Kabanata 12- Araw ng mga Patay
Ang sementeryo ng San Diego ay matatagpuna sa isang malawak na palayan at nababakuran ng lumang pader at kawayan. Masukal ang libingan at may malaking krus na nakatirik sa kalagitnaan.
Makipot ang daan patungo sa sementeryo, maputik kapag tag-ulan at maalikabok naman kung tag-araw. Isang napakalakas na ulan ang bumuhos ng gabing iyon, at dalawang tao ang abalang-abala sa paghuhukay sa isang bahagi ng sementeryo. Ang isa ay batikang sepulturero at ang kanyang katulong ay bago at hindi mapakali sa kanilang ginagawa. Hindi nito maitago ang pandidiri at kinakalaban ang pagbaliktad ng sikmura sa pagdura at paghitit ng sigarilyo. Sinaway ng batikang sepulturero ang kanyang kasama sa pagrereklamo nito at pinagpatuloy ang paghuhukay hanggang sa maiahon ang bangkay.
Sariwa pa kasi ang bangkay na kanilang hinuhukay, sapagkat dalawampung araw pa lamang itong naililibing mula ng mamatay. Sinusunod nila ang pinag-utos ni Padre Garrote, na walang iba kundi si Padre Damaso, ang kura paroko ng panahong iyon; na ilipat ang bangkay sa libingan ng mga Intsik. Ngunit dahil sa kabigatan ng bangkay at sa malakas na buhos ng ulan, minarapat na lamang nila na itapong ito sa lawa.
ČTEŠ
Noli Me Tangere | √
Historická literaturaBuod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarna House Publishing Company. PLUGGED: I Forgot That You Existed https://www.wattpad.com/story/2232633...