9

9.6K 199 7
                                    

CHAPTER 9

PHOEBE'S POV

TANGHALI na nang makauwi ako sa bahay dahil masyado akong nalibang sa pamamasyal. Wala pa nga sana akong balak na umuwi kung hindi lang humapdi ang balat ko dahil sa init ng araw.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay ay dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig nang madatnan ko roon si Keyden na abala sa pagluluto at mula rito sa kinatatayuan ko ay naaamoy ko na ang mabangong aroma ng niluluto niya.

Amoy pa lang, alam ko nang masarap iyon at naramdam ko agad ang pagkulo ng tyan ko. I can't wait to taste it.

I was busy imagining how tasty it will be nang mapatitig ako sa matipunong likod ni  Keyden na mukhang hindi napansin ang presensya ko. Napaka-gwapo talaga nito kahit nakatalikod at lalo na habang nagluluto ito. May suot pa ito na apron.

He looked so domestic.

Napatitig ako sa muscles nito sa braso at likod. Tuwing gumagalaw ito ay parang nafi-flex ang mga iyon at parang nanuyo ang lalamunan ko sa nakita ko. Bakit kasi napaka-sexy ng asawa ko?

I could watch him all day, at hindi ako magsasawa. Keyden has that kind of effect on me.

Napansin siguro ng binata na may nakatitig sa kaniya dahi bigla itong lumingon sa gawi ko at nang makita ako ay tumango lamang ito bilang pagbati tyaka bumalik sa pagluluto. Para bang wala lang dito ang presensya ko habang ako ay halos maglaway na rito.

Napayuko na lang ako sa hiya. Bakit kasi naisipan ko pang titigan, 'eh alam ko naman na irita sa akin ang lalaking 'to. 'Yan tuloy, kitang-kita nito kung paano ako maglaway sa kakisigan niyang taglay. Sabihin na naman nito, patay na patay ako sa kaniya.

Totoo naman, but still.

Tumalikod na lang ako at umakyat sa hagdan papunta sa aking kwarto para magpalit ng damit dahil paniguradong amoy araw na ako. Nagshower lang ako sandali tyaka nagsuot ng kumportableng damit. Oversized shirt and a short shorts. Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer tyaka ko ito tinali nang pa-messy bun para hindi ako lalong mainitan.

Sakto naman na narinig ko ang katok ni Keyden para sabihan ako na bumaba na dahil kakain na kami kaya agad akong bumaba at naabutan ko ang binata sa hapag-kainan na mag-isang nakaupo at halatang hinihintay ako.

Agad naman itong napatingin sa akin nang maramdaman ang presensya ko pero hindi nakatakas sa panginig ko kung paano ito natigilan nang makita ako. Kung hindi nga ako nagkakamali ay bumaba pa ang tingin nito sa legs ko bago ito biglang napalunok at nag-iwas ng tingin kasabay ng bahagyang pagpula ng mukha nito. 

"Let's eat. Masamang paghintayin ang pagkain." Sabi nito habang nananatiling nakaiwas ang tingin sa akin.

***

HABANG kumakain ay napakatahimik namin. Ayos lang sana kung comfortable silence, but no. Sobrang nakakailang dahil panay sulyap ito sa akin tapos ay bubuka ang bibig na parang may gustong sabihin pero hindi itinutuloy.

Pero kahit hindi kami nag-uusap ay dama ko ang pasimpleng pag-asikaso sa akin ng binata dahil sa panay nitong paglalagay ng pagkain sa pinggan ko pati ng tubig sa baso ko.

Syempre, ako si tangang kinilig kahit hindi naman ito nagsasalita at panay ang sulyal lang. Baka naman mangisay na ako kung tignan pa ako nito kaya ayos na sigurong hindi ako nito pinapansin.

Hanggang sa natapos kaming kumain ay  ganun lang ang ginagawa nito kaya nang mailigpit ko ang pinagkainan namin ay lumapit agad ako sa kaniya sa sala at malumanay na nagtanong, "May gusto ka bang sabihin sa akin?"

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon