Moment of Truth

256 4 0
                                    

.

.

.

Tumatakbo na si Jake papalabas ng nasusunog na bodega. Hindi nya napansin na naiwan pala si Demi at kasalukuyan pang nakikipag laban.

Japanese ang lalaki at malakas ito. May hawak syang samurai na inihahampas-hampas nya sa ere para hindi si Demi makalapit. Tahimik lang sya na pinag mamasdan ni Demi.

Ina-analyze nya ang kilos ng lalaki at nang makakita sya ng opening ay bigla nya itong sinipa sa mukha.

Sa sobrang lakas, napa talikod at napataob sa sahig ang lalakeng hapon. Babangon pa sana ito ng hatawin nya ng upuan sa likod.

"Bwisit ka!" Pinahirapan mo akong masyado dun ah.. (Demi's POV)

.

.

.

Kumakalat na ang apoy sa mga oras na 'yon. Makapal narin ang usok nang lumabas si Demi sa kwarto.Napalingon sya sa isang kwarto kung saan nakita nyang maraming naka imbak na mga tangke ng iba't-ibang gas at chemicals.

"Jake..." Tinawagan nya ito gamit ang radio communicator nila.

"I-start nyo na ang mga speed boats. Lumayo na kayo sa pang-pang!"

Sumagot naman ito sa tawag nya.. "Nasaan kana ba?"

"Paalis na ako."

Pero nang lumingon sya ay sinalubong sya ng apoy at natumba sya. "Ahhhh!!!"

"D.J. where are you?!" Pasigaw na tanong ni Jake sakanya.

Dahan-dahan syang bumangon para makaalis. Naubo na sya sa kapal ng usok at hindi na sya makakita dahil nabasag ang eye wear nya.

... Ilang sigundo ang nakalipas,

Sa wakas nakita nya narin ang daan ngunit dalawang hakbang mula sa pinto ay bigla nalang sumabog ang building.

Sa sobrang lakas ng pagsabog ay nagka pira-piraso ang building na gawa lamang sa kahoy.

Natulala ang lahat sa nanyari. Sa labas parang isang malaking kalan ang liyab ng apoy at sa sobrang kapal ng usok.

"D.J.!!!" Sigaw ni Jake at mabilis nyang pinatakbo ang speed boat para makabalik ng pang-pang.

Lahat sila ay nagsitakbuhan papalapit sa nag liliyab na gusali. Hinanap nila si Demi at natagpuan ito ni Rey na natatabunan ng mga pira-pirasong ding-ding.

"Demi!" Tinawag sya ni Rey ngunit wala syang malay. Inalis nito ang mga debris na naka-dagan sakanya at binuhat sya papalayo.

Nang wala na sila sa area kung saan may pwedeng malaglag na bagay, ay inilapag muna nya si Demi ng dahan-dahan na nakapatong ang ulo nito sa braso nya.

Inalis ni Rey ang mga buhok na tumatakip sa mukha ni Demi at pati ang eye wear nito na basag-basag na.

Tumatakbo si Jake papalapit sakanila pero natigilan ito ng tuluyan ni Rey na maalis ang eye wear nito...

Dahan-dahan si Jake na lumapit na gulat na gulat at halatang naguguluhan.

"Demi?"

.

.

.

.

.

.

Okay...

Kung nalilito kayo kung ano ba talaga ang kwentong ito, let me start this story like other typical stories.

'No bayan, gusto ko lang mag simula na may suspense...




CHARACTERS:

Devonne Jane Aguilar / Demetria Nicole Avila

Jefferson Rey " Jeffrey - Rey" Avila

Jake Christopher Almeda

Jayson Abella

Kaye Dela Cruz

Jewelle Evangelista

Anthony John Perez

Sebastian Lorence Medina

Charlie Anderson-Lee

Marco Basilio

Moment of TruthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon