Pillow of Me and You

4.4K 30 0
                                    

"Missing you badly, Love. Hope to see you soon. I love you."

Sarah's POV

It's been 3days na, na hindi sila nagkikita ni Matteo. Thru Call and text na lang muna sila nagkakausap. And kapag nagtama ang break nila sa trabaho, facetime saglit.

Busy ito ngayon sa taping ng movie niya. Pati sa training niya para sa Ironman Cebu next friday. Ako naman, sunod-sunod ang corporate shows. May thanksgiving concert pa sila for The Voice Kids.

"Me too, Love. Missing you so much. I'll make it up to you. I love you too.", then she pressed Send.

We're having a family dinner here in Taguig. When I suddenly stopped what I'm eating, clear my throat and speak.

"Mommy, Daddy. I want to go to Cebu for Matteo next friday.", in a soft voice.

Bago umimik ang parents niya. Nagkatingin muna ang mag-asawa.

"Nak, di ba napagusapan na natin ito ng Daddy mo.", ang Mommy niya ang sumagot.

"Alam ko, My. Pero kailangan ako ni Matteo.", boses na nakikiusap habang tinitingnan niya ang Mommy at Daddy niya.

"Nak, sa Cebu yun. Hindi dito lang sa Manila. Hindi ka naman mapapayagan.", sagot naman ng Daddy niya. "At saka maraming makakakita sayo doon.", dagdag pa nito.

"My, Dy. Na-a-appreciate ko po yung tiwala na ibinibigay niyo sa amin ni Matteo. At nagpapasalamat po ako doon. Pero po, gusto ko siyang suportahan sa pagkakataong alam kong kailangan niya ang suporta ko. So, please, My. Daddy. Pumayag na po kayo.", naginginig na ang boses niya.

"Kumain ka na, Nak. Paguusapan na muna namin ng Mommy mo yan."

Wala siyang nagawa kundi ipagpatuloy ang kinakain niya. Pero ang utak at puso niya ay umaasa na payagan siya ng mga ito. Napabuntong-hininga siya saka pilit inuubos ang pagkain niya.

Natapos ang dinner nila. Nakauwi na sila sa bahay nila, pero wala pa rin siyang imik.

"My, Dy. Akyat na po ako. Sana po, mapagusapan niyo yung sinabi ko kanina. Good night po.", humalik ito sa pisngi ng dalawa at nakatungong nagtungo sa kwarto niya.

Alam niyang hindi mahirap ang gusto niya pero gusto niya itong gawin para kay Matteo. Para sa kanila. Hindi niya namalayang, umiiyak na pala siya. Kahit na naguusap sila na, okay lang kung hindi siya makasama, nakikita niya sa mata nito ang lungkot. Ilang buwan niya itong pinaghandaan. Kaya hindi niya matiis na hindi niya ito masamahan. "God, please. Lighten up their mind and heart para payagan ako."

Maya-maya pa ay tumunog na ang fone niya. Tumatawag si Matteo. Pinunasan muna niya ang luha niya saka ito sinagot.

"Hi, Love.", pilit na bati sa normal niyang boses.

"Hi, Love. I miss you. How's your day? Done with your dinner?", si Matteo sa malambing na tono.

"I miss you too, Love. Okay naman lahat. NAgdinner kami sa Taguig kanina. Ikaw? Long day?"

"Yes, Love. Pauwi pa lang ako. Pero its okay, after nito, makakasama na kita."

"Ako rin. Gusto na rn kitang makasama. Marami lang talagang commitments.", lumulungkot na sabi niya. Na naramdaman agad ni Matteo.

"Hey, don't be like that. Don't be sad. Nababawasan ang ganda mo nyan. Baka hindi irelease yung magazine.", natatawang sabi nito.

Napatawa na siya. "Haha! Loko. Nasa market na yun.", pilit pinapasaya ang boses.

My ForeverWhere stories live. Discover now