Shirt

34 2 0
                                    

"Ok, let's go." I said.

"You're so handsome kuya. Pero mukha kang palaka." Sabi ng kapatid ko.

"What did you just say?!"

Natigilan ako ng maka tanggap ako ng mensahe.

SHIN

Shin

We're here at the departments store of Riqueza Mall

Me

We're going.

Shin

Did you wear it?

Me

Yeah, We'll go ahead. Bye.

Bumaba na ako ng kwarto at pumunta sa kotse.

"Si kuya excited.... ayiiiiieeee." Biglang sabi ni Kim.

"No. Napilitan lang ako ng ex ko. Tumigil ka na nga dyan." Sabi ko.

"Ehem.. sige, sabi mo eh. Pero one day magbabago rin yun." Sabi niya. Tama ka, pero act normal

"Siraulo ka nga talaga. Hays." Me.

"Si kuya talaga, pa hard to get. Eh dati lang eh umiiyak ka talaga nung iniwan ka niya. Eh, nagpakatanga umibig ng iba." Sabi niya.

"Anong ihip ng hangin ang dumapo sa'yo?!"

"Tanungin mo sa sarili mo kung bakit pinalitan mo si Ate Shin sa bwiset na Claire na kinuha pa ang paborito kong headband. Eh, ayun nagpakasasa, eh di iniwan ka ni Claire." Sabi niya at sumakay na sa kotse.

"Ano bang sinasabi mo?" Me. At pumasok na rin ako sa kotse.

"Edi yung katangahang history mo! Dahil akala mo iniwan ka na Ate Shin! Iniwan ka lang niya saglit dahil mag-aaral siya sa tunisia ng medicine." Sigaw niya.

"Shhh. Tumahimik ka nga. Nakakahiya kay Manong."

"Ayaw mong marinig nila ang World's dumbest story---" tinakpan ko ang bunganga niya,

"Tumahimik ka nga!! Arayyyy!!" Sigaw ko dahil kinagat niya ang kamay ko.

"Haha, wala ka pala eh. Dapat kase hindi mo binitawan si Ate Shin dahil tuturuan ka niya ng self defense. Konti lang ang naturo niya sa akin dahil sa katangahan mo." Sabi niya.

"Tumahimik ka nga. Itatapon kita sa daan."

"Sige itapon mo na ako, mas kinaklaro mo lang na gusto mo isolo si Ate Shin. Aminin mo na kasi." Sabi niya.

"Sabihin mo pa yang pangalan na yan. Napilitan lang nga ako eh. Tumahimik ka na! Pls!!!!" I said

"Ayoko nga! Nye,nye, nen, nye, nye!!! Sino ka ba? Mukhang palaka!!" Sigaw niya kaya tinakpan ko ang bunganga niya ng dalawang kamay ko.

"I feel peace!" Sabi ko nung hindi na siya nakapagsalita.

Natigil lang yon dahil tumawag si Shin.

My Super Ex GirlfriendWhere stories live. Discover now