CHAPTER THREE: "Motive"

173 4 0
                                    


[Demi's POV]


Right after the "Prom Incident" I never went back to school. Natatakot lang kasi ako sa result. I just talked my way out kaya nag-take lang ako ng special test and I'm free to go.

Ganyan ako ka duwag.O__O Playing safe parin. Huh..I'm really a mess.

This next school year, sa Ateneo na kami mag-aaral ng mga kaibigan ko. Walang iwanan daw kasi.

Gustong-gusto ko pa naman sana ang Cam-High kaso basag-basag na ang reputation ko doon.:(


During our Summer vacation...

"Oh, nasaan na ba tayo?" Ang tanong ko sa mga kasama ko pagkababa sa Jeep.

Papunta kami ngayon sa Caramoan para mag swimming. Nagpa-reserve si Rey sa isang Island resort doon para saamin.

Hindi kami ng dala ng kotse. Mas mae-enjoy daw kasi namin kung ba-byahe kami papunta doon by means of public transportation.

Grabe ang init ah! Hindi pa nga kami nagsi-swimming maitim na ako kaagad. I'm like wearing shorts and sando with polo on top. Halos lahat naman kami ganito ang get-up. Dapat ba talaga ganito pag pupunta ng beach? Well except kay Anthony na naka Jamaican style shirt.

"Dapat daw tayong sumakay ng bangka doon." Ang sabi ni Jayson habang nakaturo sa maliit na parang pier.

"Obvious ba?.. Paano tayo makakatawid ng isla..lilipad?" Ang sabi ko sakanya.

"O sha! Tayo na at nagugutom na ako. Ang sabi naman ni Rey.

"Excited na akong mag island hopping pre!" Ang sabi ni Marco kay Sebastian.

"Sino'ng nagsabi na kasama ka?" XP

Pang-asar ni Sebastian sakanya.

"Ikaw ang magbabantay ng mga gamit natin mamaya." Dag-dag pa ni Anthony.

Natawa lang kami sakanila.

Tapos sumakay na kami sa bangka. Apat lang ang capacity ng isang bangka kaya nahati kami. Ako, si Jake, Anthony at Charlie dito sa isa tapos sina Rey, Marco,Jayson at Sebastian naman sa isa.

Habang tumatawid ng dagat, si Jake ang sinop kumuha ng pictures ng view.

Pareho kasi sila ni Jay ng forte sa arts at yun ay ang Photography.

Nakatingin ako sa kanya ngayon.

Akalain mong ang tao na 'to ay may dinadalang galit saakin sa katunayan pero heto sya sa harap ko at walang idea na ako si D.J. ang madalas nyang pag-initan at pagmay-pagkakataon ay saktan sa oras na nagkakadikit kami.

Hay Jake, itulak kaya kita ngayon ng makabawi naman ako.O__O

Tapos he turn to me with his camera taking a shot habang ako nakatitig sakanya.

He stop after that at sumilip sya then wink at me sabay grin.

Aba, lokong ito! O\\\\\O

"Ang ganda mo pala kapag nasisikatan ng araw." Sabi nya.

"Pag nasisikatan lang ganun?!" ^__-

Oops! Nasabi ko yata ang iniisip ko.O__O

He smirked.. " Oh, I'm sure mas maganda ka sa dilim." And he grin devilishly.

Manyak pala 'to ah! >\\\\\\<

Nang makarating na kami sa pang-pang, dali-dali akong tumayo para sana layuan sya pero di ko napansin yung lubid sa may paa ko at...

Moment of TruthWhere stories live. Discover now