Snow White sa Totoong Buhay

1.2K 47 5
                                    

HINDI lahat ng taong nagsusuot ng puti ay malinis na ang pagkatao. Mayroon ding iba na madilim ang pamumuhay. Katulad ng ex-girlfriend kong si Snooky.

Matangkad na babae si Snooky. Maputi ang balat, hanggang baywang ang buhok, maamo ang mukha, at malambot ang boses. Nasa kanya ang modelo ng isang prinsesa sa mga fantaseries. Obsessed din siya sa lahat ng bagay na kulay puti. Pare-pareho nga lang ang kulay ng kanyang mga kasuotan pati ang sarili niyang tirahan. Hilig din niyang magsuot ng palda at mahahabang manggas. Palagi naman siyang nagpapakulay ng puti sa buhok. Para siyang anghel sa kaputian at kalinisan.

Ang paborito niyang kulay ay bumabagay pati sa kanyang ugali at personalidad. Hindi nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi. Marunong siyang makuntento sa mga bagay na naibibigay ko sa kanya. Maliit man o malaki. Nakatutuwa nga siyang pagmasdan sa tuwing kakain kami sa tabi-tabi dahil sa kasuotan niyang daig pa ang reyna. Hindi ako nahirapang mahalin siya.

Wala nang mga magulang si Snooky. Sabi niya sa akin, matagal na raw namatay ang mga ito sa isang car accident. Mag-isa na lang siyang naninirahan sa bahay nilang iyon. Sa kabila ng pag-iisa, nagawa pa rin niyang maging masaya sa buhay.

Siya ang tipo ng babaeng tunay kong maipagmamalaki. Nasabi ko pa nga noon sa aking sarili na sadyang napakapalad ko dahil ako ang nakakuha ng kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat mula nang matuklasan ko ang sikreto niya. Ang lihim niyang nagpabago sa pagtingin ko sa kanya.

Isang araw noon nang magpunta ako sa kanila. Dala ko ang dalawang kahon na naglalaman ng buhay na manok. Pinabili niya iyon sa akin dahil ihahanda raw niya. Sabi ko pa nga, puwede ko siyang tulungan sa pagkatay sa mga manok pati na rin sa pagluluto. Pero tumanggi siya. Kaya na raw niyang gawin ang lahat ng iyon. Hahatiran na lang daw niya ako ng pagkain kinabukasan kapag nakapagluto na siya.

Palabas na ako noon sa kanilang bahay nang bigla niya akong harangin sa harap ng pinto. Hinawakan niya ako sa dibdib at tumitig nang malalim sa akin. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang walang kapantay niyang pagmamahal. Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha. Hanggang sa dahan-dahang magtagpo ang mga labi namin. Pakiramdam ko, para kaming nasa langit! Walang salita ang makapagpapaliwanag kung gaano katamis ang mga sandaling magkadikit ang aming mga labi.

Kumalas siya mula sa pagkakahalik at muling tumitig sa akin. "Prince Leonards Abella na aking minamahal," malumanay niyang wika.

Bahagyang natawa ako dahil kinumpleto pa talaga niya ang pangalan ko. "Yes, my beloved Princess?" ngiting tugon ko naman sa kanya.

"Mamahalin mo pa rin ba ako kahit pangit ako?"

Natawa akong muli sa sinabi niya. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Hindi ka naman pangit, aba! At isa pa, oo mahal na mahal kita! No words can explain how much I love you. You are my life. You are my world, Snooky. You are my Princess. You are my Queen!" sabi ko pa sa kanya, inisip kong nasa isang disney movie nga kami. Nag-english na ako kahit hindi gaanong sanay.

"Ibig kong sabihin, tatanggapin mo pa rin ba ako kung sakaling may madilim na history ang pagkatao ko?"

Biglang nangunot ang noo ko, pero agad ding tumawa at humawak nang mahigpit sa kanya. "What are you saying, my beautiful Princess?" paunang litanya ko, pero dahil sa kakulangan ng kaalaman sa Ingles ay tinagalog ko na lang ang sumunod kong sinabi. "Mamahalin kita kahit sino at ano ka pa. Tanggap ko lahat ng negative sides mo. Pati weakness mo. Tandaan mo ang pangako kong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko hanggang sa huli kong hininga."

Ngumiti siya at muling humalik sa akin. "Salamat!"

Doon nagtapos ang aming usapan. Ilang sandali pa'y nagpaalam na ako sa kanya.

Sa pangalawang pagdalaw ko, nagtaka ako dahil tahimik ang bahay. Nagtungo ako sa kusina, sa likod ng bahay, at pati sa garden pero hindi ko siya nakita. Tinawag ko pa nga ang pangalan niya pero walang tumugon. Imposible namang umalis siyang hindi kinakandado ang mga pinto. Kaya naisipan kong magtungo sa kanyang silid. Ang pribado niyang silid.

Haunted Files (Bedtime Horror Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon