Special Dinner

14 1 0
                                    

"Hello? Shin? Napatawag ka?" Sabi ko sa phone dahil tinawagan ako ni Shin.

"Johnson, I'm inviting you to come here because we have a special dinner and announcement. Later. At 8pm. Ok? Can we talk later? I need to prepare. See you later! Johnny! Bye." At pinatay niya ang phone.

Tawag tawag siya tapos madalian lang naman. Sira ulo yun. Pero pupunta ako para sabihin yun. Mahal ko siya. Bumalik na ang nararamdaman ko dahil kanina lang dumating. Na delay kasi flight niya. Kaya kanina lang nakauwi ako galing mall.

Sinabihan ko na si Kim at excited naman siya. 7:04pm already.

Sana masabi ko sa kanya.

Minutes had passed.

Papunta na kami sa hotel na pag-aari ng nanay ni Shin. Nasa loob na kami ng kotse kasama si Kim. 

"Baka masasarap ang mga pagkain dun, kuya. Nakapunta ka na ba dun?" Tanong ni Kim.

"When I was 16. Dinala kasi ako ni Shin dun kasi tinawag siya ng nanay niya."

"Maganda ba du'n?" Tanong niya ng habang mag twi-twikle ang mga mata niya.

"Hindi ko na matandaan masyado, Kim. Pero sigurado akong malaki yon at may swimming pool. Tsaka may lugar dun na madalas naming tinatambayan. Ang malaki nilang garden na parang village."

"I'm so excited, I'm so excited!" Kanta pa niya.

Nasa Gate na kami ng Hotel.

Paglabas ni Kim, ang laki agad ng bunganga niya.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaw." Sabi pa niya.

"Johnson! You're here." Narinig kong boses. At tumingin ako sa direksyon na yon. Si....

"Shin!" Sigaw at tumatakbo siya para sa direksiyon namin ni Kim. At nakaputing nakakabighaning dress. At may mga kumikinang na bracelates.

Kinabahan ako ng konte dahil andun si Lily at Claire.

Yung Mom kasi ni Shin at Mom nina Claire at Lily are Business partners.

"Tara sa loob." Sabi ni Shin. "Tara Kim. 'Lika dito." Lumapit naman sa kanya si Kim at niyakap niya ito, Sana ako na lang sa posisyon ni Kim sa ngayon.

"Ang ganda talaga dito ate. Ang swerte mo sa Mom mo." Sabi ni Kim.

"Thank you, Kim. Andun na sa Loob yung Mommy niyo."

Si mama, bestfriend ni Tita Mercy Nanay ni Shin.

Nakaupo na kami sa mahabang dining table. Ang ganda. Maraming dumating. At may nakita akong naka tuxedo mga VIP ata.

Katabi ko si Shin sa kaliwa at si Kim sa kanan. Ewan ko na lang at dito ako pinaupo ni Shin.

May dumating na naka tuxedo rin. Tumayo si Shin at sinalubong  niya yung lalaki at niyakap.

"Mathew! I miss you." Sabi ni Shin habang niyayakap yung sinasabi niyang mathew. At kinalas na niya ang pagkayakap. "I'm so glad you're here. I really miss you." Rinig kong sabi niya.

Hindi ko na lang sila pinakinggan.

Nakita ko si Lily, tiningnan niya ako ng masama at tumingin sa iba.

Si Claire, tahimik. Nung naging kami... hindi naman ako naging masaya.

Naalala ko na lang na pinakiusapan niya ako na mahalin siya at sabi niya na mas magaling siya kesa kay Shin. Walang kwenta ang naging relasyon namin, ang pagsasama namin. Sinasabi niya parati na kalimutan ko daw si Shin dahil andyan naman na siya. Hindi na ako naging komportable sa ginagawa niya. At naisipan ko na lang na hiwalayan siya. Pero gumawa pa siya ng kwento na niloloko ko lang siya at sinumbong niya sa tatay niya. Ewan ko na lang kung napatawad na ako...

My Super Ex GirlfriendOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz