay saken. Tinignan ko ang mga bakal na nakapaligid sa katawan ko.

Nag-isip isip din ko dahil hindi ako papayag na ganituhin ganituhin lang nila ako, lumipas ang ilang minuto na pag-iisip at pagtingin sa paligid ay nakakita ako ng isang red button malapit sa metal door. Ngayon napagtanto ko na ito na ata ang makakapagpalaya sa aken.

Ang kulay pulang pindot na iyon.

Kailagan kong magisip para mapindot ko iyon. Pero papaano?

Trevors POV

"BOSS! totoo naroon nga sila." balita nila carl na pagod na pagod galing sa pinuntahan nila.

"Maghanda kayo susugod tayo----trevor...." sa pinto nakita ko sila troy na pumasok may mga hawak na baril at armas. Kumunot noo ko dahil sa padalos dalos nilang pagpunta dito sa death base.

Ano nanamang kailangan nila.

"Sasama kami sayo." salita nila, ng ganon ganon na lang tssk. Assholes wala naman silang naitulong saken, halos ako nga gumawa eh. Mag wala silang kwenta.

"Do what you want just stay out of my way."

Geo POV

Pagkatapos magsalita ni trevor sa amin na mukhang may galit pa. Nilagpasan niya kami at lumabas na ng HQ sunod sunod sina Paul at carl and the rest of his team.

"Kailangan naten silang sundan tara." tumango kaming lahat at sinundan sina trevor. Paalis ng UD ay sinundan namin ang sasakyan ni carl since ang bilis magpatakbo ni trevor at wala na siya sa grupo nila. May galit pa nga.



Raines POV

"S--sino kk-ka??" natatakot kong tanong dahil sa may isang lalake nakaitim at maskara ang nasa harapan ko, ang creepy ng mask parang tinitigan ako. Kulay pula na may halong itim, tapos nakangiting nakakatakot ang maskara.

Pinindot niya ang red button sa tabi ng pinto at nakalaya ako sa dito sa mag bakal na chains.

"HOY!" tumambling ang lalakeng nakaitim at tinapunan niya ang mga dumating na kalaban nang mga punyal na matatalim Napatay niya agad ang mga ito, tumayo ako at nakita ko ang lalake iniaabot niya ang kamay niya saken. Tinignan ko ang kamay niya at saka dahan dahan kong inabot ang saken.

Sumama ako sakanya pero..

"RAINE LOPEZ!!" sa likod ko, nanlaki mga mata ko ng magpaputok ang mga kalaban. Pumikit ako ng madiin at naramdaman kong mabilis akong binuhat ng lalake na kanina lang ay nakahawak saken. Tumakbo siya at nagtago kami dito sa isang kwarto, inilapag niya ako sa sahig ay naglabas ng baril. Nagputok din siya pero paisa isa lang dahil sa marami ang kalaban.

"TRES! alam kong ikaw yan! Kasabwat mo na pala ang mga black death ngayon! WAHAHAHAH nagkakamali ka ng binabangga dapat tayo ang magkakampe at hindi ang mga talunang iyon." narinig kong sigaw ng kalaban. Tinignan ko ang lalake at tahimik lang itong nakikinig at nakahanda sa pagbaril. Lumipas ang ilang segundo ay nagpaputok na rin siya.

"Argh!!"

"Boss! ARK..."

"ahh!"


ITUTULOY.......

A: Nagpalabas na ng concept photos ulet ang Big Hit, Version 3 and 4. Check niyo po sa twitter para makita niyo. Medyo mahina ang internet sorry hindi ko mapost dito sa wattpad. Open niyo na lang twitter app niyo at search ang official twitter account ng @Big Hit Entertainment.

Bts Question:

q1. Who is your bias?

+votes and comments
are highly appreciated+

The Gangster's Missing Princess (BOOK 2)Where stories live. Discover now