Chapter 5

2.3K 52 2
                                    

Chapter 5









<< Sophie Mencken's Point of View >>

"Ano dito na ba ang bahay mo?"

"Oum, pakibukas nalang yung gate."

Binuksan niya na yung gate at pumasok na kami sa loob ng bahay namin, Namin? Pangit naman pakinggan parang bahay nga namin dalawa to, I' mean bahay namin ni Mama.

Hindi muna kami pumasok sa loob, dito muna kami sa terrace dahil basang basa kasi kami. "Achoo! Achoo!" teka bumabahing na siya nilalamig na talaga siguro ito. "Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako wag mokong intindihin, Ikaw ayos kalang ba? Kumusta na yang binti mo? Masakit pa ba?"

"Tignan muna ang bait bait mu pala, wag kana kasing magsungit ganyan ka nalang kasi palagi, please.

"Pwede ba, yung tanong ko yung sagutin mo."

"Hm, oo parang may naipit yata na ugat tas tong binti ko, mahapdi padin dahil sa gasgas."

"Patingin nga." lumapit siya sakin tsaka lumuhod, hinawakan niya ang paa ko tsaka ito hinilot. "Aray!"

"dinadahan dahan ko na nga eh."

"Ang sakit kaya."

"tiisin mo, kailangan itong mahilot, tignan mu nga mejo namamaga na oh."

tama siya mejo namamaga na nga, mali kasi ang pagkatilapon ko kanina eh kaya siguro ganto para akong natapilok. Patuloy lang siya sa paghilot nito. Hanggang parang gumaan na ang pakiramdam ko nawala na ng bahagya yung sakit. "Marunong kaba talagang manghilot? Para kasing nawawala na ang sakit. Ang galing mo, pwede kanang manghihilot! Joke."

"Ewan ko sayo."

"joke lang yun."

"may yelo ba kayo, ice bag

pati alcohol meron ba kayo?"

"oo sa loob din, dun sa may medicine cabinet."

"Teja..Anong ginagawa mo! Bakit ka naghuhubad?"

bigla nalang niya kasing hinubad uniform niya.

"siyempre kailangan kung pumasok sa loob para kumuha ng yelo, ice bag, alcohol bulak, at twalya. Gusto mubang basang basa sa loob niyo kung di ko huhubarin ang basa kong uniform."

"oo na, oo na, dali na pumasok kana!" pumasok naman na siya sa loob, pero shemaii, di ko maiwasang di mapatingin sa kanyang mga pandesal, grabe parang uminit bigla. Lecheng lalaking to. Dali dali naman siyang bumalik na may dala dalang twalya, alcohol, bulak, yelo at ice bag, hinagis niya sakin yung twalya at ikinuskos ko naman ito sa mukha ko, basang basa padin kasi ako tapos di parin nakakapagpalit. Di kasi ako makatayo, makatayo na sana ako pagkatapos nito.

Muli siyang lumuhod at pinatungan ng ice bag yung parteng masakit. "salamat huh?" hindi man siya sumasagot. Bakit ganito to pag pinapasalamatan mo di siya nagwewelcome, no problem, wala yun, or whatsoever. Ayaw niya kayang pinapasalamatan siya? So weird.

"Ayan ayos na ba? Masakit pa ba? Try mu ngang tumayo?" tumayo ako para itry kung di na nga ito masakit at kung kaya kunang maglakad, sobrang gulat ko nawala na yung sakit at nakakalakad nadin ako, hindi na yung katulad kanina sobrang sakit talaga.

"may naipit nga sigurong ugat, umupo ka ulit gamutin natin yang gasgas mo."

"Huwag na Ayoko! Mahapdi kaya iyan."

Invade My Bestfriend's HeartOnde histórias criam vida. Descubra agora