11

8.9K 199 8
                                    

CHAPTER 11

PHOEBE'S POV

"Mas natakot ako."

Hindi ko masyadong narinig ang binulong ni Keyden pero sigurado ako na may sinabi ang damuho na ito. Gusto ko sana itong kulitin tungkol sa sinabi niya pero dama ko na parang mas nagulat pa ata ito sa nangyari kaysa sa akin.

Imbes na tanungin ito ay bahagya na lang ako humiwalay sa yakap nito at sinimangutan ang gwapong mukha ng binata. Balak ko sanang magtampo at umalis sa pool pero mabilis ako nitong hinila pabalik.

"Gusto mo bang makaganti sa akin?" Tanong nito habang nakangiti nang nakakaloko. Sinimangutan ko naman ito bago mabilis na sumagot, "Oo naman! Alam mo bamg sobrang nakakatakot ng ginawa mo?" singhal ko.

Ngumiti itong muli tyaka huminga nang malalim bago lumubog sa tubig. Napakunot-noo na naman ako. Ano na namang kalokohan ang ginagawa ng isang 'to?

"Keyden? Hoy!" Sigaw ko rito nang mag-isang minuto na at hindi pa rin ito umaahon.

Sa isipin na hindi ako nito naririnig mula sa ilalim ng tubig ay lumubog din ako para senyasan itong umahon na ngunit nakapikit ang mga mata nito at tila ba walang balak na umahon kaya agad kong hinawakan ang kamay nito at iniahon pataas pero matigas ang ulo ng loko at hindi talaga nagpatinag. Sinasadya ng loko na magpalunod para makaganti ako? Hindi ba nito alam na mas lalo lang niya akong pag-aalalahanin?!

Sandali akong umahon para sumagap nang hangin bago tinignan nang masama ang lalaking hanggang ngayon ay nakalubog pa rin sa tubig.

"Keyden, I swear, kapag hindi ka umahon diyan ay hindi talaga kita patatawarin!" Sigaw ko rito at mabilis pa sa alas-kwatro itong umahon na para bang wala lang dito ang mga tubig na nalunok nito.

Malakas ko itong hinampas sa braso pero parang hindi naman ito nasaktan. Ni hindi nga gumalaw ang braso nito sa hampas ko. Napakatigas naman kasi ng muscle nito. Parang gusto kong magpa-headlock.

Napailing na lang ako sa kaharutang naiisip ko.

"Baliw ka talaga. Ano bang iniisip mo ha?! Naghahanap ka lang ng sakit sa katawan sa ginagawa mo. Pinag-alala mo lang ako!" Sermon ko rito pero nakatitig lamang ito sa akin. Hindi ko mabasa ang ekpresyon ng mukha nito dahil blanko lamang iyon.

What is it?

Nagsisima na akong kabahan nang bigla itong tumawa nang napakalakas. Nagtaka naman ako sa reaksyon nito. Pinapagalitan na tumatawa pa rin? Baliw nga.

I was about to nag more nang mapatingin ako sa suot ko, roon ko narealize kung ano ang tinitignan nito. Nakasuot pa rin pala ako ng bathrobe kaya naman mukha akong tangang nagsu-swimming habang suot ang bathrobe ko. Ang bigat na rin nito sa katawan dahil sa tubig kaya agad ko itong tinanggal at binato sa tabi ng swimming pool.

Nawala sa isip ko na ang revealing nga pala ng suot ko kaya nang tignan ko si Keyden para sana sermonan ulit ay nakita kong nakatulala na naman ito sa katawan ko habang namumula ang mukha at tenga. Bahagya pa itong napalunok nang mapatingin sa dibdib ko kaya pakiramdam ko ay namula rin ako sa hiya.

I couldn't take the stare anymore kaya naman aahon na sana para magpalit nang hatakin nito ang bewang ko at niyakap ako patalikod bago isinubsob ang mukha sa gilid ng leeg ko. Napasinghap ako hindi dahil sa gulat sa ginawa nito kundi dahil sa matigas na bagay na tumutusok sa likuran ko.

Is that his birdie?!

"Why... Why do you keep driving me crazy? I'm slipping, Phoebe. What should I do?"

***
ILANG ARAW na pero pakiramdam ko ay namumula pa rin ang pisngi ko tuwing naaalala ko ang nangyari sa may pool. Matapos kasing sabihin ni Keyden ang mga salitang iyon ay bigla na lang akong tumakbo papunta sa kwarto ko upang magtago sa kaniya at hindi na lumabas maghapon. Hindi rin kami sabay kumain tulad ng dati dahil bumababa lang ako kapag alam kong wala na roon si Keyden at natutulog na.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon