Chapter 2

2.9K 61 12
                                    

Fuck pati ba naman dito sa loob ng bahay namin nagawa niya pang sumiping sa ibang babae.

Mga animal

2 years of being married with Magnus is not easy pero kahit na sinasaktan niya ako at nang bababae siya hindi pa niya inuuwi sa bahay ang mga kinakama niya, and yes aware ako na nambababae siya pero hindi ko siya pinapakialaman dahil alam ko na masasaktan lang ako, hindi lang katawan ko ang masasaktan pati ang damdamin ko. Pero heto ako ngayon naninikip ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman ko dulot ng pag uwi ni Magnus ng babae sa bahay, kinakaya ko pang nangangaliwa siya pero sana respetuhin naman niya na nasa loob siya ng pamamahay namin, naming mag-asawa, sana hindi maabutan ni David ang babae ng papa niya bukas ng umaga

Bumalik ako sa kwarto ni David at tumabi ng higa sa kanya, pilit kong inaalis ang nakita at narinig ko kani-kanina lang sa kwarto ng asawa ko

"I'm sorry anak, kasalanan ko kung bakit ganito ang buhay natin ngayon pero hindi ko pinagsisihang naririto ka sa piling ko ngayon anak ko"hindi ko mapigilang maluha, hindi deserve ng anak ko ang ganitong buhay, dapat sa kanya ay masayang pamilya

KINABUKASAN ng umaga naabutan ko si Magnus sa sala na nanonood ng TV at halatang bagong ligo pa lang, gusto ko man na tanungin kung nakauwi na ba ang babaeng kasama niya kagabi pero wala akong lakas ng loob at alam ko rin na sisigawan lang niya ako

"Good Morning"sambit ko na lang bago pumasok ng kusina para magluto ng breakfast

Nang natapos akong magluto ay naisipan kong lumabas ng kusina para pumuntang sala upang tingnan kung naroon pa ba si Magnus pero wala na ito sa kinauupuan niya kanina, baka nag bibihis na ito para pumasok ng trabaho. Umakyat ako sa sa taas para maligo at makapag ayos na para pumasok ng paaralan

Nang matapos ako ay lumapit ako sa anak ko

"Baby"hinalik halikan ko ito sa pisngi bago siya magmulat ng mata

"Are you going to school mama?"tanong niya habang kinukusot ang mata niya

"Yes baby, nagpapaalam lang si mama sleep ka na ulit maaga pa, Si Nanay Cora ay papunta na dito para bantayan ka wag pasaway ang baby ko ahh be a good boy"hinalikan ko ulit ito sa pisngi

"Opo mama, babye po love you po take care"sabi niya bago bumalik sa pagtulog

Sinilip ko muna ang kusina at nakitang hindi parin nagagalaw ang pagkain na inihanda ko kanina, ng lumabas ako ay hindi ko na kitang nakaparada ang kotse ni Magnus

Napabuntong hininga ako hindi nanaman niya kinain ang hinanda kong pagkain

Nevermind, hindi na nga lang din ako mag bebreakfast

Pagdating ko sa school ay ang maingay na bibig ni Stacey ang bumungad sakin

"Mika! Bes!"

"Hi Stacey"

"Kamusta ang weekend natin bes?"

"Ganun pa din walang pinagbago"kibit balikat ko

"Taenang yan, ako naiinis na sa asawa mo pag ako napuno kekeltokan ko yan ng matauhan"

"Hayaan mo na lang sya Stacey, darating din ang araw na mamahalin din niya kami ni David"

"Sige sabi mo bes eh"

"Tara na nga"

"Wag na kaya tayong pumasok, lakwatsa nalang tayo"pinanlakihan ko siya ng mata, katamaran talaga ng babaeng to

"Heh tumigil ka, tara na nga"wala na siyang nagawa ng hilahin ko na siya papuntang classroom

.....

Uwian na at sabay ulit kami ni Stacey

"Wait parang hindi natin nakita si Trevor ah"napatingin ako kaya Stacey... tama sya, kung saan-saan kasi nag susuot yung lalaking yun eh

"Oo nga no!, well buhay nya yun hayaan mo sya, susulpot din yun"

Bago ako tumuloy sa pag-uwi ay bumili muna ako ng ice cream para sa anak ko

Pagpasok na pagpasok ko sa bahay ay iyak ni David ang narinig ko, pagdating ko ng sala ay nakita kong sinasaktan ni Magnus ang anak namin, si Nanay Cora naman ay pinipigilan si Magnus

"Marcus! Itigil mo yan"mabilis akong lumapit para ilayo ang anak ko sa kanya

"Ano bang kasalanan nya?"niyakap ko ang anak ko na umiiyak parin

"Bakit hindi mo tanungin ang anak mo"bakas sa mukha niya ang sobrang galit

"Baby ano bang nangyari?"

"Hindi ko po talaga sinasadya na matapunan ng juice yung work ni Daddy, Mama!"sabay ng pag iyak niya ang pag papaliwanag, nakita ko sa cafe table dito sa sala ang mga papel na natapunan ng juice. Inangat ko ang tingin kay Magnus

"Hindi mo naman kailangang saktan ang bata, hindi naman niya sinasadya"mahinahong sabi ko, mahirap ng sabayan ang galit niya baka pinagbuhatan na naman niya kami ng kamay

"Fvck! Wala kang pakealam kung anong gusto kong gawin palamunin lang kayo dito. Hindi na nag tanda yang bastardo mo, palayasin ko kayo dito eh" kumulo ang dugo ko ng tawagin nyang bastardo ang anak namin

"Eh bakit ba kasi dyan ka nag tatrabaho meron ka namang kwarto, meron ka namang office dito pwedeng pwede kang magtrabaho doon ng walang gumugulo sayo, hindi yung pag naistorbo ka mananakit ka, sumosobra ka na ha--"nagsisi ako na sigawan siya nang mas lalong dumilim ang mukha niya, ang mga tingin niya ay mas lalong tumalim

"At ngayon may lakas ka na ng loob na sigawan ako, how dare you? You're just my wife-- oh no, you're just my whore" lumakas ang iyak ni David ng hilahin ng malakas ni Magnus ang buhok ko palayo kay David at malakas niya akong binaksak sa sahig

"I'm sorry Magnus, hindi ko sinasadya"hindi niya ako pinapakinggan at malakas niya akong sinampal

"Mama!" rinig ko ang palahaw ni David, dapat ay hindi niya ito nakikita

"Daddy tama na po please"pumagitna samin si David na kumawala sa hawak ni nanay Cora

"Magsama kayong dalawa, bwiset. Sana mawala na kayo sa buhay ko"bumagsak sa akin si David ng itulak siya ni Magnus bago siya umalis

"Mama" yumakap sakin ang anak ko, niyakap ko siya pabalik

"Pasensya ka na Mika hija kung wala akong magawa sa pananakit sa inyo ng asawa mo, gusto mo bang makarating ito kay madam"lumapit sa amin si nanay Cora para tulungan kaming umupo sa sofa

"Nako nanay Cora wag nyo pong sabihin kay lola ang nangyari, tsaka po ayos lang, hindi niyo naman po kami kailangan intindihin away po namin tong dalawa ni Magnus, okay na po sakin na binabantayan niyo si David pag wala ako"

"Napakabait mong bata ka, hindi ko alam kung bakit galit na galit sayo ang apo ni madam, asawa mo pa naman siya dapat hindi ka niya sinasaktan"hinawakan ko ang kamay ni nanay Cora at ngumiti

"Maraming salamat po, ipapasundo ko nalang po kayo sa driver para mahatid kayo kila lola"

"Mag bihis na kayo hija para makapag hapunan na kayo nag luto na ako"

"Sige po"

Binuhat ko si David na nakatulog na pala sa hita ko kakaiyak at umakyat na sa kwarto namin

...

The Unwanted Wife (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon