Chapter 4

4.2K 176 46
                                    



Lorylie POV

Kamusta na kaya ang ate ko?

Dalawang linggo na akong walang balita sa kanya. Hindi na rin siya dumalaw ulit sa akin nung nakaraang Sabado.

"Anak napano ka ba at nakapangalumbaba ka dyan?"

Napatingin ako sa kung saan ko narinig ang boses ni inay na napansin ang ginagawa ko.

Malungkot na napabuntong hininga ako.

"Nalulungkot lang po ako Nay, namimis ko na si ate eh mahigit dalawang linggo na rin yung huling nakasama ko siya." Nalulumbay kong sabi.


Narinig ko namang umubo si inay bago may sinabi.

"Ikaw talagang bata ka, sinabi naman ng ate mo kung bakit siya mawawala ng matagal eh."


Napasimangot naman ako

"Opo, pero tawag lang po sa cellphone yung pagpapaalam niya sa akin eh." Tugon ko naman.

Tumawag siya sa nanay ni Nestor upang magpaalam sa akin na pupunta siya sa states para sa trabaho. Sila Nestor lang naman yung may cellphone na malapit sa amin.

"Unawain mo lang muna ang ate Mionette mo anak, trabaho ang pinuntahan niya at tyak na importanti ito sa ate mo."

Lalo lamang akong napasimangot.

"Eh namimis ko na siya Nay eh."

Malungkot na napayuko ako.

Alam ko naman na may sariling buhay din si ate na dapat niyang pagtuunan ng pansin. Lalo na ang responsabilidad niya sa magulang niya.

Ngunit hindi ako sanay na wala si ate Mionette ng matagal.

"Hayaan mo at uuwi din ang ate mo anak, ang marapat mong gawin ay magpahinga na sa iyong silid at lumalalim na ang gabi." Rinig kong suhestyon ni inay.

Napabuga ako ng hangin, kinuha ko ang baston sa tabi at nag-umpisa ng bumangon sa papag ni inay.

"Matulog na rin po kayo Nay." Inayos ko ang kanyang kumot upang ibalot siya nito ng maayos.

Kinapa ko si inay at nahawakan ko naman agad ang kanyang mukha na aking hinaplos.

Yumuko ako at kinintalan si Inay ng halik sa kanyang noo.

"Matulog po kayo ng mahimbing Nay, mahal ko po kayo." Masuyong usal ko.

"Mahal din kita anak ng boug puso ko." Hindi ko man siya makita ay alam kong puno ng pagmamahal ang mga mata ni Inay para sa akin.

Hinaplos ko na siya sa humpak niyang pisngi para makatulog na siya.

Gawain ko na ang hintayin si Inay na unang makatulog bago ako umalis sa kanyang silid. At hindi nga nagtagal ay mahimbing na siyang natutulog.

Umalis na ako at nangangapang bumalik sa aking silid tulogan.

Panalangin ko bago makatulog ay ang kaligtasan namin ni Inay lalo na kay ate Mionette na malayo sa akin.

Kinabukasan

Kasalukuyan akong nasa simbahan at abala sa yuswal na gawain sa pagtitinda ng Sampaguita.

The Blinded By Lies (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon