Chapter 3

4.5K 167 137
                                    



Lorylie POV


Napabungisngis ako ng nilaro niya ang tungki ng ilong ko.


Kaya pilit akong lumayo pero nahuli pa rin niya ang mukha ko at gigil na pinisil ako sa ilong.


Haay ano ba ang magagawa ng isang bulag sa ate ko na napakapilya.

"Bakit naman kasi hindi ka pa pumapayag na lumipat kyo ng mas maayos na bahay eh."



"Te si nanay na mismo ang may ayaw mag-lipat bahay kami. Dito na daw kasi siya pinanganak hanggang lumaki."

Nadidismayang napabuntong hininga si ate Mionette.



"Gusto ko lang naman matulongan si nanay Desi maipagamot, kasi pagnasa maayos na kayong bahay mas gagaling siya Lie."



Kinapa ko siya, hanggang mahawakan ko siya sa kanyang bewang at akin itong yinakap.


"Alam kong gusto mo lang ate makatulong, pero wala po akong karapatan na kontrahin si inay sa gusto niya."

Rinig kong napabuga siya ng hangin.

"Natatakot lang naman ako para sa kaligtasan niyo dito eh, lalo ka na Lie dalaga ka na. Baka kung sinong mga loko-loko dyan ang gawan ka ng masama."

Kahit hindi ko siya makita ay tuminga ako, saktong sinapo niya ako sa aking mukha.


"Masyado ka ng nag-aalala sa akin te, mababait naman yung mga kapitbahay namin eh. Sila yung unang tumutulong sa amin pag-gipit kami o kailangan ni nanay ng makakasama pagwala ako."


Hinaplos haplos niya ako hanggang napunta ito sa mga mata ko.



"Sa kapitbahay nyo okay lang na tulongan kayo, pero ako na kapatid mo lagi mong tinatanggihan makatulong sayo."



Napangiti ako sa paghihimutok ng ate ko.


"Huwag ka na magtampo te, mga simpling bagay lang naman yung naitutulong nila sa amin eh. Pagwala akong sibuyas, o kamatis o bawang na isasahog sa lulutuin nagbibigay sila." Paliwanag ko.


Gigil niyang pinisil ang mga pisngi ko.


"Kahit na, hindi lang ako nagtatampo I'm also jealous sis."



Nawalan ako ng imik.

Napayuko ako sa hiya at ramdam ang pamumula ng mukha ko.



"H-Hindi mo naman kailangan magselos ate Mionette eh, k-kasi mas napapahalagahan ko yung tulong at pagmamalasakit mo sa amin."


Namula ako lalo ng hagkan niya ako bigla sa labi ko.


"You should be sis, ikaw lang at si Zin ang nagbibigay sa akin ng dahilan para mamuhay ng may kaayosan." Hinagkan niya ako sa mga mata. "Sana sis, bago man ako mawala sa mundo makakita ka na."

Natahimik ako at nakaradam ng malaking takot.



"Hahaha, sis joke lang but seriously gusto ko makakita ka na. Ikaw lang naman itong may ayaw eh."

The Blinded By Lies (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon